Hinatid niya ako sa bahay pagkatapos.
"Dito lang ako maghihintay sa sala mo." Tapos ay humiga siya sa sofa ko sa kwarto.
Tinapunan ko siya ng unan. "Leche ka, seryoso ba talaga yung sinabi mo?"
Tinuro niya yung mukha niya, "mukha ba akong nagsisinungaling?" Humalakhak siya.
Umupo ako sa kama ko. "Ano ba kasing meron? Hindi ako ready," napamura ako.
Mas lalong lumakas ang tawa niya. Natetense na ako dito, baka kung ano ang sabihin nila sakin.
"Family dinner nga lang, ba't ka ba kinakabahan? Kilala mo naman si papa."
Tinapunan ko ulit siya ng unan, "tae ka."
"Magdress ka!" Sigaw niya.
"Shut up!"
Kumuha ako ng towel at dumeretcho sa cr. Pagkatapos kong maligo ay dumaan ako sa may walk in closet ko. Nakatowel lang ako at may manyakis pa sa kwarto ko.
Kinuha ko yung unang dress na nakita ko. Isang pink sleeveless dress na may kwelyong puti. Nakakulot ang buhol ko sa dulo.
Naabutan ko siyang nakahiga sa kama ko. May takip pang unan sa mukha, siguro ay nakatulog. Kinuha ko yung unan.
I grabbed my phone at pinicturan siyang natutulog.
"Omy!" Napatili ako nang bigla niya akong hinila patungo sakaniya.
Napahawak siya sa bibig niya nang tumama sa mukha niya yung phone ko. "Pwe,ano ba yun"
Humalakhak ako. Pinicturan ko ulit siya habang ngumingiwi siya. Kinuha niya yung phone ko.
"Asar," hinila niya ako at niyakap ng super higpit.
Kinurot ko yung tagiliran niya. "Ano ba, makukunot yung damit ko sa'yo e"
Bago pa ako makatayo ay biglaang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Bumulaga si kuya. Nanlaki ang kanyang mga mata at mabilis na hinila ako palayo kay Shawn.
"Hoy,anong ginagawa mo sa kapatid ko?!" Bulyaw niya.
Humalakhak si Shawn at dahan-dahan na umupo. Sinapak ko si Kuya. "Dumi ng utak mo uy."
Tinignan niya ako ng masama.
Ngumuso si Shawn para mapigilan ang tawa niya. Sira ulo din 'to e.
"Umayos ka nga," sinipa ko siya sa paa.
"Ayusin mo nga yang sarili mo, aalis na tayo."
Napataas ako ng isang kilay sakanya.
"Invited yung family mo sa dinner na yun," inakbayan ako ni Shawn
Napatango ako. Nagulat ako nang sinapak bigla ni Kuya yung kamay niya na nasa balikat ko. Hinila ako ni kuya palayo kay Shawn ulit. Dinuro niya pa ito.
"Dumistansya ka,a" banta niya rito.
Napairap ako sa ka OA-han niya
Humalakhak naman ang isang kurimaw. "Kuya Crad, hindi naman mabubuntis si Tiara kung hahawakan ko yung kamay niya o kung aakbayan ko siya."
"Tumahimik ka, diyan nagsisimula ang lahat."
"Ba't mo alam? Ha?" Panunuya niya. "Naku, ikaw kuya a."humalakhak siya.
Pati ako ay napatawa sa sinabi niya. Umirap siya at hinila ako pababa.
Pagdating sa bahay ay sinalubong kami agad ng papa at step mom ni Shawn. Hindi naman ako gaanong nailang kay tito, pero iba sa step mom niya.
Tahimik lang ako habang nakaupo sa isang gilid ng sofa. Naiilang ako kasi kanina pa panay ang titig sakin ni Tita Carina, yung step mom niya.
"Okay ka lang?" Tinabihan niya ako.
Hindi ako umiling kasi baka makapansin si Tita. She's kinda scary. Kahit na hindi naman talaga ako dapat matakot sakanya dahil hindi naman siya yung mom ni Shawn. Kinausap ko siya through my eyes. Ngumisi lang naman siya at hinawakan yung kamay ko.
"Uhmm, so Tiara." Tumikhim siya bago nagsalita. "Anong alam mo sa business?" Tinaasan niya ako ng kilay.
I lightened up my mood by smiling. "Uh, wala pa po akong masyadong alam. Pero, as of now po, tumutulong po ako sa pagdedesign ng damit sa company ni mama. Pag may oras ay doon ko binubuhos ang oras ko."
Ngumiwi siya. Para siyang disappointed sa mga narinig niya sakin. It's obvious na hindi niya ako gusto.
"Excuse me,"
Nakahinga ako ng maluwag nang umalis siya para kausapin ang dumating na bisita.
Inakbayan ako ni Shawn at nilapit sakanya. Tinignan niya ako. "Tumamlay ka ata bigla?"
Napaismid ako. "I don't like the way she stares at me," bulong ko sakanya.
Kinurot niya yung pisngi ko. "Sa una lang yan"
Nagkibitbalikat ako.
I was shock nang may biglang tumalon sa gitna namin niya shawn. A little girl.
"Kuya Shawn! Ate Tiara!"
Nanlaki ang mga mata ko. She knows me.
Umayos ng upo si Shawn, nilagay niya sa kandungan yung bata. It's the girl na nagbigay sa akin ng bulaklak.
"Remember her? Si Siela,kapatid ko."
Ngumiti si Siela sakin at nawave.
"Hello," i Gently tapped her head."Gela! Buti nakadating ka!"
Naagaw ang atensyon namin nang sumigaw si tita. Nakita ko ang pagngiwi ni Siela. Naningkit naman ang mga mata ko kay Shawn.
What is she doing here?
Nagkibitbalikat si Shawn. "Wala akong alam."
"I hate that girl," bulong ni Siela.
Napatingin ako sa direksyon ng tingin niya. Nakangiti ang step mom ni Shawn habang niyayakap si Gela. So,that's why she doesn't like me.
Pinagitnaan ako nila kuya at Shawn sa hapag. Tahimik lang naman ako at nakikinig lang sa mga pinag-uusapan nila.
"I heard Crad, may plano ka ring magtayo ng sarili mong business?"
"Opo, pero as for now, magfofocus na lang po muna ako sa company namin."
Pinasadahan ako ng tingin ni Tita. Hindi man nahalata ng iba, nakita ko ang mabilis na pag-irap niya sakin.
"Gela, kailan nga ulit yung opening ng boutique mo?"
Lumapad ang ngiti ni Gela. "Sa monday na po."
"Oh, Shawn are you free this monday? Samahan mo 'ko," sabi ni Tita kay Shawn.
Bago pa man makatanggi at makapagsalita si Shawn ay inunahan na siya ni Siela.
"Mommy, family day po yan sa School, you should be there with me." Ngumuso siya. She's cute and somehow is a brat.
"Tama nga pala, well Shawn could go"
Pinunasan ni Shawn ang kanyang labi. "I'm not interested." Walang emosyon niyang sabi.
Natigilan sila mama sa sinabi ni Shawn. I saw kuya, Chuckled and even my father. Humagikik naman si Siela.
"Shawn." Saway ni Tita.
Seryosong tumingin sakanya si Shawn. "I'm busy,Tita. My time is not worth to be spend in just an opening of a boutique. Ara's fashion line is much more interesting." Inakbayan niya ang ako,resting his arms on the head of the chair.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. The nerves of this guy!
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...