Mine - 12

3.2K 64 0
                                    

"Ma'am nasa baba na po si sir Shawn." Katok nung isang kasambahay namin.

Napabuntong hininga ako at mabilis na kinuha ang bag ko.

Nakaupo siya sa sofa habang nanonood ng tv. May hawak pa siyang bowl ng cereals. Tinignan niya ako sabay ngumiti.

Umirap ako. Nilagpasan ko lang siya at dumeretcho sa kusina.

Pagkatapos nung gabing yun ay gumaling din naman siya agad. Sa sunod na umaga naman nun ay nagsimula na siyang sunduin ako araw-araw mula sa bahay at hinahatid niya na ako sa pag-uwi. Dalawang linggo na niya 'yang ginagawa pero hindi padin ako nasasanay. Kagabi pa nga ay naabutan ulit siya ni mama na hinahatid ako. Syempre, tinanong niya ako kung nanliligaw ba si Shawn. Tanging kibit balikat lang naman yung nasagot ko kay mama. Hindi ko naman talaga alam kung panliligaw na ba 'to. Siguro, pero ayaw ko pading mag-assume. Hindi naman kasi niya sinabi o nagpaalam man lang na manliligaw siya.

"Badtrip ka?" Biglang may nagsalita sa likod ko.

Muntikan ko ng matapon ang bowl dahil sa gulat. Tinignan ko siya ng masama saka siniko.

Tumawa lang siya. Tumango-tango pa na para bang may napagtanto siya. "3rd week na ngayon, may dalaw ka siguro noh?" Humalakhak siya.

Uminit ang pisngi ko sa pagkainis. Pinaalala niya na naman! Pinakielaman niya kasi yung cellphone ko ko. Hindi ko naman alam na aabot siya sa calendar ko.

Inirapan ko siya.

"Would you mind giving me some privacy?"

Umupo ako. Tumabi naman siya sakin kagaya nung usual niyang ginagawa. Kita ko ang pagnguso niya.

"Ang harsh mo talaga sakin." Mahina ang kanyang boses.

"Mauna ka na lang muna sa room. May kukunin lang ako sa locker ko."

Tumango siya, pagpapahayag na pumayag siya. Lagi ko siyang pinapauna sa room kasi ayaw kong ipahalata sa mga kaklase namin na may something. Kahit hindi ko naman talaga seryosong alam kung ano yung something. Pero, knowing my classmates, or even the people nowadays, when they got curious about some thing, they tend to put malice on it kahit wala naman talaga. And aside from that, alam kong maraming maiinis sa sakin kapag nalaman nilang sinusuyo ako ni Shawn. Matagal na siya dito sa school na ito. Kahit hindi ko itanong, halata naman na kilala siya sa campus, hindi lang ahil sa kasali siya sa varsity team, but also by the way he look. Itanggi ko man sa sarili ko, alam kong gwapo talaga siya. Matangos ang kanyang ilong. He's eyes, when he look at you feeling mo ikaw lang yung tinitignan niya. His eyebrows... his smile that when it flashed, can make every girl fall in love deeper than hell.

"Tiara!"

Natauhan ako nung biglang may umakbay sakin. Si Andrew. Sinabayan niya ako sa paglalakad.

"Good morning!" ngumisi siya.

I smiled and greeted him back. Napaismid ako at hinawi yung kamay niya na kanina lang ay nakaakkbay sakin. Napangiti lang naman siya sa ginawa ko.

Nitong mga nakaraang araw ay hindi na ako sumasabay sakanila. Kadalasan ay ay sila Iya ang kasama ko. At napapadalas na din yung pagkulit sakin ni Andrew kapag wala sa paligd si Shawn. I don't know why. Pero sa totoo lang ay naiirita ako sa pagiging makulit niya these past few days.

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon