Chapter 66: What Happend?

922 35 5
                                    

Hyoyeon's POVs

Nagaalala na ko sa dalawang yun isat kalahating oras na pero wala paring bumabalik sa kanila kahit sila Chanyeol at Tao hindi parin nabalik. Hindi kaya may nangyari na sa kanila sa loob ng gubat? Nagaalala na talaga ako sa kanila, sana pala hindi na natuloy tong camping na toh edi sana wala nang napahamak samin. Tuloy tuloy parin ang buhos ng ulan asan na kaya sila? Ayos lang kaya sila? Bat kaya hindi pa sila nabalik?

*BOOM*

Kumikidlat pa! Lalo lang tuloy ako nagaalala dahil sa kidlat na yan. Feeling ko mababaliw na kaming lahat kakaisip sa kanila.

"Guys!!!" Rinig kong sigaw ni Sehun at lahat kami naglabasan sa tent. Nakita namin sila basang basa sa ulan, salamat ayos lang sila pero asan sila Seohyun Chanyeol Tao at Sooyoung? Bat hindi nila kasama?

"Asan sila Chanyeol?" Alalang tanong ni Yoona sa tatlong basang sisiw at pati na rin kami nababasa na sa ulan.

"Hindi na namin sila makita, mahirap na maghanap dahil malalim na ang gabi." Paliwanag ni Lay at lumapit sa kanya si Suho.

"Anong ibig sabihin mo? Ipagpabukas na lang ang paghahanap?" Galit na sabi ni Suho at hinawakan ko agad siya sa braso dahil baka ano pa magawa niya baka magkagulo pa.

"Ganon na nga." Malungkot na sabi ni Sehun at biglang lumapit sa kanya si Yoona.

"Hindi pwede!!! Kailangan mahanap sila ngayon! Hindi pwedeng ipagpabukas!" Naiyak na sigaw niya kay Sehun. Alam naming naiyak siya kahit di namin kita ung luha niya dahil sa pagkakasalita niya.

"Pero Yoona, mahirap na silang hanapin dahil gabi na at sobrang dilim." Paliwanag pa ni Chen.

"Pero paano sila? Baka anong mangyari sa kanila?" Alalang sabi naman ni Jessica at niyakap siya ni Kris. "Hanapin natin sila." Pilit ni parin niya.

Napabuntong hininga na lang ang tatlo at hindi na nagsalita napaupo na lang sila sa troso at napayuko. Lumapit naman si Sunny at tinulak tulak sila.

"Hanapin niyo sila! Hanapin natin!" Sigaw ni Sunny habang inaalog alog niya si Chen, inawat naman siya ni Xiumin.

Lahat kami natahimik at nagiisip kung ano ang gagawin at ano na ang nangyari sa apat. Malalim na ang gabi at sigurado ako marami nang nagkalat na mababangis na hayop sana hindi sila galawin nang kung anong hayop doon. Sana maayos lang sila. Nasan na kaya sila? Kapag pinagpabukas na ang paghahanap baka ano mangyari sa kanila pero madilim na kaya mahihirapan na kaming hanapin sila. Anong bang dapat namin gawin? Ayaw naming maghintay na lang ng kung ano dito para kumilos. Tsk!

"Ako naman maghahanap sa kanila!" Singit ni Yuri sabay alis pero hinawakan siya ni Kai sa braso na kinainis niya.

"Bitawan mo nga ko!!" Sigaw ni Yuri at pilit na inaalis ang kamay ni Kai pero hindi parin siya binibitawan ni Kai.

"Delikado Yuri, hindi ka pwedeng umalis." Pigil ni Kai.

"Ano tutunganga na lang tayo dito? Paano kung may nangyayari na sa kanila? Ah!" Sigaw niya at inaalis parin niya ang kamay ni Kai pero hindi siya binibitawan ni Kai.

"Guys! Hintayin nating magumaga kapag nagumaga na tsaka natin sila hanapin." Biglang salita ni Taeyeon na kanina pa nananahimik.

"ANO?!" Gulat na sigaw nila at napayuko na lang dahil alam kong yung ang magiging desisyon. No choice naman kami eh.

"Pero Taeyeon-"

"Ipagpabukas na lang. Maaga na lang tayo kumilos para mahanap natin sila agad." Sangayon ni Baekhyun.

The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon