Third Person's POVs
Walang tao sa bahay na tinitirahan nila dahil lahat sila ay nasa hospital. Yung iba ay inaabangan ang nangyari kay Sunny at yung iba naman ay kay Sooyoung. Ang hindi nila alam ay nasa iisang hospital lang sila dahil hindi pa sila nagkikita kita.
Pabalik balik ang iba sa paglalakad, yung iba nakatayo at yung iba nakaupo habang hinihintay na lumabas ang doctor.
"Anong nangyari kay Sunny? Bakit bigla na lang siya nawalan ng malay?" Alalang tanong ni Yoona at hindi matatago sa mata niya na natataranta siya.
Walang sumagot sa tanong niya, lahat ay tahimik lang na hinihintay ang doctor na lumabas. Si Xiumin naman nakaupo lang habang nakayuko, hindi rin niya maiwasang magalala lalo na alam niyang may sakit si Sunny.
Lahat ng atensyon ay napunta sa lumabas sa emergency room. Napatayo ang iba at lumapit sa doctor na lumabas.
"Doc, ano po ang nangyari? Kamusta po siya? Maayos po ba siya?" Sunod sunod na tanong ni Xiumin.
"Kaano ano po ba ninyo ang pasyente?" Tanong muna ng doctor at lahat ay napakunot ang noo except Xiumin na sobra ang pagaalala parin kay Sunny.
"Boyfriend niya po ako. Ako po ang lagi niyang nakakasama." Sagot nito. Tumango tango ang doctor bago magsalita.
"Maayos na siya ngayon, nahimatay siya at nagdugo ang ilong niya dahil sa sakit niya. Alam niyo po bang may sakit ang pasyente?" Lahat ay nagtaka sa sinabi at tinanong ng doctor. Hindi nila maintindihan ang sinabi ng doctor.
Walang sumagot kahit si Xiumin hindi sumagot kahit alam niyang may sakit si Sunny. Malungkot at seryoso lang siyang nakatingin sa doctor.
"So wala pa palang nakakaalam na may sakit ang kaibigan niyo. " nanlaki ang mata ng lahat at naguguluhan parin sila.
"Ano pong ibig sabihin niyo po?" Takang tanong ni Taeyeon at bakas na rin sa muka niya ang pagaalala.
"May luekemia po ang pasyente o ang kaibigan niyo." Pagkasabi nun ng doctor...
Napahawak sila sa bibig at yung iba napaupo at hindi sila makapaniwala sa sinabi ng doctor. Hindi na napigilan maiyak ni Xiumin kahit alam na niya dahil nalulungkot siya kay Sunny at sa mga kaibigan nilang ngayon lang nalaman.
"Hi-hindi." Pailing iling na sabi ni Jessica habang umiiyak. Niyakap siya ni Kris.
"Kailangan dumito muna siya para sa iba pang mga test at mas maganda kung dito na siya magpagaling para natutukan siya." Tumango na lang Xiumin at umalis na ang doctor.
Napatingin siya sa mga kaibigan ni Sunny na nagiiyakan at yung mga kaibigan naman niya ay tulala lang at parang hindi parin makapaniwala. Napaupo siya at napahawak sa ulo niya sabay tulo ng luha niya.
"Paano siya nagka cancer? Paano toh nangyari sa kanya?" Naiiyak na tanong ni Tiffany.
"Bakit siya pa? Hindi naman niya deserving ang sakit na yun." Seohyun.
"Hindi parin ako makapaniwala." Naiiyak na sabi ni Hyoyeon.
"Kawawa naman si Sunny." Iyak ni Yoona at napayakap siya kay Luhan na nasa tabi niya.
"Siguro ngayon lang din malalaman ni Sunny na may sakit siya." Singit ni Yuri at kita mo rin sa muka niya ang kalungkutan.
"Okey, ganito wag muna natin sabihin sa kanya paggising niya." Sabi sa kanila ni Taeyeon.
Napatingin naman sa kanila si Xiumin dahil alam naman ni Xiumin na alam na ni Sunny na may sakit siya. Nagdadalawang isip siyang sabihin ang totoo na may alam na sila matagal na dahil alam niyang magagalit ang mga ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]
Teen FictionNatapos ang awayan, natapos ang developan, natapos sa ligawan at natapos sa naging sila. Pero un ang akala nila.... dahil diyan pa lng magsisimula ang...