mine 36

2.5K 50 0
                                    


Nagising ako na may naglalaro sa buhok ko. I flinched at unti-unting dinilat ang mga mata ko. Napatingala ako sakanya.

"Good morning," ngumiti siya.

I smiled back. "Good morning,"

Nanatili akong nakahiga sa dibdib niya. Ayaw ko pang tumayo at mag-ayos. I just want to spend the remaining time with.

"Kamusta na ang pakiramdam mo?" Mahina niyang sabi.

Naningkit ang mga mata ko, "I should be the one asking you, may lagnat ka pa ba?" Nilagay ko yung kamay ko sa noo niya.

"I'm fine. E ikaw? You were crying the whole night," inangat ako ng kaonti.

"Okay lang ako," umupo ako at sumandal sa headboard ng kama.

Sabado ngayon kaya walang pasok. Hindi ko lang alam kung papasok ba tong isang 'to. Sana hindi...

"Shawn, papasok ka ngayon?"

Halatang nagulat siya sa tanong ko. Maging ako ay nagugulat rin sa mga ginagawa ko.

"Hindi na muna," ngumisi siya sakin. " bakit? May balak kang gawin ngayong araw?"

"Alis tayo, I want to enjoy this day." I smiled.

Naningkit ang mga mata niya. Ngumuso ako. "Wag na nga lang,"

Humalakhak siya at hinila ako, dahilan para madaganan ko siya ng hindi sinasadya. "Joke lang, eto naman."

Unti-unti akong nakaramdam ulit ng antok. I rest my head again on his chest. "Anong oras na ba?"

"Six in the morning, baby."

Tumango ako at pinikit ang aking mga mata.

I felt him chuckled. "Himala,"

"Hmm?"

"Hindi nagalit na tinawag kitang 'baby'"

Hinila ko yung kumot at nagtago dito.

"And you're getting clingy," humalakhak siya.

Sinapak ko yung tiyan niya. "'Wag ka na nga lang magreklamo,"

"Edi hindi, pakiss na rin" hinila niya ako papalapit sakanya at ngumuso.

Tumawa ako at tinulak yung bibig niya palayo.

Muli ay niyakap niya ako. Dinaganan niya pa ako gamit ang isang pa niyang paa.

"Chansing ka na masyado,"

He chuckled, "ikaw rin naman, pareho lang tayo."

Pinikit ko ulit yung mga mata ko, It feels so good being with him. Sana lang ay laging ganito.

"I love you," mahina kong sabi.

I bit my lip. I really don't know what's happening to me. Words are just going out from my mouth.

"I love you,more." Ramdam kong napangisi siya sa mga sinabi ko.

Umuwi muna si saglit si Shawn para makapagbihis habang ako naman ay nagsimula nang mag-ayos. After drying my hair, kinulot ko yung buhok making it kinda messy. I wore a short and a loose printed top. Kinuha ko yung sandals ko.

Naabutan ko sila mama na kumakain sa hapag. I kissed both of their cheeks, including kuya. "Good morning!"

Napataas ng kilay si Kuya,malamang ay nagtataka sa ginawa ko. I rolled my eyes, still with a smile on my face.

Ngumiti lang naman si mama pati si papa. I'm glad we're complete.

"You're going out?" Tanong ni mama.

I nodded and sat on the kitchen counter. "Ya, pero hihintayin ko pa si Shawn."

Sumimangot si Kuya. "Ba't dito yun natulog kagabi?"

"Shut up,Kuya."

Nagmakeface lamang siya. Pinagmasdan ko silang kumakain. I smiled, sana laging ganito.

"Good morning tita,tito" biglang pumasok si Shawn sa Kusina.

Tumayo ako lumapit sa kanila.

I hugged them all and kiss them on the cheek. It was a tight hug kaya nagreklamo si Kuya.

"Tiara! Hindi na ako makahinga!"

Tumawa ako at hinigpitan ang yapak ni Kuya mula sa likod. Binitawan ko rin naman siya agad. I don't want him dead.

"Ma,pa,Kuya alis na kami. Bye!" Hinila ko si Shawn papalabas ng kusina.

Natigilan ako. "Wait," I stepped back at sinilip yung leeg ko sa kusina, " I LOVE YOU!"

Narinig ko pang tumawa si mama. Bumagsak ang mga balikat ko. I smiled.

"You're really acting strange," sabi ni Shawn.

"Huh?"

Umiling siya at hinila ako papasok sa loob ng sasakyan.

Una ay pumunta kami sa isang peryahan, "ride all you can," ngumisi ako sakanya.

"Oh yeah?" Tinaasan niya ako ng kilay.

"Horror house tayo," hinila ko siya papunta sa horror house.

"Tiara! Sandali," tumawa siya.

I was quit disappointed of myself. Hindi ko pa makalimutan noon na naihi si Shawn sa pants niya nang pumasok kami sa isang horror house. No, hindi ako naihi or anything disgusting. Ako yung tumitili, habang siya naman ay tatawa-tawa lang.

Mas lalo akong napatili nang may lumapit na isang white lady sa amin.

"Kala mo a," humalakhak siya paglabas namin.

I rolled my eyes at pinunasan yung pawis ko sa mukha. Napatili ako nang bigla niya akong hinila papunta sa isang stall.

"Marunong ka na niyan?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Sa loob ng stall ay may mga latang nakapyramid style, may mga balloons din na nakadikit sa pader at iba pa.

He snorted. "Naman,"

Tinawag niya yung babaeng naka incharge doon. Binigyan siya nito ng mga dart. Nagsimula na siyang tumira sa mga balloon.

Humalakhak ako. "Weak!"

Ngumuso siya at matalim akong tinignan. "Watch and learn," he winked.

I crossed my arms habang pinapanood siya.

"Ayon! Kita mo na?" He smirked.

Naningkit ang mga mata ko sakanya. Binaling ko yung tingin ko sa babae na kinukuha yung papel na nasa loob ng balloon. I think its the price

"A pack of gummy bears," binasa ng babae ang nakasulat sa papel.

Tumawa ako ng sobrang lakas. Nawala naman ang ngiti niya at napakamot ng ulo.

Binigay ng babae ang prize sa akin at tinanggap ko naman. Ngumisi ako kay Shawn.

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon