Mine 17

2.7K 70 0
                                    

I grab my bag at lumabas na ng kotse. Kakatapos lang ng semestral break namin. Balik normal ulit yung buhay ko.

Pagpasok ko ng silid ay nagkakagulo pa yung mga kaklase ko. Maingay,magulo. Palihim akong napabuntong hininga at dumeretcho sa usual seat ko. One table for two person. But now, I'll be sharing this table to myself alone. I sighed again.

Inikot ko yung paningin ko sa mga kaklase ko. They all look so happy to meet their troops again. And here I am, parang biyernes santo yung mukha,not sure if I'm going to see him again.

Second semester na ng taon. It feel like it's my first day again. I walked in the lobby alone, I'm alone. Umayos ako ng upo nang lumapit sakin sila Kean at Paolo.

"Hi Tiara. Kamusta?" ani ni Kean.

I smiled and act normal. Sige lang Tiara, makipagplastikan ka. Diyan ka naman magaling, pati sarili mo niloloko mo na. "I'm fine. Kayo?"

"Eto,gwapo parin." Paolo winked. Mabilis naman siyang binatukan ni Kean.

Gusto kong tumawa sa inasta nila pero hindi ko magawa.

"Uh, sorry kung maitatanong namin 'to sa'yo. Pero, papasok ba si Shawn ngayon?" napakamot ng ulo niya si Paolo.

Sandaling nanlaki yung mga mata ko sa tanong niya. Hindi ba nila alam? Hindi ba siya nagpaalam sakanila? Impossible...

"Siraulo ka talaga." Singhal ni Kean ulit kay Paolo. "Malamang ay hindi pa sila nakakapag-usap ulit. Tayo nga hindi na kinakausap, siya pa kaya? E duwag yung isang yun."

"Hindi niya kayo kinakausap?" I interrupt.

Wala naman siguro silang kinalaman sa issue namin. And before sem break ay nakita ko pa silang minsan na magkasama.

"He's thinking na kinakampihan namin si Andrew. Kita mo 'tong pasa sa mukha ni Paolo? Sapak niya yan. Sobrang galing kasi manuntok nun, eto namang isa hindi marunong umilag." Pinakita niya sakin ang pasa ni Paolo.

Siraulo pala siya e. Bakit naman siya magagalit? And he can't force his friends na kumampi sakanya kung nasa ibang panig naman talaga sila pumapanig.

"Alam niyo naman siguro na after nung nangyari ay hindi na ulit kami nagkaroon ng maayos na pag-uusap." I lied.

I consider what happened sa burol as a serious talk. Pagkatapos ng sinabi niya sakin sa burol ay hindi na ulit ako nagsalita. Dahil na rin siguro sa hindi ko alam kung ano ang talagang dapat kong sabihin. Dapat ay galit ako sakanya noon, pero dahil sa mga sinabi niya ay mas lalo lang akong naguluan sa sarili kong damdamin. Ang buong galit ko ay nabawasan. Mabilis akong lumambot pagdating sakanya, mahina ako pagdating sakanya. Alam ko yun, at dapat ay sanayin ko yung sarili ko na maging matapang kapag andyan na siya. To live again without him.

Umalis rin naman agad sila Kean at Paolo para bumalik sa kani-kanilang seat. Balik normal na ulit, pero para sakin ay parang bago ito, hindi ito normal.

Nagcheck ng attendance yung adviser namin. Hindi na tinawag yung pangalan ni Shawn dahilan para magreact ang iilan sa aming mga kaklase.

"Miss, nakalimutan mo po atang tawagin si Shawn?" weird na sabi ni Jenny.

Ngumiti yung adviser namin. Alam niya siguro yung nangyari. Marahil ay nagpadrop na si Shawn. He will taking homeschooling. Yun ang alam ko.

"Starting today, hindi na natin makakasama si Shawn. He dropped out for some personal reason."

Biglang umingay ang room dahil sa balita ni miss. May iilan pang tumingin sakin na para bang alam nila na alam ko yung totoong dahilan kung bakit umalis si Shawn. Palihim akong napa-irap. Ang iingay nila, para namang kapag mag-iingay sila ay babalik na agad si Shawn dito.

"Tiara, alam mo ba kung nasaan si Shawn ngayon?" naging malakas ang boses ni Jenny dahilan para tumingin halos lahat ng babae sa room namin at iilan pang mga lalake.

Napangiwi ako kasabay ay peke akong ngumiti. "Sorry tell you all, pero hindi ko alam yung reason." I secretly rolled my eyes again at kumuha ng libro.

Feeling ko ay simula ngayon ay magiging plastic na ako. I don't know who I should trust now.

May narinig pa akong iilang chismis tungkol sakin. Hindi ko alam kung bulong-bulongan pa ba yung tawag dun o nagpaparinig pa sila.

"Malamang ay si Tiara yung dahilan kung bakit umalis si Shawn. Bali-balita ay binasted niya si Shawn,tss. Kala mo naman maganda." Rinig ko pa ang mga katagang iyon mula sa iilang ingrata sa room.

I snorted. Hindi ko na alam kung paano iintindihin ang mga tao sa paligid ko. Well, hindi ko naman talaga kailangan na intindihin sila. They won't even care if I care. And I think I should research how to ignore his' fangirls. Lintek na yun, aalis na nga lang, mang-iiwan pa ng problema sakin.

Galing sa inuupuan ko ay kita ko ang pagtingin sakin nila Iya. Hindi ko mabasa ang kanilang expresyon. Alam ko, sa tingin palang nila, halata ko ng may mali. May mangyayari, sana naman hindi masama...

"Kumusta ka na?" bungad sakin ni Iya.

Inaya parin nila akong sumabay sakanila. I feel awkward to be with them. Last week, I keep on rejecting them dahil sa personal issues ko. Nahihiya na ako.

"Okay ka na ba?" becca tapped my shoulder.

Ngumiti ako sakanila.
"Okay na ako."

Ngumisi si Gaile. "So,pwede ka ng sumama mamaya sa gala namin?" humalakhak sila.

"Game!" I laughed.

Matapos ng break namin ay nauna sila sakin sa room. Ako naman ay dumaan na muna sa lobby para kunin ang iilang libro ko na nasa locker ko pa. Pagbukas ko nito ay bigla bumulaga sakin ang isang white rose na may kasama isang sticky note na nakadikit sa stem nito.

'drink your medicine. Take care :* I love you.'
-hulaan mo kung sino :P

Napaawang ang bibig ko habang binabasa ang nakasulat sa sticky note. I felt my cheeks blushed. Sulat kamay niya pa lang ay alam ko na kung sino. Hindi ko alam kung paano niya yung nagawang ilagay sa locker ko gayung ang alam ko ay nasa ibang bansa na siya ngayon. Kinuha ko yung rose at yung libro ko. Ang awkward kung dadalhin ko yung rose sa room kung saan makikita ng iilang kaklase ko, but their opinion isn't important now. It doesn't make sense.

"Tiara."

Ang ngiting kanina ay nakaguhit sa mukha ko ay unti-unting naglaho. Mood swing? Maybe.

Napatingin ako kay Andrew nang bigla na lamang itong sumulpot sa tabi ko.

I looked at him, not giving him any good expression. Just poker face.

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon