Mine 19

2.6K 67 0
                                    

Tanghali na nang nagising ako. Wisik-wisik na lang ata ng tubig yung nagawa ko pagkatapos ay tapos na akong maligo. Sabado ngayon pero may activity kami sa school. And 15 minutes na lang ay malelate na ako. Hindi ko na nagawang iblower yung buhok ko at hindi na rin ako kumain. Wala si mama ngayon, she's outside the country. Tanging mga katulong lang namin yung kasama ko at iilang nagtratrabaho sa bahay kaya okay narin na umalis ako. I need to keep myself busy anyway, to avoid some madrama moments, specifically thinking about some things I'm not sure if it's still possible to happen.

I wore my faded blue jogger pants with matching loose size shirt, a cap on my head and flat vans.

"Ate, may nagpapabigay po." I was about to run inside the campus nang may isang batang babae ang humila ng tip ng shirt ko. She's holding a white rose.

I kneel down para mapantayan ko yung height niya. I smiled at her. She's cute. And her eyes remind me of someone. She handed me the rose, tinanggap ko naman iyon.

I removed my cap. "Kanino daw to galing?" pang baby ko sakanya.

She just smiled and immediately run away. Sinundan ko yung direction niya. I was expecting for someone, pero I saw the little girl ran towards her nanny, i think.

Her eyes reminds me so much of Shawn's. Hindi ko alam. But it's obvious. Napabuntong hininga ako at sinuot ulit yung cap at tumakbo na papasok sa campus.

We're here to prepare the auditorium. Yung klase namin ang naka-assign dito para sa darating na foundation. Pagdating ko sa loob ay naabutan ko silang lahat na busy-ing busy. Well then, aside from that, something caught my attention. My friends are smiling widely at me. Kahit na sobranng layo koo pa sakanila ay natatanaw ko na yung laki ng ngisi nila sakin. Their sight landed on the rose I'm holding.

"Hmm... guys, valentines na ba?" biglang tanong ni Becca sa ibang kaklase naming malapit samin.

I felt my cheeks blush. Hinayaan ko sila.

Sandali namang napatahimik ang lahat ng pumasok si Andrew na may pasa sa mukha. Mabilisan niyang kinuha yung bag niya sa isang seat dito sa auditorium at lumabas na ng room. Lihim akong napailing at pinagpatuloy yung ginagawa ko. It's been 2 weeks after nung nangyari sa locker. Hindi na rin siya nagtangkang lumapit sakin dahil sa sinabi. I'm not sorry for what happened, for what I did. He even deserve a slap from me, pero hindi ko ginawa.

Hindi ko sinasadyang tignan si Dianne,pero agad niyang naagaw ang atensyon ko. She's looking at Andrew na kanina pa nakaalis sa room. Napako ang kanyang tingin sa exit ng auditorium. Magulo din 'tong isang 'to. I thought she likes Shawn? Bakit ngayon ay parang kay Andrew na naman siya may gusto? Or maybe she likes them both. Maybe she want Shawn back, at the same time have Andrew. Pinilig ko yung ulo ko sa kabiteran ng mga iniisip ko.

Break namin nung napagdesisyonan ko na buksan ang instagram ko. My heart pounded when I saw his username. I froze while looking at the photo he posted. Wala itong caption. Just a full view of the whole city. Para siyang nasa may sang mataas na lugar nang kinunan niya ito ng litrato. It was beautiful.

I feel a tear escape from my eye when I realized where the place is. I can't be wrong, sa burol ito!

He's already here?

The whole day I was preoccupied, seems like all the thoughts I should be thinking right now is being blew away by what I saw. Nandun siya sa burol, meaning bumalik na siya. Hindi ko mapigilan ang sariling kong tanungin kung nasaan na siya ngayon, kung ano ang ginagawa niya at kung bakit hindi niya ako pinuntahan. Nauna akong umuwi, sila Gaile naman ay naiwan.

On my way home ay may nakikita na akong Christmas decor. Ito yung unang pagkakataon ko na magcelebrate ng pasko sa bansa. Mas Masaya sana ito kung andito lang sila papa. Feeling ko kasi, this time ay hindi siya uuwi ng bansa. Nakafocus siya sa business namin sa New York and he's with my brother, si Kuya Crad. It has been month since nung last ko silang nakita. Sana naman ay makauwi sila. Or kung hindi naman ay maiintindihan ko, pero sana ay kasama ko si mama. Sanay na akong walang kasama, pero ayaw ko parin ng walang kasama.

"MERRY CHRISTMAS!" sigaw ng mga kaklase namin pagkapasok ko.

No, hindi pa pasko. Nagpreprepare lang sila ng Christmas decor para sa Christmas party next week.

"KISS!" sigaw nila ulit.

My eyebrows narrowed. Napatingin ako sa tabi ko, andun si Andrew. I made a distance. Tinapunan ko ulit ng tingin ang mga kaklase ko. Nakita ko naman ang pag-nguso ni Iya sa itaas namin. I looked up and saw a mistletoe.

Muli ay tinignan ko si Andrew. When I look at him ay nakatingin na siya. Hindi ko na napigilan ang pagmamaldita ng mga mata ko. I rolled my eyes at dumeretcho na sa seat ko. I have no time for those gimiks. Bwisit pa ako kasi hanggang ngayon ay hindi parin nagpaparamdam yung isang kurimaw. Orayt, i'm already craving for his attention on me. Sa nasanay kasi akong palagi siyang kasama, palaging nakabuntot sakin. I rested my head on my arms which is now folded on the table. Natatanaw ko yung sahig when suddenly , something caught my eye. Napaayos ako ng upo ng may nakita akong sticy note, maliit na sticky note na nakadikit sa bandang ilalim ng table. Napaayos ako ng upo. I looked around, most of them are busy. Napabuntong hininga ako at kinuha iyon.

I pressed my lips. My cheeks flushed. Mabilis ang tibok ng puso. Simple message with his handwritten written on the paper. Nawala yung tampo na nararamdman ko kanina. Speaking of the handsome devil.

'Don't miss me too much,Ara. See you very soon. I love you:*'


She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon