Suho's POVs
"Pre! Lungkot mo naman." pansin sakin ni Lay sabay akbay niya sakin.
Napatingin naman ako sa dumaan na tatlong mga babae at tsaka ko lang napansin na sila Yoona pala yun ng nakita ko si Hyohyeon. Tss, siya ang dahilan kung bakit ako malungkot. Aaminin ko miss ko na siya at nahihirapan na rin ako sa sitwasyon namin pero... kayo ba naman, lalapit pa ba kayo at ipagsisiksikan yung sarili mo sa kanya kung may mahal naman siyang iba?
Hindi na diba? Alam ko naman na mas mahal niya ung Hyung Suk na yun keysa sakin, kaya iiwas na lang ako at tiisin ung nararamdaman ko para sa kanya.
"Oh pre, lalim naman ng iniisp mo, share mo naman para naman mailabas mo." banat ni Lay.
Napabuntong hininga na lang ako, wala naman siguro masama na sabihin ko sa kanya hindi naman siya madaldal kagaya ni Chen tsaka baka payuhan niya ko.
"Lay, kung ikaw kapag nalaman mo na ung taong mahal mo ei mahal parin ung taong dating minahal niya ipaglalaban mo parin ba yung nararamdaman mo?" tanong ko sa kanya.
Napatingin naman siya sa malayo at para bang nagiisip ng maigi. Grabe! Naman ang loko na toh masyadong sineryoso tanong ko pero ayos narin keysa naman kay Chen, aasarin ka pa.
"Depende yan Suho, dapat tanungin mo muna siya kung mahal pa niya baka kasi nag-conclude ka lang agad pero hindi mo pa alam ung side niya."
Bigla ako natameme sa sinabi ni Lay, hindi ko alam pero parang tama siya. Nagconclude nga lang ako nun sa nakita at narinig ko pero never kong tinanong si Hyohyeon kung ano ung nararamdaman niya, never kong pangkinggan ung explanation niya dahil masyado akong nagpadala sa emosyon ko.
"Ano pre, natahimik ka?" biglang salita ni Lay kaya napatingin ako sa kanya.
"Tama ka lay, salamat!" sabay yakap ko sa kanya at ngumiti sabay alis ko.
Kailangan kong gumawa ng paraan para makausap siya kasi alam kong galit at naiinis siya sakin dahil sa pagiwas ko sa kanya. Babalikan ko na siya, I love her so much, hindi ko siya kayang tiisin.
-------------------------------
Kai's POVs
"Si Grandpa na nanakbo!!" sigaw ni Chen kaya napatingin ako kay Suho na tumatakbo. Ano kayang problema nun at tumatakbo siya?
"San punta non?" tanong ko kay Chen.
"Malay ko, magkasama tayo ei."
"Tss." sabay tingin ko sa ibang view at ow! Natanaw ng mga mata ko ang taong mahal ko si Yuri.
Lalapit sana ako sa kanya pero biglang may lumapit sa kanya na hindi ko inaasahan, parang nadurog ung puso ko hindi ko alam pero gusto kong lumapit sa kanila at suntukin ung Minho na un! Ang kapal niyang lapitan si Yuri.
Hindi ko alam kung ano ung pinaguusapan nila pero tawa ng tawa si Yuri at ganon din ung Minho. Pinipigilan ko ung sarili ko pero hindi ko talaga kaya na nakikita ko na may kumakalantare sa taong mahal ko. Lagot ka sakin.
Sumugod ako kala Minho at pagkalapit na pagkalapit ko sinuntok ko agad siya sa mukha, dahilan para tumalsik siya at magulat ang mga tao.
"Ang kapal mo!! Bat mo nilalapitan girlfriend ko!!" sigaw ko sa kanya. Agad naman humarang si Yuri para maawat ako.
"Kai!! Stop it!" inis na sigaw niya sakin. Hindi ko alam pero nang marinig ko na sinigawan niya ko parang lalo akong nainis.
"Yuri, come with me!" sabay hila ko sa kanya palayo dun.
BINABASA MO ANG
The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]
Teen FictionNatapos ang awayan, natapos ang developan, natapos sa ligawan at natapos sa naging sila. Pero un ang akala nila.... dahil diyan pa lng magsisimula ang...