Epilogue

5.9K 99 16
                                    

Thank you for making this far. This is the last chapter. Magkita-kita tayo sa 'Break up goals'  Enjoy!


Hindi ako makagalaw. Tila tumigil ang mundo ko. Dahan-dahan ay humakbang ako. Ang lahat ng mga tao ay nakatingin sakin. Marami sa mga tao ay mga kakilala namin.

Ang mga tubig sa aking mga mata ay kusang tumutulo.

"Shawn, sige na.." sabi sakin ni kuya crad nang tumigil ako sa paglalakad papunta sa harap.

Umiling ako.

Sinalubong ako ng kanyang mama. "Shawn, halika.." ginayak niya ako papunta sa gitna.

Hinang-hina na ako sa mga nakita ko.

Ang kaninang tahimik na lugar ay lalong tumahimik dahil sa pagdating ko. It's like everybody is waiting for me. hindi ko alam, baka dahil ay ako yung kadalasan na kasama ni Tiara o dahil ako ang iniisip nilang may sala.

Umiling ulit ako. "hindi... hindi 'to totoo,"

Nanginginig na ang mga tuhod ko. Nang nakarating kami sa gitna. Ang mundo kong kanina ay tumigil ay gumuho. Ang lahat na nakapalibot sakin ay tila ay naging itim. At ang tanging liwanag na nakikita ko ay ang nasa harap ko.

Napalunok ako.

Unti-unti ay nakalapit ako sakanya.

She was so beautiful,perfect. Kagaya noong una ko siyang nakita. Nothing changed.

Ilang beses ko siyang sinaktan, pinaiyak, ngunit ilang beses niya rin akong pinatawad. Ilang beses ko siyang iniwan, at sa mga panahong kailangan niya ako ay wala ako sa tabi niya.

Is this the consequence?

I was now standing infront of her.

Napayuko pagkakita ko sakanya. Nanginginig pa ang kamay ko ng hinawakan ko siya.

"B-bakit?" mahina kong sabi sakanya."Why did you leave me?"

Kinagat ko ang labi ko. Hindi pa gaanong na-aabsorb ng utak ko yung mga nangyari. Just something snap into my mind.

I hugged her coffin. Walang hiya akong umiyak habang yakap-yakap ko siya. Maraming tao ang nandito sa silid, pero wala na akong pakialam. They're here para makiramay, ngunit hindi nila kailanman mararamdaman ang sakit na nararamdaman ko.

"Tiara, b-bakit? Bakit mo 'ko iniwan."

She was now sleeping peacefully.

Hindi siya umalis patungong ibang bansa. But she leave me the other way, yung mas masakit tanggapin.

"Ara, gumising ka. Gumising ka diyan!"

Para akong binagsakan ng langit at lupa. Guhong-guho na ang mundo ko. Sobrang sakit na parang mamamatay na ako.

Sana nga ay mamatay na lang ako. Siya lang ang tanging nagbibigay sakin ng halaga para mabuhay. Ngayong wala na siya, wala na akong nakikitang rason para mabuhay pa.

Parang bumalik sakin ang lahat ng ginawa ko sakanya. Kaso yung sakanya, isang bagsakan na. Isang bagsakan pero ang sakit-sakit.

"Nangako ka diba? Nangako kang hindi mo 'ko iiwan. Na hindi ka aalis nang hindi ka nagpapaalam..." huminga ako ng malalim.

Para na akong nababaliw. Siguro nga ay baliw na ako.

Tinignan ko ulit siya. Wala na siyang reaksyon. Wala na... wala na siya.

Hinila ng kuya niya ang braso ko. "Brad, tama na."

Sobrang nanhihina na ako na kaya niya akong hilangin palayo sakanya. Ang sakit, pero wala akong karapatan na magreklamo. Kasalanan ko ang lahat nang nangyari.

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon