Pagkatapos naming magusap-usap nila Becca at Iya sa rooftop, dumeretcho kami sa auditorium. May programme para sa hindi ko alam. Umupo kami sa may likuran na part ng silid. I'm not going to enjoy this thing anyway.
Nagtext pa si Shawn na wala daw siya sa auditorium ngayon kasi ay practice sila ng basketball. Hindi ko na siya nireplyan, at the first place hindi naman niya kailangan sabihin lahat ng ginagawa niya sakin. Hinahayaan ko lang siya, doon siya Masaya e. And I'm quite getting used into his actions like this.
"Uy,andyan si i'll never be.." biglang bumulong si Iya sakin.
Tumawa si Becca at tinuro si Dianne. Kasama niya yung second honor namin. Bigla siyang tumingin sa direksyon namin pero iniwas din naman agad yung tingin nung nakita niyang nakatingin ako sakanya.
Hindi ko na masyadong inisip yunng tweet ni Dianne about sakin. Medyo naiintriga ako kung bakit ganun na lang yung tweet niya about sakin. Kkung ano man ang ibig sabihin nniya dun ay hindi ko na alam. Pero i have this feeling na may kinalaman si shawn sa issue na 'to. well, it's not really an issue.
Patapos na yung programme nung biglang pumasok si Shawn kasama ang iilang kagroupmates niya sa basketball sa loob ng auditorium. Iwawala ko na dapat yung tingin ko sakanya nung biglang lumapit si Dianne sakanya. May kung ano siyang sinabi kay Shawn na hindi ko naman narinig dahil sa layo ng iuupuan ko sa pintuan.
Lumapit si Shawn sakin ng nakangiti. Basa pa yung buhok niya at parang galing pa sa shower. Plain white t-shirt tapos ay short. Nakangisi pa siya nung tumayo siya sa gilid ko. Wala ng vacant kaya ayan.
Hindi ko siya binigyan ng pansin. Napayawn pa siya, halatang pagod. Kahapon ay hindi ulit siya pumasok dahil may training ulit siya sa company nila. Pagkatapos naman nung program ay mabilis na kinuha ni Shawn yung bag ko. Nagpaalam ako Kayla Iya at Becca. Sanay na sila na kapag andyan si Shawn ay hindi nila ako gaanong nakakasama. Hindi ko nga lang alam kung dapat din bang masanay ako.
Tahimik lang kaming dalawa habang pauwi. Siguro ay pagod siya at hindi pa nakakapagpahinga sa trabaho kahapon. Hininto niya yung sasakyan sa tapat ng gate ng bahay.
"Hindi ka na papasok? Dito ka na lang maghapunan."
Napangisi siya sa sinabi ko. I rolled my eyes. Assumero.
"Baka pwedeng dito narin matulog? Magpapapaalam ako kay mama, promise."
Nagkibit-balikat ako. Mas lalong lumaki yung ngisi niya when he realized na oo yung meaning ng pagshrug ko ng shoulder ko. Nakangiti pa siya habang pinapasok yung kotse niya sa loob ng bahay.
Wala pa si mama, pagkatapos naming kumain ay deretcho na ako sa kwarto ko. Doon naman dumeretcho si Shawn sa guest room na katabi ng kwarto ko. Ready pala ang mokong. May dala pa nga siyang gamit.
"Matulog ka na nga dun." Taboy ko sakanya nung pumasok siya bigla sa room ko.
Nagmake face lang siiya pagkatapos naman ay humiga siya sa kama ko. Bumuntong hininga ako. Tss. Dito na naman yan matutulog for sure.
Pinagpatuloy ko yung ginagawa ko. Nagreready ako para sa report ko para bukas.
"Hi Tiara!"
Nanlaki yung mata ko nung biglang nag pop up yung video call ni Andrew sa skype."Andrew?" pilit kong tinatago yung pagkairita ko.
Gumagawa ako ng powerpoint sa laptop ko. Ayaw ko pa naman sa lahat ay yung dinidistorbo ako kapag may seryoso akong ginagawa.Napasandal ako sa sofa na nasa likod ko. Bigla akong nawalan ng gana sa ginagawa ko dahil sa ginawa niya.
"Anong ginagawa mo?" ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...