"Ba't ba ayaw mong magsalita?"
nanahimik lamang ako. Habang si Shawn naman ay naiinis na dahil sa pananahimik ko. Ayaw ko ng magsalita. Hindi ko din naman sigurado kung maniniwala siya sakin o hindi. Dahil kung titignan ko kung kanino siya kakampi, alam kong dun siya kay Jenny. He caught me slapping her face.
"Why did you slap her? And why are you crying? Anong nangyari?"
Inis kong pinunasan ang mga luha ko. "Would just please shut up? It's done. Nangyari na,sira na yung pangalan ko sa buong school. Just because of that Jenny!"
Nagkasalubong ang kanyang mga kilay. Hindi niya padin naiintindihan kung anong nangyayari. Okay na ako. Feeling ko ay naiyak ko na lahat. Umiyak lang naman ako dahil sa inis.
"Ba't ako ang inaaway mo?" kita ko pang ngumuso siya.
Inirapan ko lang siya. Stupid. "Magsama kayo ni Jenny, leche."
Umusog ako para makalayo sakanya. Pauwi na kami. Ayaw niya pa akong tigilan.
"Kanina ang sweet sweet mo sakin. Ngayon inaaway mo na ulit ako."
"Sweet? Yuck." ngumiwi ako.
Sinundot niya yung tagiliran ko. Sinapak ko naman siya. Kala niya uy! Nasampal ko nga yung bruhang yun, siya pa kaya? Tss.
"Ano ba kasing nangyari?"
"Chismoso!" binuksan ko yung pinto sa gilid ko at lumabas na doon.
Muntik ko pa siyang maipit kasi lalabas na sana siya nung agaran ko sinirado yung pintuan. Bahala siya. Wala akong konsenya ngayong araw na ito. Binuksan niya naman ulit yung pinto at sinundan ako papasok sa bahay.
"Isusumbong ulit kita kay Tita, sige ka. Awayin mo pa ako."
Hindi ko alam kung ano ang nangyari. Bigla na lang nandilim ang paningin ko. The next thing I knew is pinagsasapak-sapak ko na siya dahil sa inis. "Ikaw pala yung nagsumbong kay mama! I hate you! Alam mo bang pinagalitan ako ni mama dahil dun!"
Hinawakan niya yung magkabilang braso ko. "Dapat lang yun sa'yo noh. Ang tigas kaya ng ulo mo."
Hinila ko yung kamay ko at sinapak ulit yung mukha niya. "Sumbungero!"
"Amazona!--aray!--ano ba!"
Sinabunutan ko siya. Buti nga sakanya! Alam na niyang masama akong kasama kapag badtrip ako. Nang-aasar pa siya! Ansarap ipagahasa sa mga bakla sa kanto e! Tsk!
"Anong gusto mong kainin? Magluluto ako."
"Sinigang."
Tumango siya at tinupi yung puti polo niya hanggang siko. Noon pa lang ay pinagluluto niya na ako. Minsan pa nga ay ako pa yung nahihiya sakanya. Mas magaling pa kasi siyang magluto kesa sakin. yung niluluto ko kasi ay yung pang madalian lang. But I can't blame him,mahilig din kasi siyang tumambay noon sa kusina kaya magaling talaga siyang magluto.
"Ano ba yung issue doon sa school tungkol sa'yo?"
Napangiwi ako nung hanggang ngayon ay hindi padin niya nakakalimutan yung nangyari sa school.
"Buntis daw ako." walang emosyon kong sabi.
Napatigil siya sa pag hiwa ng karne. Nakasimangot siyang nakatingin sakin. "Di nga?"
I hissed. Hindi naman niya ako naintindihan. Isa pa 'to e.
"I'm not pregnant! Oh Gosh!"
Buti na lang pala at wala din 'to kanina sa schoo. Kundi baka ay nag-away na naman kami ngayon.
"At sino naman yung nagkalat nun?" nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa.
Inirapan ko siya at hindi na sinagot. Wala akong pruweba na si Jenny nga yung nagpakalat,pero alam kong siya yun nagpasimuno nun.
"Tinanggi mo yung issue?"
"Ofcourse! Hindi mo lang alam na muntik na akong ma-expel dahil diyan sa issue na yan."
"Sana sinabi mo na ako yung ama" humalakhak pa siya.
"Gago!" tinapon ko sakanya yung bagay na una kong nahawakan. "Mas nakakahiya yun pagnagkataon uy!"
Tumawa siya. "Ayaw mo nun? Titigilan ka na nila."
Binigyan ko siya ng nandidiring tingin. Tawa parin siya ng tawa. Palibhasa kasi hindi siya yung na-issue.
"Ba't ba kasi nagawan ka ng issue na ganyan?"
"Nakita nila ako na pumunta sa hospital kahapon na namumutla. Ewan ko lang kung saan nila nakuha yung nagsususuka daw ako."
"Pumunta ng hospital? Diba kasama mo ako nung panahon na yun? Edi iniisip nila na ako yung ama?" Lumaki yung ngisi niya.
"Masaya ka naman? Tss."
Buong magdamag na nagluluto siya ay inaasar asar niya ako tungkol sa nangyari. Nanghihinayang pa siya na kinausap pala ako nung dean at tinanggi ko pa daw yung anak namin. Like,damn. Matindi na 'tong lalaking 'to.
"I think may gusto sa'yo si Jenny."
Bigla ko lang naisip.
"Feeling ko din e." Ngumisi siya.
Sasapakin ko na dapat siya ngunit maibilis siyang lumayo sakin. Humalakhak naman siya habang nagalalakad pabalik sakin. Hinila niya ako papunta sa living room at pinaupo ako. Pinahanda na niya yung hapag sa mga matulong namin.
"Pero seryoso. Sana hindi mo nalang sinampal yung mukha ni Jenny."
"Bakit? Naaawa ka sakanya? Kinakampihan mo siya?"
"Ikaw ang mahal ko,ba't siya yung kakampihan ko?"
Biglang umurong yung dila ko dahil sa sinabi niya. Tanging irap lang yung tangi kong nabigay sakanya. Hindi talaga ako sanay sa mga ganyang banat niya eh. Wala din naman kasi akong maisip na gawing pambara sa mga ganyan niya.
"Tapos, tatahimik ka na naman?" ngumisi siya. "Try mo kayang mag-i love you too"
"Shut up."
Feeling ko lahat ng dugo ko ay pumunta na sa mukha ko.
"Alam mo bang muntik ko ng masapak si Andrew kanina?"
Napasimangot ako sa sinabi niya. "Why?"
"May gusto sa'yo yung gago e" nilagyan niya ng pagkain yung plato ko.
Napatawa ako sa sinabi niya. "Baliw ka ba? Ba't naman yung magkakagusto sakin?"
"Kasalanan ko bang maganda ka? 'Wag niya lang talaga akong subukan... kundi naku!"
"Kung makaasta 'to. You're not my boyfriend" i rolled my eyes.
Biglang nag-iba saglit yung expresyon niya.Nagmake face siya at inirapan ako. "Magiging akin ka rin." Then he winked.
Tinulak ko yung mukha niya. "Dream on."
Tumawa lang siya. I hate the way he laugh. Mas lalo lang siyang gumagwapo kapag ganun, at ayoko! Geez. Kahit sino naman siguro ay kaya niyang bihagi. And I'm afraid na pati ako ay makuha niya.
And He's really full of himself,Sht!
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...