Pagkatapos ng game ay agaran akong inabutan ng water bottle ni Shawn.
"Sila ba ni Shawn?"
Hindi ko na nilingon yung nasa likuran ko. Alam ko yung boses na yun. Galing lang naman yun sa pinaka-insecure na tao na nakilala ko sa buong buhay ko.
Hinihingal pa ako at pagod pa. Hindi pa muna ako umupo. Tinignan ko yung naglalaro ng volleyball. Timing naman na papunta sa direction ko si Jenny. Using my peripheral view ay nakita kong hinead to toe niya ako.
Inggit ka girl?
Gustong-gusto ko yung sabihin sakanya. Hindi sa nagmamayabang ako, maganda naman yung legs ko,at mas lalo itong gaganda kapag i-cocompare ito sa legs niyang madaming peklat.
Tumihkim ako at umupo sa tabi ni Shawn.
"Anong nangyari diyan sa mukha mo? Why are you frowning?"
Inirapan ko si Shawn. Sorry siya kasi siya talaga yung mapagbubuntungan ko ng galit kapag makikielam pa siya.
"Aba. Ano na naman ba ginawa ko sa'yo?"
"Shut up or else mag-aaway na naman tayo." May halong pagbabanta ang boses ko.
"Kung di lang kita.." bumuntong hininga siya.
Hindi ko siya pinansin. Kinuha ko yung jacket niya at ginawa itong pantakip sa shorts ko tulad ng ginawa niya kanina.
Biglang nanikip yung dibdib ko. Nahihirapan na naman akong huminga dahil sa asthma ko. Bago pa mapansin ni Shawn ay mabilis kong kinuha yung bag ko at tumayo.
"Where are you—"
"Powder room lang ako."
Tumakbo ako patungo sa comfort room. Hindi ko nga rin sigurado kung narinig niya yung paalam ko dahil mahina yung boses ko. Pumasok ako sa isang cubicle at kinuha yung inhaler at gamot ko. Nanginginig pa yung kamay ko habang tinitake yung gamot. Hinihingal akong napasandal sa cubicle. Mas lalo akong hiningal nung may kumatok sa cubicle. Nagulat ako dahil iniisip kong si Shawn yun.
"Tiara? Okay ka lang?" umalingawngaw yung boses ni Iya sa buong room.
Muli niyang kinatok yung pinto.
Humigot ako ng malalim na hininga. "O..kay lang ako."
"Sigurado ka? Shawn was so worried about you,nakiusap pa siya sakin na pasukin ka kasi hindi siya pwedeng pumasok." Paliwanag niya habang nasa loob parin ako ng cubicle.
"I'm okay. Bigla lang sumakit bigla yung tiyan ko."
Nahihilo na ako. Dahil na rin siguro sa pagod ko sa pagvovolleyball kaya ako inatake.
"Sigurado ka? Lalabas na ako ah."
"Okay.."
Napahawak ako sa dibdib ko. Kahit hindi na ako tumingin sa salamin,alam kong namumutla na ako. Hindi ko alam kung may alam ba si Shawn sa sakit ko. Baka sakali lang na may alam siya,paniguradong magagalit yun sakin. Mga ilang minuto ay umayos na yung paghinga ko. Ngunit kahit ganun ay nahihilo parin ako. I badly need to go home.
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. My face were pale. Tanging buhok ko lang yung nagawa kong ayusin kasi kahit anong gawin ko ay namumutla talaga ako.
Paglabas ko ng comfort room ay bumungad sakin si Shawn na naghihintay pala sa labas.
"What are you doing here? Tara na,bumalik na tayo dun."
Hinatak niya bigla yung braso ko.
"Namumutla ka."
"Masakit ... yung tiyan ko." Pagdadahilan ko.
"Bakit sumakit bigla yung tiyan mo? Ano ba yung kinain mo kanina?"
Ramdam ko sakanyang boses na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Sana naman ay hindi siya magalit. Nahihirapan padin ako sa paghinga,pero hindi na ito tulad nung kanina.
Tumikhim siya bago kinuha yung bag ko. Pagdating namin sa court ay iniwan niya ako para kausapin yung teacher namin sa P.E
"Okay ka lang, Tiara?" Biglang lumapit si Andrew sakin.
I was about to answer him nung biglang hinawakan ni Shawn yung kamay ko. "Tara."
Hawak yung kamay ko ay hinila niya ako patungo sa parking lot.
"You said you still have a practice in basketball?"
"May mas importante pa akong gagawin kesa doon." Marahan ngunit mariin niyang sinabi.
Pinapasok niya ako sa front seat bago kinuha yung susi ng kotse sa isang body guard niya. Habang nagdradrive pa siya patungo sa kung saang hindi ko alam gamit ang isang kamay ay tinawagan may tinawagan siya.
Hindi ko na nagawang makinig dahil bigla na namang sumama yung pakiramdam ko.Napahawak ako sa forehead ko.
Biglang tumigil yung sasakyan sa harap ng isang hospital na hindi ako pamilyar.
"Ano bang ginagawa natin dito?"
"Sumama ka na lang."
May lumapit kaagad samin pagkapasok namin. Kinuhaan ako ng dugo at chineck sa kung saan
"I told you, I'm fine!"
"I know you're not."
Makikipagtalo pa sana ako nung bigla na lang may pumasok na doctor sa room.
"So,Tita.. How is she?"
"She's fine. Napagod niya lang siguro yung sarili niya kaya siya inatake."
Sumimangot si Shawn sakin. Guess like hindi niya pa alam yung tungkol sa kalagayan ko. "Inatake? What do you mean?"
"Inatake siya ng asthma niya kanina,pero dahil kagaya ng nung sinabi uminom kaagad siya ng gamot niya kanina ay mabilis nama na naging maaayo yung kalagayan niya. Ano pa ba yung nararamdaman mo?"
Hindi ako makaayos ng sagot dahil sa tingin ni Shawn. "Nahihilo pa po ako. But, I think its just the meds that I'd take. Ganun kasi yung nararamdaman ko kapag inaatake po ako kagaya nung nangyari kanina."
Tumango yung doctor. Nakita ko naman ang pag-igting ng panga ni Shawn. Pagkatapos naman ay umuwi na rin kami agad.
"Ba't hindi mo sinabi sakin na may asthma ka?"
"Hindi mo naman kasi tinanong."
Nagulat ako nung bigla siyang pumreno. Pinasadahan niyang kamay ang kanyang buhok. "This is serious Ara! Pa'no kung ano yung nangyari sa'yo dun kanina? Sinabi mo pa kay Iya na okay ka lang,yun pala nahihirapan ka ng huminga dun!"
Napatahimik ako.
I know. I get his point. Nag-aalala lang naman siya sakin. At may kasalanan din naman ako. Ayaw ko lang naman kasi na makaperwisyo pa. Sanay na ako na inaatake ng asthma dahil sa pagod. Mom is not always there with nung nasa abroad pa kami nakatira
.
He sighed. "I'm sorry..." hininto niya yung sasakyan sa harap ng bahay namin. "Nagulat lang kasi ako. Kung hindi pa kita dinala sa hospital kanina ay hindi ko pa malalaman na may ganoon ka palang sakit."
Pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"Ayaw ko lang kasi talaga na makaperwisyo pa. And look, I'm okay." I smiled.
Nanatili namang seryoso ang kanyang expresyon.
"Don't you ever do that again." Pagbabanta niya.
"Ang alin?"
Marahas siyang napauntong hininga. "Oh come on. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo." Hinila niya ako para sa isang mahigpit na yakap.
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...