Mine 31

2.3K 47 1
                                    

"Ma,aalis na ako." I kissed her cheeks.

"Wala yung driver mo ngayon."

I gave her a dull look. Malamang ay pinagamit niya na naman kay Kuya yun.

"But, papunta na raw si Shawn dito."ngumisi siya.

Sa isip ko ay inirapan ko si mama.

"I'm late,ma. Magtataxi na lang ako."

Nagulat siya sa sinabi ko pero mabilis naman itong nag-iba. Ngumiti siya at tumingin sa likod ko. "Nandito na pala."

Lumapit siya kay mama at humalik sa pisngi. Asar akong tumalikod at naglakad palabas.

"Wait!"

Napapikit ako ng mariin at inis na humarap sakanya. Ngumisi siya at hinawakan yung kamay ko. Hinila ko yung kamay ko at tinignan siya ng masama.

Ngumuso siya at pinatunog yung alarm ng kotse niya.

"Akala ko ba may exam ka? Anong ginagawa mo dito?"

Nagliwanag ang mukha niya nang narinig niya akong nagsalita. Binuksan niya yung pinto para sakin.

"Kasi gusto ko." Ngumisi siya.

"Di porket gusto mo,magagawa mo."

Nagkibit-balikat siya. Pumasok ako sa loob at sinirado niya naman agad yung pinto.

Maaga ako ngayon kasi balak kong ibigay ng maaga ang video. Gusto ko lang linisin ang pangalan ko sa school dahil baka ito na yong last year ko sa school na 'yan.

Plano kong bumalik sa New York. I found my life peaceful there. Ngayon kung kausapin man ako nila Iya, mabuti. Kung hindi,bahala na.

"Uh, Tiara.."

Napalingon ako sakanya. Nasa red light ang traffic light kaya sandaling huminto ang byahe.

"Bakit?"

Umiling siya at bumuntong hininga.

Umismid naman ako at umirap.

Papalapit na kami sa school nang nagsalita ulit siya.

"Kakausapin ko si Gela ngayon."

Hindi na ako nag-abala pang lumingon sakanya. "Tapos?"

"Gusto ko sanang andun ka-"

"Hindi." Maagap kong sagot. "wala na akong pakialam kung ano yung pag-uusapan niyo."

"I saw the video."

Nanlaki ang aking mga mata at napalingon sakanya. "W-what video?"

"Ba't di mo sinabi sakin? You were accused by something na hindi mo naman ginawa."

I spat. " bakit? Ikaw din naman di ba? Yun din naman ang ginawa mo? Wala ka ring pinagkaiba sa kanya." Umiling ako.

Hininto niya yung sasakyan sa parking lot.

"I'm sorry, I swear, Tiara. Babawi ako."

Tinapunan ko siya ng tingin. Umiling ulit ako. "Anong gagawin mo?"

"Lahat." Mariin niyang sabi. "I'm willing to do anything except kapag hihilingin mong layuan kita. Hindi ko na ulit gagawin yun,Ara. Not ever."

Nag-iwas ako ng tingin at tinanggal yung seatbelt ko. Sinuot ko yung bag ko. Siya naman ay mabilis na umikot para buksan ang pinto sa gilid ko.

Napaismid ako. Kung sana lang ay walang nangyaring masama sa pagitan namin,siguro ngayon ay sinagot ko na siya. Siguro ay kami na.

"Kung kakausapin mo lang siya dahil sa nangyari. 'Wag mo ng gawin."

"No. Kailangan niyang pagbayaran ang mga ginawa niya sa'yo--"

"I have my ways. Wag ka ng mangielam."

He chuckled. "Kung makapagsalita ka, parang sobrang pakielamero ko a"

Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit? Hindi ba? Kung hindi ka dumating at nakielam noon, edi sana nakaganti man lang ako ng kalmot diyan sa obsess na bruhang yan." Sumandal ako sa kotse niya nang nakahalukipkip.

Mas lalo siyang tumawa sa sinabi ko. Tinampal ko yung kamay niya nang akmang kukurutin niya yung pisngi ko. "Ano ba, 'wag feeling close." Inirapan ko siya.

Tumabi siya sakin at inakbayan pa ako. "Bakit? Close naman talaga tayo a."

Nandidiri ko siyang tinignan. Tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko. "Umalis ka na nga."

Ngumuso siya. "You sure hindi na kita ihatid--"

"I'm not a kid, so shut up."

"But you're my baby,"

Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Sabayan mo pa ang seryoso niyang mukha nang sinabi niya iyong mga katagang iyon. Umirap ako para maibsan yung kaguluhan na nangyayari sa tiyan ko.

"I'm not your baby,unless pinatulan mo ang nanay ko at ikaw ang tatay ko." Tinaasan ko siya ng kilay.

Tumawa siya."ikaw lang ang papatulan ko."

"Wag kang puro salita," tinalikuran ko siya.

"I love you!"

Kinabahan ako nang biglaan siyang sumigaw. Ngunit ay mas nangingibabaw ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Halos ito na lang ang naririnig ko dahil sa lakas ng pintig nito. Mas nabaliw pa ako dahil sa muling pagkabuhay ng mga paru-paro sa tiyan ko.

I covered my face. I could imagine it red.

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon