We were interrupted when someone knocked the door. Seryoso ang mukha ni Kuya. With his arms crossed on his chest, alam kong kanina niya pa kami pinapanood.
Tumikhim siya. "Bawal muna ang boyfriend-boyfriend ah."
Napaawang ang bibig ko sa sinabi ni Kuya. Tumawa naman yung katabi kong kanina lang ay pinasasapak ko.
"Brother Crad, akala ko ba okay na?"
Lumapit si Kuya at hinila ako palayo kay Shawn.
"Hindi muna pwede, bata pa 'to. matuto kang maghintay."
Napairap ako sa kalokohan ni Kuya. Inakbayan niya pa ako para siguraduhing hindi makalapit si Shawn sakin.
"At ako? Matanda na?" kumunot ang kanyang noo.
Mas matanda siya sakin ng isang buwan pero mas mature pa ata yung cousin ko na 9 years old sakanya. Nagsimula silang magtalo. Halatang nag-aasaran lang e.
"Oo,sobrang tanda mo na."
"Kung ako matanda na, ano ka na lang?"
I bit my lip para mapigilan ang pagngisi. Ganito na ba sila kaclose para i-bully ang isa't-isa ng hindi nao-offend ang isa?
"Sige lang. Mang-asar ka pa, ilalayo ko sa'yo si Tiara. Magiging matandang virgin ka!" humalakhak si kuya. I rolled my eyes. Mga walang hiya. Alam ko na yung patutunguhan ng pag-uusap nila. Pinalayas ko sila sa loob ng kwarto ko.
"Get a room and talk about your bullshit topic."
Napangisi si Shawn at hinila ako pabalik sakanya at niyakap ako. Sa pagkagulat ko ay napasubsob ako sa kili-kili niya. I pushed him away. Mabango yung kili-kili niiya but, it's disgusting!
"Eto naman pati yung kuya niya pinagseselosan." He pinch my cheeks and snaked his arms around my neck like he's hugging me from behind. Binelatan niya pa si Kuya. Tumawa naman yung walang hiya kong kapatid. Marahas kong tinanggal yung braso niya sa leeg ko.
"Idiots, go out!"
Humalakhak silang dalawa.
"Ang baho mo na Tiara! Amoy harina!"
I looked at them helplessly. Kaya ko nga sila pinapalabas, I have to fix myself!
I checked the clock. 10:30 PM. Bumaba ako with my red shorts and plain white top. Dito lang naman sa bahay.
"Andaya! Madaya ka naman, tsong!" binatukan ni Kuya si Shawn.
"Hindi ako madaya! Magaling lang talaga ako!" mabilis siyang binatukan ni Kuya dahil sa kayabangan niya.
Naglalaro sila ng X-box. Nakakapanibago yung ingay ng bahay dahil sakanila.
Kinuha ko yung pasta na nasa ref at nagsimulang kumain. Hindi ako nakakain ng lunch dahil sa ginawa kong pagbebake kanina. Nakatulog pa ako pagkatapos kong maligo kanina dahil sa pagod.
I can't help myself but to be happy. I am celebrating my Christmas together with my family, and Shawn's back. Kahit na hindi pa kami nakakapag-usap ng maayos simula kanina tungkol sa amin. Ayaw ko din munang pag-usapan. Mas okay na yun. Kung pwede ay wala muna akong maaalalang problema ngayon dahil kasagsagan ng pasko.
Lumabas ako ng kitchen at dumeretcho ng pool habang dala-dala ko yung pasta ko. I jumped nang may bigla pumutok malapit sa paa ko. Lumapat ang tingin ko Shawn na ngayon ay kulang na lang may mamatay sa kakatawa. Sana nga ay namatay na lang 'to! muli ay kasama niya si Kuya na ngayon ay may hawak din na paputok. Nilagay ko sa table dito yung plato ng pasta. Yung paputok ni Kuya ay hindi yung kailangan pang sindihan. Yun ata yung pop-pop na paputok na parang paputok. Kahit na hindi nakakasugat yung paputok ay natatakot parin ako.
Tinapunan nila ako ng paputok.
"Sht! Stop making fun of me!" I screamed.
May nakalimutan ata sila tungkol sakin. Gah! Tinigilan nila yung pagtapon dahil sa pagsigaw ko. Ngunit ay naaamoy ko parin yung paputok and its making me sick.
I snarled. Iniwan ko silang dalawa si may pool side. Napahawak ako sa dibdib ko when I can't breathe properly. Heck! Not now! Napahawak ako sa upuan as a support. I'll be collapsing anytime. My knees are trembling, my heart is skipping every after beat. Napalunok ako. After, I opened my mouth to help myself from breathing. Ginawa ko yung lahat para makalakad ng maayos papunta sa kwarto ko.
I guess it's too late. I was about to take a step upstairs when my sight is doing double. Dark. Bright light. I shut my eyes. This isn't good. The smell of the mini bomb is still in my nose. Dahilan para mas lalo akong nahihirapang huminga.
"Ara? Are you okay?"
Hinawakan niya yung siko ko. His arms held my waist. Nahirapan akong ibuka ang mga mata ko, but I managed to look at him.
"Ara!"
Then everything went dark.
I felt someone holding my hands. Magaan na ang pakiramdam ko at maayos na ang paghinga ko. Thou, I'm still tired. Ayokong ibuka ang mga mata ko. I heard people talking. Nakiramdam lang ako.
"What did you do?" I heard my moms voice.
"I don't know ma, inaasar lang namin siya then she walked out. Sinundan ni Shawn, tapos nangyari na"
"Anong inasar niyo?"
"tinapunan namin siya ng paputok. But, ma, hindi naman po yun nakakasugat"
"FOR GOD SAKE! Crad! Did you forgot? May asthma ang kapatid mo, and you throw her a thing na may pulbura?"
Sandaling nanahimik ang paligid. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. Bumungad sakin ang nag-aalalang mukha ni Shawn.
"Ara, I'm sorry." Deretcho niyang sabi.
Una kong napansin ang pagmumugto ng mga mata niya. Umiyak siya? I mentally smirk. Hindi ako nakasagot agad dahil sa paglapit ni papa. Nakauwi na pala silang dalawa ni mama. Nag-give way si Shawn para makalapit sakin si mama at papa.
Sinuklay ni papa yung buhok ko. "Okay ka na ba? Anong nararamdaman mo?"
I smiled. "I'm okay pa."
Tumawa ako nang pinagalitan ulit nilang dalawa si Kuya. Inalalayan ako ni Shawn na umupo. Parang batang pinapagalitan si Kuya. Minsan ay nagmemake face pa dahil sa sermon ni mama sakanya. Pati si Shawn ay natawa sa itsura ng kapatid ko. Nakita ito ni Kuya and I saw him giving Shawn a death glare.
"Ma, ba't ako lang yung pinapagalitan mo? Si Shawn rin naman ah!" he pouted.
Piningot ni mama si kuya crad. "aba't, dahil ikaw yung mas nakakatanda! Umayos ka!"
Humalakhak si Shawn. Tinignan niya ako ng nakangiti. I rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...