Mine 32

2.4K 56 2
                                    


Naging tahimik ang buhay ko sa loob ng room. Si Gaile lang ang kumakausap sakin. Nalaman niyang may nangyari rin sa locker niya. But the good thing about her is tinanong niya ako if I had something to do with that thing.

"Ikaw na ang bahalang humusga." Pinakita ko sakanya ang video na nakuha ko.

Napatakip siya sa bibig niya. "The Dean should see this."

Tumango ako. Kanina ay sirado pa ang office at wala pa ang dean kaya mamaya ko na lang ibibigay.

"Anong nangyari sa braso mo?"

"Kinalmot ng bruha."

Tumawa siya. Nakapagtataka at hindi na siya gaanong sumasama kela Becca.

"After what happened, dumistansya ako ng konti sa kanila." Nagkibitbalikat siya.

"I won't like it if ginawa mo 'yon para sakin."

Hindi pa ako dumadating sa buhay niya ay magkaibigan na sila. Wala akong karapatan na tanggalin ang mga mahal niya sa buhay dahil lang sa sinaktan ako.

"No, thanks to you. Narealize ko na kailangan ko na palang magtanggal ng problema sa buhay ko." She chuckled. "It's my decision kaya 'wag kang makonsensya." Ngumiti siya.

"Hi Gaile. Oh, hi Tiara."

Napatingin kami pareho kay Kean na ngayon ay dalang bouquet ng bulaklak. Naningkit ang mga mata ko. Isang beses kong nilipat ang tingin ko sakanila. Ngumisi ako kay Gaile.

Ngumuso naman siya at namula.

"Hi. Uh, I think I should go now." Sinuot ko yung bag sa balikat ko.

Humalakhak si Kean. "Tingin ko din. Shawn is waiting outside,by the way."

Napasimagot ako pero umalis na rin. Napailing ako. Pitong araw lang akong nawala pero andami ng nangyari.

"Tiara."

Napatigil ako ng may kumalabit sakin.

"Andrew," napatingin ako sa paligid bago binalik ang tingin sakanya. Sabi ni Kean, andito daw si Shawn. I don't want to make a scene here.

"Uh, kamusta? You'e been gone for seven days..."

Tumango ako. "Oo, may nangyari kasi."

So ibig sabihin, hindi kumalat ang nangyari? Nakakagulat.

"So, anong kailangan mo?" Deretcho kong tanong.

Umiling siya at ngumiti. "I just want to talk to you."

Naiilang akong ngumiti. Where's Dianne? Dapat ay sila yung magkasama diba?

"Maybe we could talk some time. May pupuntahan pa kasi ako. See you around." Tinalikuran ko siya at lumabas na ng room.

Nakaupo si Shawn sa isang bench sa labas ng room namin. Kasama niya si Paolo. Nakataas ang isang kilay niya habang tinitignan ako. Kausap niya si Paolo pero sakin nakatuon ang atensyon niya.

Tumayo siya at kinuha ang bag ko. Napaangat naman ng tingin si Paolo sakin at bitter na ngumiwi.

"Hay nako," sumandal siya sa bench. "Walang forever!" Sigaw niya.

Tumawa ako. Sinapak naman siya ni Shawn. "Maghanap ka ng kausap mo."

Ngumuso siya at umiling. "Problema lang yan!" Tumayo siya. "Makaalis na nga," sa pagtalikod niya ay may nakabangga siyang isang nerd na babae. Nahulog ang mga dala-dala nitong libro. Puro naman sermon ang ginawa ni Paolo habang tinutulungan ang babae.

"Ang aga mo, wala kang training?"

Umiling siya. "Hindi ako pumasok."

Suminangot ako.

"Hayaan mo na 'ko, sabi ko nga diba. Babawi ako."

Nagmake-face ako sakanya.

"Kaya ngayon, akin ka--mp!"

Tinulak ko nga yung bibig niya. "Sira ulo. Dadaan pa ako sa Dean's office."

Ngumuso siya.

Sinamahan niya ako sa office. Nakalagay na sa usb yung video. Hindi man dinelete sa phone ko, atleast may copy ako kapag aksidente kong madelete.

"Kumg hindi parin kayo naniniwala, check niyo po yung cctv sa may locker."


Pagkalabas ko ay naabutan ko si Shawn na kinakausap ni Gela. Piniligko yung ulo ko. Dahan-dahan lang akong naglakad patungo sakanila.

"Nakita mo naman yung nangyari Shawn diba? Siya yung tumulak sakin,siya ang nauna." Mangiyak-ngiyak niyang sabi.

Masama na ang tingin sakanya ni Shawn. I even saw his fist closed. Lumapit na ako sakanila. Kumapit ako sa braso ni Shawn.

Bumaling silang dalawa sakin. Tinaasan ko ng kilay si Gela. "Tara Shawn."

Pinadausdos naman ni Shawn ang kamay ko. At pinagsalikop ito sa kamay niya.

"Ang kapal ng mukha mong magpakita dito,"

Nanlaki ang mga mata ko nang malutong niya akong sinampal.

Napabitaw si Shawn sa akin. Nagulat ako nang marahas niya hinawakan yung braso ni Gela.

"Binibrain wash ka lang niya,Shawn! She likes you kaya sinasaktan niya ako para lumayo ako sayo."

Hinila ko ang kamay ni Shawn. Nangigigil na siya na pakiramdam ko ang masasapak niya na si Gela. "Shawn, stop it."

Malumay siyang napatingin sakin at bumuntong hininga.

"And I love her." Mariin niyang sabi. "Saktan mo ulit siya, hindi mo alam ang magagawa ko sa'yo,Gela."

Malusog na luha ang bumagsak sa mga mata ni Gela.

Hinawakan ni Shawn ang mga kamay ko at hinila ako palayo doon.

"Sabi ko naman kasi sayo, wag mo na siyang kausapin."sinapak ko siya.

Sumimangot siya. "Siya ang lumapit,"

Umirap ako sa kanya at hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Ngumisi siya bigla. "I like when you're jealous."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "What?"

"Nagiging clingy ka kasi," mas lumapad ang ngiti niya.

Inirapan ko siya.

"Ara, may saluhan nga pala sa bahay nila papa."

"So?"

"Gusto sana kitang isama doon."

Nanlamig ako sa sinabi niya. "Stop. Joking."

"I'm serious," tumawa siya. "Gusto ka rin kasing makita ni papa."

Sinapak ko siya. "Sabihin mo busy ako or what, bwisit ka naman e."

Humalakhak siya at hinila ako papalapit sakanya. "Ba't kinakabahan ka?"

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon