Mine - 5

3.6K 68 0
                                    

Pinagalitan ako ni mama nung nalaman niyang inatake ako. Hindi naman bago sakin yung ganun. Madalas nga lang ay hindi ko na sinasabi kay mama kapag inaatake ako.

Ean:

Good morning!Don't forget to drink your meds. Hindi ako papasok ngayon :) rule no. 1! bawal ma-stress :*

Ngumiwi ako sa text ni Shawn. I used to call him by his second name,pero sinasanay ko din naman yung sarili ko na tawagin siya by his second name. Bakit na naman kaya hindi 'to papasok? Tsk.

Ako:
Rule your face! By the way, bakit hindi ka papasok?

Papasok na ako ng school nung nagreply siya ulit.

Ean:
Training sa company. Why? Mamimiss mo 'ko? >:)

Ako:
Kinda.

"Tiara!"

Napalingon ako sa kung saan nanggaling yung boses. Si Andrew.

"Oh, Good morning." I smiled.

"Good morning." Ngumisi siya.

Gwapo si Andrew. Yun yung masasabi ko. Hindi masyadong kaputian, I like his eyes and the dimples on his cheek when he smiles. But,I can't see myself liking a guy like him. I don't know why.

"Anong nangyari sa'yo kahapon?"

And maybe hindi ko siya magustuhan kasi may pagkachismoso siya.

"Just stomachache."

Nanlaki ang mata niya. Halatang hindi makapaniwala sa mga nasabi ko. "Really?" He laughed. "Alam mo bang usap-usapan ngayon na buntis ka daw? Nahihilo ka daw kasi kahapon at namumutla. May nakakita pa sa'yo sa isang hospital."

Ilang beses akong napamura sa isip ko. Like what the--?!

I laughed,bitterly. "Sino naman nagpakalat niyan?"

I'm not pregant! And I'm a freakin' virgin! People nowadays,tsk.

"Narinig ko lang na pinagchichismasan ka kahapon nila Jenny."

Automatic na kumulo yung dugo ko. That Jenny is really getting on my nerves!

"Sorry. I didn't mean to offend you--"

"No, it's okay. Thanks for the info,by the way."

Pagpasok ko ng room ay pinagtitinginan ako. Agad naman na lumapit sila Iya sakin.

"Guess what? May bruhang nagkakalat na buntis ka,girl!" Napailing si Iya.

Ngumiwi lang ako at umupo na sa seat ko. Kita ko pa ang pagtingin ni Jenny sa direksyon ko.

"Asa'n ba yung love dun? Sino kaya ang ama? Ang libog! Gah!"

She Was MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon