Mine - 11

3K 71 0
                                    

Nagtataka ko siyang tinignan. Nginitian niya lang naman ulit ako pagkatapos ay bumalik na sa pagkakahiga. Inayos ko yung kumot niya.

"Uuwi ka na?" paos ang kanyang boses.

Kanina ko pang naiisip na dito na magpalipas ng gabi.

"Nah. I'll stay here just for tonight."

Kinuha ko yung phone ko para magpaalam kay mama. She'll surely understand.

"May pasok ka bukas, what if hindi pa ako gumaling?"

"I'll take you in the hospital, then."

Ngumiwi siya. Kahit kalian, antigas talaga ng ulo.

"anong gusto mong kainin?"

Ngumisi siya. "Ipagluluto mo 'ko? Marunong ka na?" may halong panunuyo yung boses niya.

"Magpapaluto ako noh. Duh, baka mas lalo ka lang magkasakit kapag nakakain ka ng luto ko."

Ilang minuto lang naman ay naluto na yung porridge na pinagawa ko sa cook nila dito. Pinahatid ko na lang muna sa kwarto ni Shawn yung pagkain. Habang ako naman ay dumeretcho na sa isang guest room nila dito. Naligo muna ako at Nagbihis ng grey jersey short at plain v-neck shirt na nakuha ko sa closet ni Shawn kanina. Hindi ko naman kasi plano na dito matulog lang dito. Supposedly, dapat ay bibisitahin ko lang siya kanina.



"Busog pa nga ako." iniwas pa niya yung bibig niya sa kutsara.

Gigil kong kinagat yung labi ko. "Gusto mo atang ibuhos ko 'to sayo--"

Hindi na niya ako pinatapos. Mabilis niyang kinain yung nasa kutsarang hawak ko. 

Pagkatapos ko siyang painumin ng gamot ay bumalik na ako sa kwarto. Kinuha ko  lang naman yung iilang gamit ko. Bumalik  din agad ako kay shawn. Naabutan ko siyang nanonood ng cartoons sa tv. Hinayaan ko lang siya at dumeretcho sa  veranda ng kwarto. Ngunit sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko ang paglingon niya. Patuloy lang ang hindi ko pagpansin sakanya. May quiz kami bukas sa math. Hindi pa ako ganun ka familiar sa bawat steps ng solving kaya kailangan ko talagang magreview. Sumasakit  pa naman yung ulo ko kapag math na yung pinag-uuspan.

Paulit-ulit ang ginawa kong pagbasa sa instruction at procedure. Napasapo pa ako sa aking noo nung hindi ko talaga makuha yung tamang answer. It's not even my problem, but why do i have to solve this?! Err. Math sucks!


Napahikab ako. Nakakapagod din naman kasi 'tong araw na 'to. 

I decided to take a rest. Pumasok ako sa loob. Si Shawn naman ay seryosong nakatingin sa screen ng tv. Kung hindi nga lang  siya nakaarap  sa tv ay aakalain kong nakatulala  siya.


Sumimangot siya nung nakita niya ako. Tinaasan ko  naman siya ng isang kilay. 


"Anong problema mo?"


Umirap siya. Napabuntong hininga ko sa pag-iinarte niya. Umupo ako sa tabi niya . Inaantok na ako,pero ayaw ko pang matulog. Wala sa sarili naman akong napatingin sa wall clock niya. It's past 9 in the evening. Sa katunayan ay maaga pa ito sa karaniwan kong tulog, kaso lang ay pagod talaga ako ngayon.


"Shawn.  Magpahinga ka na,  maya-maya ay pupunta na ako sa kabilang kwarto." mahina ang boses  ko.

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon