Mine - 18

2.6K 59 0
                                    

Tinignan ko lang siya at hinintay ko na magbigay ng salita.

"Tiara, I just want to say sorry kasi hindi ko sinabi agad yung tungkol sa plano ni Shawn."

Automatically my eyebrows narrowed. The fck. He's saying fir something na wala namang pruweba na ginawa talaga? It would sound better kung magsosorry siya sa lahat ng gulong ginawa niya. Inis akong napangiwi kasabay ay medyo kinagat ko yung labi ko. Talaga bang pinaninindigan niya yung sinabi niya? Honestly, noong una kong narinig 'tong issue na iyon ay mabilis niya akong napaniwala. Willingly, I believed what he said. Pero unti-unti ay naiisip ko na maaring gawa-gawa niya lang yung mga kwentong ganun. There's still a part of me na naniniwala parin.

"I was just afraid to hurt you, kagaya nga ng nangyari ngayon."

My jaw clenched. Hinayaan ko siyang magsalita. I swear to myself. Once magsisimula na naman siyang siraan si Shawn sakin, this conversation would be the last. Kasi kung totoo namang pinlano talaga yun ni Shawn ay hindi na niya kailangan pang siraan si Shawn. Kahit ngayon ay sirang-sira parin ang pananaw ko kay Shawn.

"Malamang ay hindi niya sinabi sa'yo yung tungkol sa mga nangyari noon, yung past nila ni Dianne. Kasi alam mo naman siguro, mahahalata mo kapag sinabi niya yun, malalaman niya yung tungkol sa plano niya-"

"What are you trying to say, Andrew?"

"Shawn's not good for you-"

"you're not good for me, either."

Hindi ko na magawang hindi siya tarayan. He's acting like a she. I didn't expect him like this. Para siyang babae kung lumaban. Like he's still inside a boxing ring, laban parin siya ng laban kahit nasa labas na ng ring yung kalaban niya. Worthless.
"Don't get me wrong, Tiara."

"I have to go. Excuse me."

Nagsimula akong humakbang palayo sakanya nang bigla niyang hinawakan yung braso ko.

"Why can't you see me? Ako na yung andito, wala na siya. Please give me my chance."

Hilaw akong ngumiti. Sabi nila, kapag may nagkagusto sayo, o nagmahal sayo, you should say 'thank you' as an appreciation. But, guess like I have to say... "Sorry. But you already missed your chance." Marahas kong binawi yung braso ko mula sa pagkakahawak niya.

Naglakad ako uli at iniwan siya dun, ng mag-isa.

Dala-dala ko parin hanggang sa pag-uwi yung rose na nakuha ko sa locker ko. Nilagay ko ito sa isang vase at dinisplay sa kwarto ko. I decided to take a rest. Wala na rin naman akong kailangan pang gawin ngayon. Kakasimula palang ng 3rd quarter, at wala pang nabibigay na assignment sa amin kaya lulubusin ko na lang muna yung pahinga ko. Nakakapagod parin yung araw na 'to kahit papa'no. And kind of, boring.

Malayo ang upuan nila Iya sakin. Habang sila namang apat, ay nasa harap. Nanatili akong nakaupo sa dati kong seat. Paminsan-minsan ay lumalapit sakin sila Kean at inaasar ako. Habang kila Iya naman ay may napapansin ako.

"watch me whip, watch me nae nae ̴"

Hindi sinasadyang nagkatinginan kaming lima nang narinig namin ang hindi kaaya-ayang boses ni Jenny. Hindi ko yung gawa-gawa lang. Hindi talaga maganda yung boses niya. With our same thoughts ay nagtawanan kami. Hindi na ako nagbigay ng side comment. Nakakapagod ng makipag-away.

"Wala talaga siyang hiya sa katawan niya. Hindi na nahiya sakin." Singit bigla ni Erna.

I chuckled. Alam kong maganda naman talaga ang boses nitong ni Erna. Last month pa nga ay siya yung nanalo sa isang singin contest sa school namin. Napatingin ako kay Iya para tignan ang reaction niya. Ang alam ko ay hanggang ngayon ay hindi parin nasasauli sakanya yung libro niya na kinuha ni Erna. Peke ang ngiti niya at si Becca naman ay nakanguso. Si Gaile naman ay halatang walang kaalam-alam sa mga nangyayari.
Pinagusapan namin yung history ng One Direction, kung saan nagsimula yung grupo. Nakikinig lang ako kela Iya dahil wala naman talaga akong alam. I'm not e directioner but I love their songs.

"Someday, sasali talaga ako ng X-factor." Biro ni Iya.

Nagtawanan naman kami nung bigla siyang bumirit.

"Naku, wala ka na talagang pag-asa. Saying ang effort." Humalakhak si Erna sa sarili niyang joke.

Hindi ako tumawa. Nakita ko pang palihim na umirap si Iya. Naalala ko tuloy bigla yung mga pinag-usapan namin noon sa rooftop. Patuloy parin na nagsasalita si Erna. Now, umiba na yung topic namin. Which is kahit isa sa amin ay hindi magawang makarelate.

"Nagchat kami kagabi ni Renz, kinantahan niya pa nga ako ng see you again." Mangisay-ngisay pa siya sa kilig.

I know that Renz, she's talking about dahil kasama niya sa basketball si Shawn. Sa pananalita ni Erna at sa mga kwento niya sa amin ay parang may something sa kanila nung guy, parang may gusto sakanya yung guy. But, kung ako lang yung titingin sa sitwasyon nila, may once pa na piakita niya sakin yung convo nila, at napansin ko na siya yung parating nauuna. Hindi ko naman binasa lahat, pero tingin ko ay wala namang gusto yung guy sakanya. Sabi pa sakin nila Gaile ay may girlfriend na daw yung lalake. Nakakatakot pakinggan. Kasi halata naman na hanggang ngayon ay nag-uusap parin sila nung Renz. Kung ako man ay magkakaboyfriend, siyempre magseselos ako kapag may katext na iba yung boyfriend ko. Parang kung mangyari man yun ay medyo magfifeeling ako na nagchicheat na yung boyfriend ko sakin. Tss, magulo.

Mabuti na lang pala talaga at hindi ako nagpadalos-dalos ng desisyon about yung sa amin ni Shawn. Hindi naman kasi talaga kailangang madaliin ang lahat. Bata pa pa naman kami. Naiisip ko tuloy kung ano yung pwedeng mangyari kapag sinagot ko na siya agad bago pa nangyari yung paninira ni Andrew sakanya. Tingin ko ay mas masakit. Kasi yung nangyari yun samin ay wala pa pa naman kaming maayos na status. Kahit ngayon man ay hindi ko padin alam kung ano ba talaga kami.

Sinabi niya sakin na babalik siya. Ayaw ko namang maghintay. Malay ko bang pag-uwi nun dito ay may kasama ng ibang babae yun. Hindi naman malabong mangyari yun.

Napabuga ako ng hininga nang nagsimula na naman yung kabang nararamdaman ko sa puso ko. It's been three days since umalis siya. Ano na kaya ang ginagawa niya ngayon?

I sighed. I shook my head at napahawak sa noo ko. I should stop this! Kung babalik agad siya, edi mabuti. Kung hindi naman ay kailangan maging handa ako sa mga pagbabago niya pag-uwi niya. Kailangan kong maging handa sa posibilidad na may iba na siyang magugustuhan at hindi na ako...

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon