Habang nagmimeeting kami ng kagrupo ko para sa project namin sa arts ay napagdesisyonan ko na manahimik na lang. Nandito kaming lahat sa tapat ng soccer field. Wala namang naglalaro dahil tanghali pa. Lunch break kasi ang naging plano nila na magmeeting. Ewan ko nga lang kung bakit dito pa sa field kung pwede namang dun na lang sa room.
Mas lalo tuloy akong nababanas lalo na kapag nakikita ko yung pagmumukha ni Jenny. Wala namang sense yung mga sinasabi niya. Joke kasi ng joke, sinasabayan naman nila Andrew kaya ayun,mas lalong nasayang yung oras namin.
Kinuha ko yung sketch pad ko at nagsimulang magdesign ulit ng damit. Nabobored na ako dito. One hour pa pa naman bago magsimula ulit yung klase namin at tapos na rin naman akong maglunch. Napatingin ako sa gilid ko nung may biglang umupo dito.
"Yan ba yung gagawing damit?" nakangisi si Andrew habang nakatingin sakin.
Umiling ako. "Hindi. Hawak nila Iya yung designs, and I don't know kung approved na ba yung kay Jenny."
Binalik ko yung atensyon ko sa ginagawa ko. It's still awkward to talk to him. Mabait naman si Andrew,and I heard may pagka sporty din siya. At sabi pa ni Erna, nung elementary days daw nila ay iniyakan daw yan si Andrew ng lower level kasi pinag-aagawan daw siya? Diba? Nahiya naman si Daniel Padilla sa kagwapuhan niya diba? Tss.
Nanatiling nakatingin si Andrew sa ginagawa ko. Dahilan para sobrang mailang ako. Tinignan ko siya. Nahuli ko siyang nakatingin sakin at parang hindi pa niya napapansin na nakatingin narin ako sakanya. Hindi ako sanay sa staring contest kaya binawi ko yung tingin ko.
Napagdesisyonan namin na gawin na lang ngayon sabado yung project. Dun na ako umalma. Baka kasi puro joke na naman yung gagawin namin. Pagkatapos ng meeting 'kuno' namin ay bumalik na kami sa room.
Naabutan ko na natutulog si Shawn sa table namin. Hindi na naman siguro 'to natulog kagabi. Napailing ako habang nilalapag yung bag ko. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, kinuha ko yung phone ko at pinicturan siya. Tawa ako ng tawa habang tinitignan yung picture. Hindi naman siya tulo laway kung matulog, well, ang bait kasi ng mukha niya. Pumasok na yung bakla namin teacher at hindi pa nagigising si Shawn. Pinaupo ulit kami pagkatapos naming igreet si sir bakla.
Tinapik ko yung pisngi ni Shawn. Hinawakan niya lang yung kamay ko pagkatapos ay natulog ulit. Kinurot ko yung tagiliran niya nung nakita kong nakatingin na si Sir samin.
"Aray! Ano?" sigaw niya.
Nakabusangot pa yung mukha niya habang ginugulo yung buhok niya. Kinurot ko ulit siya,this sa may braso tsaka nginuso si Sir. Tinignan niya ito ng nakasimangot. Si sir naman na halatang may gusto kay Shawn ay pinagtawanan lang. Pati yung mga kaklase namin ay pinagtawanan lang si Shawn. Sana pala ay hindi ko na lang siya ginising.
"Istorbo naman kasi sa tulog e." Rinig kong bulong niya.
"Sorry ah. Sana pala umuwi ka na lang,matutulog ka lang pala dito sa school." Bulong ko pabalik.
Tinignan niya ako ng nakasimangot. "Pwede ba? Kapag galit ako,wag ka munang magalit? Gaya-gaya e." Padabog niyang kinuha yung notebook niya sa loob ng bag niya.
Sinapak ko nga. "Ah ganun?" inirapan ko siya bago kinuha na rin yung notebook ko at kinopya yung pinapakopya ni sir.
Pasalamat nga siya't ginising ko pa siya. Hangga't natapos yung klase ay hindi ko siya inimik. Nilapitan pa kami nila Paolo, Kean at Andrew. Silang dalawa ilang naman yung nagsasalita kasi kaming dalawa ni Shawn ay tahimik lang habang nakikinig sa mga plano nila ngayong long weekend.
"Ba't ba kayo nagplaplano niyan? May project pa tayong tatapusin this weekend ah." pagtutol ni Shawn habang nagsasalita si Andrew.
Tumango naman si Andrew. Tama nga naman,malapit na yung deadline nun at kailangan ay mafinalize na bago yung ramp.
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...