Mine 34

2.3K 57 1
                                    

Natahimik na lang ulit ako sa isang tabi. Hindi na muli umalis si Shawn sa tabi ko. Maging si Kuya ay napansin kong pumangit din yung mood.

Yung family lang namin at ang second family lang ni Shawn ang dapat ang andito. Pero, ininvite ng step mom niya si Gela. Hindi dapat ako mangamba,she's just his step mom. Ngunit ay hindi ko mapigilan.

Napatitig ako kay Tita na ngayon ay abala sa pakikipagchikahan kay mama tungkol sa mga damit. Naningkit ang nga mata ko. I don't like her to get near my mom.

Nag-iwas ako ng tingin bago niya pa ako mahuli. Tinignan ko si Shawn na ngayon ay tahimik na pinaglalaruan ang kamay ko.

"Tita,uuwi na po ako." Singit ni Gela.

"Why so early?" Nung time na bumaling siya kay Shawn, alam ko na ang gusto niyang gawin. "Shawn, pwede mo bang ihatid si Gela?"

Sumimangot siya. Siniko ko siya. "Sige na " mahina kong sabi.

From ny peripheral view ay nakita kong napatingin si Tita sa akin. Hindi ko 'to sinasabi para matuwa siya sakin, ang akin lang ay ayaw ko ng gulo.

"Tita may driver naman diyan--"

Natigilan siya nang tinignan ko siya. Bumuntong hininga siya. Tumingin siya kay mama na ngayon ay nakatuon na rin ang atensyon sa amin. Tinignan niya ako. With that look, I know ayaw niya sa mga nangyayari.

"Tita, pwede ko po bang isama si Ara?"

"What? No," sinapak ko siya.

Nakita kong ngumiwi si Gela.

"Papasyal din po sana kami saglit, diyan sa park." Hinawakan niya yung kamay kong ginamit ko pangsapak sakanya.

"Sige," tumango si mama.

Pinagbuksan ako ni Shawn ng pinto. Pagkatapos ay umikot na siya papunta sa driver's seat. Tahimik naman na sumakay si Gela sa likod.

"Thanks,"

Napaiwas ng tingin si Shawn ng akmang hahalikan siya ni Gel sa pisngi. Naging matalim ang tingin ko sakanya. Inirapan niya ako at lumabas na ng kotse.

Kumuha siya ng tissue at pinunasan yung pisngi niya. Tinignan niya ako,tinaasan ko siya ng kilay.

"Dumampi ba yung labi niya sa pisngi ko?"

I snorted. "Malay ko sa'yo"

Tinuro niya bigla yung pisngi niya. "Kiss mo nga ako,"

Nandidiri ko siyang tinignan. "Tara na nga,"

Ngumuso siya at nagsimula nang magdrive ulit. Gaya nga ng sabi niya,pumunta kami sa park.

"Gusto ata ni Tita Carina si Gela para sa'yo,a?"

Umupo kami sa tapat ng fountain. Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap mula sa likod. "Pakihanap nga," bulong niya.

Kumunot ang noo ko. "Pakihanap ang ano?"

"Ang pake ko, nawala ko ata e--aw" binatukan ko siya.

"Seryoso ako," I spat.

Ramdam ko ang pagngisi niya mula sa likod ko. "And it bothers you?"

I sighed. "Of course,"

Kinurot niya yung pisngi ko. "'Wag mo siyang intindihin. She's not my mom."

Nagkibitbalikat ako. "Asa'n nga pala si Tita Sarry?" Tita Sarry, his mom.

Siya naman ang bumuntong hininga. "Nasa ibang bansa, she decided na doon na lang muna tumira."

"Sinong kasama mo sa bahay niyo?"

"I'm staying at my condo."

Tumango ako at hinayaan siya. Sumandal ako sa dibdib niya. Amoy na amoy ko yung pabango niya, and it makes me feel dizzy. Pinikit ko yung mga mata ko.

"Hindi ka pa rin kinakausap nila Iya at Becca?"

Marahan akong tumango.

"Pa'no kung hindi ka talaga nila pansinin?"

"It's their choice. Hindi ko na ipipilit yung sarili sakanila kung ayaw na nila sa akin. Aalis rin naman ako after this school year ."

"You're leaving?"

Nanlaki ang mga mata ko. Nadulas ako, shet. Umayos ako ng upo. I looked at him, nakasimangot siya. Hakatang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.

"Okay lang naman sayo diba?" Humina ang boses ko.

Ito ang unang beses na hihingin ko ang opinion niya.

"Pa'no kung ayaw ko?" Ngumuso siya.

I bit my lip.

"Ayaw mo?"

"You'll be far away from me, pa'no kung may magustuhan ka doon? Tapos wala pa ako dun."

Sinapak ko siya. "Edi ibig sabihin nun, hindi tayo ang para sa isa't isa."

Sumimangot siya. "Shut up, Tiara."

Muli niya akong hinila papalapit sakanya. "Kung 'yan ang gusto mo, susportahan kita. Pero susunod ako,"

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon