"Tiara! Si Shawn!" Hinihingal na sigaw ni Kean sakin.
Natigilan ako,maging yung mga tao dito sa loob ng classroom. Free time namin ngayon pero ginagawa namin yung mga project namin. Excuse naman yung iba at pwedeng lumabas ng room.
"Basta! Tara!"
Hinila niya ako galing sa pagkaka-upo.
Nadatnan kong nakapaibabaw si Shawn kay Andrew. Dugo ang unang pumukaw sa aking sistema kaya nabalis kong hinila si Shawn para mapigilan siya sa pagsuntok kay Andrew.
Marahas na hinila ni Shawn yung kamay niya na kanina lang ay hawak ko. Napaatras ako dahil sa ginawa niya.
Nakita ko naman si Dianne na biglaang tumakbo para tulungan si Andrew. Inalalayan nityang tumayo si Andrew. Naguguluhan niyang tinignan si Shawn.
"Bakit ka nagagalit?! Totoo naman diba?!"
"Oh shut up! Matagal na akong nagtitimpi sayo Andrew! Hindi mo lang alam!" Dinuro-duro niya si Andrew.
"STOP IT SHAWN!" Sumabat bigla si Dianne.
Nagtiim ang bagang ni Shawn. I saw him slowly closing his fist.
"Ako na naman Dianne?! Siya na naman ang kakampihan mo?!"
"Wala akong kinakampihan! Not you or Andrew!"
Shawn chuckled. "Talaga? Diba nga nagawa mo akong saktan noon para sakanya? You can do it again."
"I didn't! Everything was an accident, Shawn! I already told you! Pero hindi ka naniwala!"
"I know you're taking Tiara dahil gusto mong maghiganti! I like her! Alam mo yun simula noong unan ko siyang nakita!" Sumingit si Andrew.
"Hindi ako gago tulad mo!" Tinulak niya si Andrew.
Hindi ako nakagalaw dahil sa mga narinig ko. But Kean do the move. Hinawakan niya yung braso ni Shawn para pigilan sa pagsugod niya muli kay Andrew.
"Umamin ka na! Noong nalaman mong nagustuhan ko siya, gumawa ka agad ng paraan diba?! Kung totoo yung nararamdaman mo, bakit hindi mo pa noon niligawan si Tiara?! You knew her since then, pero bakit ngayon lang?! Kasi gusto mong maghiganti sakin!"
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...