"Shawn! Ano ba!"
Bumaba talaga siya. Pinuntahan niya pa si mama na nagluluto sa kusina para magpaalam.
"Tita,uuwi na po ako." he kissed her cheeks.
Napanganga si mama. Magtatanong pa sana siya pero naunahan na siya ni Shawn. Nilagapasan ako ni Shawn.
"Uy! Hindi naman kita pinapauwi e!" kinalabit ko siya. "Wag ka ngang ganyan!"
Nasigurado kong uuwi na talaga siya kasi nakita ko yung sasakyan na naka abang na sa labas ng bahay.
"Ang mahirap kasi sa'yo,pinagsasabihan ka lang nagagalit ka na agad!" muntik na akong mauntog sa likod niya nung biga siyang tumigil sa paglalakad.
Tinignan niya ako. Iba yung tingin niya. Halatang nagalit ko siya. Madilim ang kanyang titig at parang may gustong sabihin ang kanyang mga mata. Umiling siya at bumuntong hininga. Tumalikod siya at dumeretcho sa kanyang sasakyan.
"Sige! Umuwi ka, who you ka talaga sakin bukas!" binantaan ko pa siya pero wala parin akong nagawa.
Humarap siya ulit sakin nung papasok na siya sa loob. Ang akala ko ay nagbago yung isip niya. "Madali lang naman talaga akong kalimutan diba? Lalo na pagdating sa'yo." yun ang huli niyang sinabi bago umalis.
My guilt is killing me. Wala yung mommy at daddy niya sa bahay nila. Paniguradong hindi na rin yun kakain pagdating sa bahay nila. Hindi ko naman kasi sinasadyang magalit ko siya. Mali yung ginawa niya kaya pinagsabihan ko siya. kasi naman! urrgh!
Padabog akong bumalik sa loob. Bahala siya! Magalit na siya kung magalit! Ginawa ko lang naman yung tama, tapos ako pa yung magiging mali? Ang hindi ko lang maintidihan ay yung sinabi niya. Bakit bumalik sakin yung issue. Kung makapagsalita siya parang ako pa yung nakagawa ng masama,parang may atraso pa ako sakanya.
Nung kumain kami,tinadtad ako ng tanong ni mama kung anong nangyari. Sinabi ko yung totoo. And as expected,kinampihan niya si Shawn.
"Sinabi mo diba na badtrip siya simula pa kanina? Sana naman hinayaan mo na lang."
Uminom ako ng tubig. "Bahala siya. Palagi naman siyang ganyan e. Kaya hindi umaayos yung ugali kasi hinahayaan."
Hindi pwede sakin yang ganyan niyo. No way in hell. One of the reason na hindi ako naniniwalang may gusto siya sakin. Kasi kung totoo mang may gusto siya sakin,edi sana siya na yung nagpakumbaba. At dapat kahit wala siyang gusto sakin,matuto siyang lumugar. Alam niyang siya yung may mali tapos siya pa 'tong may ganang magalit? Aba,ayos din ah!
Kinaumagahan ay natapos na lang yung first subject namin ay hindi parin siya pumapasok. Noong una ay akala ko ay late lang siya,pero nung dumating na yung break time namin ay nakumbinsi na akong hindi siya papasok.
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Novela JuvenilShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...