Kinaumagahan ay hindi pumasok si Shawn sa school. Iniisip kong baka may training siya ngayon kaya hindi ko na lang siya tinext.
Umupo naman si Iya sa upuan ni Shawn. Nakabusangot yung mukha niya at parang may gustong sabihin.
"Anong nangyari sa'yo?" tumawa ako.
"Nawawala yung libro ko e." She bit her lip.
"Libro sa'n?"
"Environmental science."
Yun yung isa naming subject na ibang libro ang ginagamit. Bumili pa nga ako ng sarili kong reference para makacope up sa lesson. Ang mahal nung libro kaya siguro hindi maipinta ang mukha ni Iya ngayon.
"Tinanong mo na ba kay Becca? Baka nakita niya?"
Umiling siya. "hindi e. May hinala ako kung sino ang kumuha."matalim ang kanyang titig sa ibang direksyon
Sinundan ko naman yung direksyon ng titig niya. Nahuli ko itong naglanding kay Erna.
"Pa'no mo naman nasabi na siya yung kumuha?"
Kinuwento niya sakin yung mga nangyari noon nung elementary pa lang sila. Nahuli daw kasi siya noon na parating may kinukuhang gamit ng kaklase nila noon. May sakit daw siya, yun ang paliwanag ng teacher nila sakanila. Tapos kahapon, inaya nila akong sumama na gumala sa kung saan pero hindi ako nakasama kasi kausap ko si Shawn. Silang apat lang yung andun. Tinanong niya na daw sila Becca at pareho din yung sinabi nila.
"Sama naman neto. Wag naman kayong magbintang. Baka namisplace mo lang."
"Kita mo yang libro na hawak niya? Yan yun eh."
"May palatandaan ka ba sa libro mo?"
Tumango siya. "Madami yung Khalil Ramos at pirma ko sa may bandang likod na part ng libro."
Tumango ako at tumayo. Titignan ko lang naman yung libro. Hindi muna ako manghuhusga baka mamaya magkamali pa ako.
"Erna,pwede pahiram ng libro mo sa ES?" tinuro ko yung libro."Naiwan ko kasi yung akin, may hahanapin lang akong word para sa reporting ko mamaya."
Tumango siya. Confident naman yung mukha niya. Mabilis kong tinignan yung likod na part ng libro. And to my surprise,meron nga.
Napabuntong hininga ako pagkatapos ay bumalik na sa kinauupuan ko.
"Ano? Tama ako diba?"
Napangiwi ako. "Bumili ka na lang ng bago, Iya. Ako yung natatakot sa ginawa niya e."
Pangatlong araw ng absent ni Shawn ngayon kaya kinabahan na ako. Pagkatapos ng uwian ay pumunta ako sa bahay nila.
"Manang, si Shawn po?" sabi ko sa iasng kasambahay nila sa bahay nila.
Hindi naman ganun karami yung kasambahay nila dito. Ang sabi ni Shawn sakin, siya daw mismo yung nagsabi sa mommy niya na kung pwede ay gusto niya mabibilang lang yung kasambahay lang. Malaki yung mansion nila,kaso, tahimik. Wala naman siyang ibang kasama dito kundi yung mommy niya lang. Madalas pa ay parang siya lang mag-isa.
"Nasa kwarto niya po."
"Kakadating niya lang ba?"
Nag-aalalang tumingin sakin ang matanda. "Ma'am kasi po, sabi niya masama daw yung pakiramdam niya. Tatlong araw na po siyang nagkukulong sa kwarto niya."
Napasimangot ako sa sinabi niya. "Nagkukulong? What about his food? May pumunta na bang doctor para i-check siya?"
"Hinahatid lang po namin sa loob yung pagkain, pagkatapos naman po nun ay agad din naman po kaming lumalabas kasi nagagalit po siya kapag nagtatagal kami doon."
Kinabahan ako sa lahat ng sinabi niya. Agad kong tinungo yung kwarto niya. Bubuksan ko na dapat ito, kaso nakalock yung sa loob.
"Shawn." Sinimulan ko itong katukin. "Shawn."
"Ano?" sigaw niya sa kabila.
"ma'am kukunin ko na ba yung duplicate ng susi?" sabi nung nakasunod na katulong sakin.
Umiling ako at pinaalis na siya.
"Shawn. Ano ba! Open the door!"
"Umalis ka na lang muna..."
Okay. Mukhang mag-aaway na naman kami nitong kurimaw na ito. Kinatok ko ng pagkalakas-lakas yung pinto gamit ang palad ko.
"Oh shut up and open the door!"
"Ayoko!"
"Ah, gusto mo talagang mag-away na naman tayo... sige! Bahala ka sa buhay mo –"
Mabilis na bumukas yung pinto kasabay ng padabog na hakbang niya pabalik sa kama niya. Pumasok ako sa loob. Niilapag ko yung bag ko sa sofa niya pagkatapos ay pinasadahan ko ng tingin ang kwarto niya.
Malinis naman yung kwarto niya. Kaso lang may iilang bote ng alak akong nakita sa gilid ng kama niya. Napatingin ako sakanya. Masama ang tingin niya sakin habang nakahiga. Magulo ang buhok, mukha siyang may sakit dahil sa itsura niya.
"Anong ginagawa mo dito?" paos pa ang kanyang boses. "Miss mo na ako agad?" ngumisi siya.
Inirapan ko siya. Umupo ako sa kama niya at hinawakan yung noo niya. Mabilis naman niya iton tinabig.
"Nagpapunta ka na ba ng doctor dito?"
Mainit siya e. Wala pa pa naman yung mommy niya para alagaan siya. Ngumisi lang siya at hinila ako patungo sakanya. Tinulak ko yug mukha niya.
"Walang doctor. Pero yung nurse, kakarating lang." Napataas ako ng isang kilay. "Eto nga o, katabi ko."
Bigla kong naramdaman ang pag-iinit ng pisngi ko. Kinagat ko yung labi ko at ngumuso.
"Nurse your face!"
Tumawa siya. "Bakit? Nandito ka naman talaga para alagaan ako diba?"
Umirap ako at inayos yung palda ko.
"Bakit may bote ng alak dito?"
Bigla siyang natigilan sa sinabi ko. Huminga siya ng malalim kasabay ay nagtago siya sa kumot niya.
"Shawn naman e! Hindi pa nga magaling 'yang kamay mo, naghahanap ka na naman ng ibang sakit!" sinapak ko siya gamit yung unan.
Tinignan niya ulit ako at ngumisi. "Uyy, nag-aalala si girlfriend." Panunuyo niya.
Mas lalong umiit yung pisngi ko. "Umayos ka nga!" kinuha ko yung thermometer sa table at tinignan ito. "Kailan mo ito last chineck?"
"Kahapon?"
Muntik ko ng matapon sakanyang yung thermometer. Kinagat ko yung labi ko bago ulit nagsalita. Pinagalitan ko siya. Ang tigas naman kasi ng ulo.
"Ba't ka ba nagkasakit? Okay ka naman nung last nating kita a!"
Nagkibit-balikat lang siya. Humiga siya ng maayos at tinignan lang ako habang inaayos ko yung kalat niya. Nakakahiya naman kasing mag-utos sa mga kasambahay nila dito. Hindi naman ako yung boss nila dito.
"Ara."
Nilingon ko siya. Nakaupo na siya sa kama niya habang nakatulala. Umismid ako at lumapit sakanya. Alam kong may problema 'to. Hindi siya madalas magkwento sakin noon tungkol sa mga problema niya pero kadalasan ay natatahimik siya. Di kaya naman ay nagkakasakit. Nahuhuli ko kasi siyang umiinom noon. Pagkatapos naman ng ilang araw ay magkakasakit na lang siya bigla. Mahina kasi sa inuman, halatang hindi siya sanay kahit sobrang yaman pa neto.
Umupo ako sa tabi niya.
"Ano?"
Tinignan niya ako. Ngumiti siya. "Thank you."
BINABASA MO ANG
She Was Mine
Teen FictionShe's Tiara Sanchez, she's from New York,a simple filthy rich girl na kinaiinggitan ng lahat. Aside from she have THE Shawn Ean Valdez, there's something in her na parang gusto mong makuha. Until she noticed Jenny, ang pinakainsecure na babae sakany...