Marahan niyang hinawakan yung braso ko at hinarap ako sakanya. Nagpumiglas ako sa hawak niya pero hindi ko nakayanan yung lakas niya dahilan para manatili yung kamay niya sa braso ko.
"Ano bang kinaiinisan mo? Why are you still mad at me? Nagsorry na ako sa'yo ah!" malakas na ang loob niyang sumigaw dahil nasa parking lot na kami at wala na masyadong tao.Nag-init yung ulo ko sa lahat ng sinigaw niya. "Sa'n ka nagsorry? Sa sim pack ko? Oh come on!" napabuga ako ng hininga.
Parang ako pa talaga yung nagkasala sa'min? Huh? Ako ba yung mababaw na nagalit dahil ginising ko? Sino ba yung mababaw na nagwal-out ng walang dahilan? Ako ba? Tsk.
"Why do I always have to say sorry first? Hindi lang naman ako yung may kasalanan dito, Tiara."
"I may hurt your feelings. But you started! Ikaw yung nagsimula, hindi ako!"
Ang hirap-hirap niyang basahin! Minsan sobrang sweet niya, tapos magiging cold bigla. Magagalit sakin o sa lahat! Nakakabaliw siyang kasama!
Tinignan niya ako. His eyes were pitch black. Galit siya sakin, at hindi ko alam kung bakit! Maging ako ay nahihirapan na dahil hindi ko siya maintindihan!
"Ano ba talaga? If you're mad at me... then, tell me! Don't left me dumbfounded! Nahihirapan ako, I'm not used to this!"
"Bakit ka nahihirapan? Gusto mo na ba ako, Tiara?"
I bit my lip. Not this time. Gamit ang kamay ko ay tinakpan ko yung mukha ko. Sinimulan ko siyang talikuran. He can't get my answer now. Hindi ngayon...
He grabbed my arms and pinned me in our car. Bumilis yung tibok ng puso ko. Nahihirapan akong huminga dahil sa lapit ng mukha niya sakin at sa konting hangin na nalalanghap ko. I can't think properly! I can't think straight!
I shut my eyes when I felt some water flowing from my eyes. Nasasaktan ako,hindi ko alam kung bakit. Slowly, he let go of me... Mas lalo akong nanghina nung naramdaman ko yung pag-alis niya. Sana ay tama yung naging desisyon ko. Sana hindi pa huli ang lahat.
Hindi natuloy ang mga plinanong outing nila Paolo. Okay na rin kasi hindi ko padin naman nasasabihan sila Becca tungkol dun. At wala na rin akong planong pumunta. Dalawang lingo na kaming walang kibuan ni Shawn. Parehong mataas yung pride namin kaya hindi kami nagkakaayos hanggang ngayon. Nagsorry na siya, alam ko. But I will stick to what I believe. Alam kong tama ako, na siya yung may mali at papanindigan ko yun.
"Galing kayo sa separate area, then magm-meet kayo sa gitna ng stage. And pose, and pose. Holding hands! Yan, kailangan may chemistry! Look of love!"
Natatawa ako sa mga kagrupo ko habang nagprapractice kami ni Andrew dun sa pagrampa ng damit. Si Iya yung parang director namin, yun yung gusto niyang itulong. Wala din naman kasi daw siyang hilig sa arts na ganito.
Tapos na yung damit namin. Naging okay naman siya,tama yung fit. Ang galing nga nila kasi pati si mama nung pinakita ko yung damit na susuotin ko ay na-amaze din. Kahit ako man. Hindi kasi ako masyadong marunong tumahi ng damit kaya ganun na rin siguro yung pagkamangha ko.
About Jenny, she's trying to be friendly to me. But I found it annoying kaya hindi pa rin siya nagtagumpay.
Natatawa kong tinitignan si Iya habang naghihysterical siya sa gitna ng stage dito sa auditorium. Walang pasok ngayon kaya napagdesisyonan naming magpractice na lang.
"Kung ako ba siya mapapansin mo ̴ "
Humalakhak kaming lahat habang kumakanta siya.
"Okay lang yan si Iya, nalipasan lang ng kain." Biglang sumingit si Jenny.
Napawi yung ngiti ko nung sumingit siya. Inayos ko yung suot kong glasses ngayon at hindi siya pinansin. Siya lang naman yung parating sumisira ng araw ko. Titig niya palang sakin ay naiinis na ako. May isa pa siya mannerism na hindi ko gusto, yan yung pag-nganga ng labi niya parati. It looks disgusting!
"Tama na nga!" nag-iba yung mood ni Iya. "From the top!" tinuro niya pa yung taas ng ulo niya.
Natawa ulit ako sakanya. Tinulungan naman ako ni Andrew na makatayo galing sa pagkakaupo ko sa edge ng stage. Nilahad niya yung kamay niya at mabilis ko namang inabot ito. Naagaw naman ng atensyon ko yung pagsigaw ni Paolo. Dumating kasi bigla si Shawn na naka black shorts siya at plain white shirt habang naka suot ng mataas na meydas at isang sapatos na nakapangalan sa iyang sikat na basketball player, mamasa-masa pa yung buhok niya, halatang kakagaling lang sa shower.
Nagtama yung tingin namin. Bumaba naman yung tingin niya sa kamay ko. Dun ko lang napansin na magkahawak pa pala yung mga kamay namin ni Andrew. Mabilis ko naman itong binawi kasabay ng pagbawi ko ng tingin kay Shawn
"Let's start!"
Pagkatapos naman nung practice ay hindi muna kami umuwi. Maging si Shawn ay nanatili kasama ng grupo namin. Nanakisali ako sa pinag-uusapan nila Iya para hindi nila mahalata na may iniiwasan ako. So far,kahit alam kong napapansin nila na ganun yung naging turingan namin ni Shawn, hindi pa pa naman nila natatanong.
"SHAWN!"
Napatayo ako nung nakita ko kung paano pinatumba ni Shawn si Andrew.
"Gago ka pala e!" dinuro-duro pa niya si Andrew.
Akmang susuntukin niya ulit si Andrew, buti na lang at napigilan siya ni Paolo.
"Hindi siya sa'yo kaya wag mong angkinin!"
"EAN!" napasigaw ako nung sinuntok niya ulit si Andrew.
Natigilan siya. Mabilis naman akong lumapit sakanila. Hindi ko tinulungang tumayo si Andrew. Ayaw kong isipin ng kahit ninong andito na kinakampihan ko si Andrew. Dahil wala akong alam sa mga totoong nangyayari.
Napakagat niya sa labi niya si Shawn. Walang emosyon ang kanyang mukha habang nakatingin sakin, pero maraming sinasabi ang kanyang mga mata. Kita kong nakayukom na yung kamay niya. Wala siyang sinabi, mabilis niyang kinuha yung gym bag niya at tinahak ang daan patungo sa labas.
Napabuntong hininga ako at kinuha din yung bag ko para sundan siya.
"Ano ba talagang problema mo?! Ano?! Pumunta ka lang dun para manuntok?!" sigaw ko sakanya.
Natigilan siya sa paglalakad. Nakita kong napayukom ulit yung kamay niya nung narinig niya ako.
I laughed,bitterly. "You're closing your fist, gusto mo akong sapakin? Gawin mo! Dun ka naman magaling diba?!"
Sobrang bilis. Mabilis niya akong marahan na naitulak sa pader. I didn't close my eyes. Bloodshot eyebags, mapungay na mga mata.
Naging mabilis ulit ang pagtibok ng puso ko. Napapikit pa ako nang muli ko siya naamoy. His scent is my favorite. Sobra ko itong namiss, I miss him, specifically.
Natigilan ako when I heard him sobbed. Bago pa ako makadilat ay naramdaman ko yung kalabog ng pader na sinasandalan ko. When I'd opened my eyes, I saw him walking away from me.
"Omygosh, Tiara! Okay ka lang?" nilapitan ako nila Becca na kakalabas lang ng auditorium.
Tumango ako.
Napako naman yung tingin ni Iya sa pader. Tinignan ko ito, may dugo.
Did he... ?
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...