mine 35

2.5K 59 0
                                    

Halos araw-araw ay pumupunta si Shawn sa bahay. Kung hindi umaga ay sa gabi siya pumupunta.

"Ba't dumaan ka pa dito? Dapat umuwi ka na lang diretcho."

Matamlay siyang umupo sa tabi ko. May ginagawa kasi akong project kaya gising pa ako. It's 11 in the evening,by the way.

"Nadistorbo ba kita?" Mahina niuang sabi sa likod ko.

Humiga siya sa sofa na inuupuan ko ngayon. Tinapunan ko siya ng tingin. "Hindi,"

Hinaplos ko yung noo niya. "May sinat ka," sinapak ko siya.

"Ouch,"

"Ayan kasi, kumain ka na ba?"

Dahan-dahan siyang umiling. Sinapak ko ulit siya.

Tumayo ako ngunit napaupo din nang hinila niya yung wrist ko.

"Hindi na, uuwi na rin na naman ako maya-maya."

Tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Ngumiti lang naman siya,nagpapacute. Umirap ako at tumayo. Naglakad ako papunta sa kusina.

Gabi na masyado kaya malamang ay tulog na yung mga kasambahay namin. Binuksan ko yung ref namin.

Nilingon ko siya nang sumunod siya sa akin. "What do you want to eat?"

"Ikaw bahala,"

Umirap ako at kumuha ng karne sa freezer.

"Okay lang naman talaga ako,Ara. Hindi naman ako nagugutom."

"Shut up. Kaya nagkakasakit ka e, sobrang pabaya mo sa sarili mo."

Sandali siyang nanahimik.

"Galit ka?"

I chuckled. "Obvious ba?"

Nilapag ko yung niluto ko at hinanda ang hapag. "Eat." Utos ko sakanya.

Ngumuso siya at tinignan ako. "Sorry,"

Inirapan ko ulit siya tumalikod para kumuha ng gamot.

"Gusto lang naman kitang makita," bulong niyang narinig ko.

Biglaan akong nakaramdam ng konsensya. Sobrang tamlay niya. Ang alam ko, kanina ay may klase siya pagkatapos ay pumunta na naman siya sa company nila para magtraining.

"Inumin mo 'to pagkatapos," nilapag ko ang isang baso ng tubig at gamot sa mesa.

"Thank you,"

Umupo ako sa counter chair. Pinagmasdan ko siyang kumakain.

"Dito ka na matulog," sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Ha? Baka magalit si Kuya Crad,"

Tinaasan ko siya ng kilay, alam kong nagpapagood shot siya sa kuya ko. "Bakit? Gusto mong umuwi? May inuuwian ka na siguro dun, no?"

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko at unti-unting tumawa. "Ano?"

Inirapan ko siya, "Ilagay mo na lang yan sa sink pagkatapos mo diyan," pumunta ako balik sa sala.

Hindi rin naman nagtagal ay sumunod na siya sakin sa sala. Nagsimula na akong magligpit.

He poked my arm. "Galit ka ba sakin?"

Tinaasan ko siya ng isang kilay. I shook my head. "Uuwi ka pa diba? Gabi na,"

Ngumuso siya. He grabbed my waist and wrapped his arms around it.

"Take care of me,please." Bulong niya sa tenga ko.

I rolled my eyes. Tinanggal ko yung kamay na nakapulupot sa bewan ko. "Mauna ka na sa taas, ililigpit ko na lang muna 'to."



Hinaplos ko ulit yung noo niya. Mas lalo siyang uminit.

Kanina ay tinawagan ko si mama na dito na lang muna patulugin si Shawn. Hindi na rin naman siya iba kaya napapayag ko siya.

Dumapa ako sa kama at pinagmasdan siya. Mahimbing na ang tulog niya. I touched his face using my index finger.

His eyebrows, na madalas ay nagtatagpo kapag may away kami. His eyelids, na pakiramdam ko kapag tinitignan niya ako gamit ang mga mata niya ay ako lang talaga ang nakikita niya. His nose,it was long and pointed,making him more attractive. Ang maninipis niyang labi, I love it when it raises up forming a smile. Na isa sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

He's so perfect that I feel nothing when he's with me. I will miss him.

Nagulat ako nang bigla niyang akmang kakagatin ang daliri kong nasa labi niya. Buti na lang at mabilis kong natanggal ang kamay ko doon sa labi niya.

Ngumiti siya ngunit mabilis din itong nawala. Napaupo siya. "Why are you crying?"

Napahawak ako sa pisngi ko. Basa ito. Tumawa ako at umupo rin, "Wala," pinunasan ko ito using my wrists.

Hinila niya yung kamay ko, he held my chin up,making me look at him.

"Ano yun?" Nakakunot na naman ang noo niya habang nakatingin sakin. He's worried again.

"Wala nga. Hindi ko nga alam na umiiyak na ako" sandali kong pinisil ang ilong ko.

"Totoo?"

Ngumuso ako. Nag-aalangan ako tumango, "uh-huh." Ngumiti ako.

Tumingala ako. Ayaw tumigil ng mga luha ko sa pagtulo. Nababaliw na nga siguro ako, I don't even know why I'm crying.

"Tiara," may halong pagbabanta sa boses niya.

Tumawa ako at tumingin sakanya, "really. I don't know why,"

Tinakpan ko yung boses nang pumiyok ang boses ko sa huli kong mga salita

He hugged me tight. I even felt him kissed my forehead. Hindi ko na alam, mas lalo akong napaiyak sa mga ginagawa niya. I hugged him back and cried in his chest.

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon