Kai's POVs
Weekend ngayon kaya ang boring dito sa bahay na toh bat kasi ayaw akong payaga na dun na ulit tumira. Kaasar naman! Wala na akong alam sa mga kaibigan ko kung ano na balita at ang matindi miss ko na si Yuri. Kailangan kong puntahan siya di ko kaya na hindi ko siya makita ngayong araw.
Lumabas ako ng kwarto at tatakas dapat ako pero nakita ako ni mama. Im sure kapag nalaman niyang kay Yuri ako pupunta di niya ko papayagan.
"Where are you going Kai?" Mataray na tanong niya sakin. Tsk, bat ba ang strict ng mama ko.
"Ahh- gusto ko pong maggala, ang boring kasi ei." Dahilan ko at sana maniwala naman siya.
"Akala mo maniniwala ako sayo, alam kong pupuntahan mo ang babae na yun. Pwede ba Kai, itigil mo na yan." Galit na sabi niya.
Bakit ba ganyan siya? Tapos na yun, past is past. Bat ba ayaw pa niyang makipagbati? Tsk.
"Ma, gusto ko lang naman makasama si Yuri, hayaan niyo na ko." Pagmamakaawa ko sa kanya.
"Kai, tamana, hindi mo ba napapansin na nilalayuan ka na niya. Nilalayuan ka niya kasi wala na-"
"No! Hindi totoo yan. Mahal niya ko at walang magbabago dun!" Naiinis na ko kay mama dahil sa mga sinasabi niya kaya di ko na napigilan ang sarili ko.
"Kung mahal ka niya sana pinaglalaban ka niya hanggang ngayon at kung mahal ka niya pupunta siya dito para makita ka pero asan siya wala naman diba? Hinahayaan na lang niya na mangyari toh." Bigla ako natahimik sa sinabi niya.
Tama siya, hindi siya pumupunta dito para makita o makamusta man lang, kahit tawag man lang o text pero kahit ganon alam kong mahal niya ko. Hindi dapat ako magpa epekto. Hindi dapat ako magpadala sa emosyon ko.
"Pwede ba ma, wag mo kaming sirain. Aalis ako kung gusto ko at walang makakapigil sakin." Galit na sabi ko at umalis ako. Buti naman di na siya nagmatigas.
Nagpunta agad ako sa bahay nila Yoona dahil doon lahat sila nakatira. At sakto lumabas si Yuri pero hindi ako nakalapit kasi may biglang tumawag sa kanya.
"Bat ka napatawag?" Nakangiti na sabi niya at bat siya ganyan makangiti. Bakit parang ansaya niya?
"Ah sige, pupunta na ko. Siguruduhin mong maayos yan ah." Sabay baba niya ng phone at sumakay sa kotse niya.
Bat siya ganon? Sakin lang naman siya ngumingiti ng ganon ah. Sino kaya yung kausap niya? Kailangan ko siyang sundan para malaman ko.Yuri's POVs
Nakakaloka naman tong si Minho, may ipapakita daw siya sakin na pwede kong ibigay kay Kai. Haay. Sana naman maayos dati kasi panay palpak.
Nakarating na ko sa park na pagkikitaan namin at agad akong lumapit sa kanya ng makita ko siya.
"Eto na oh. Im sure na magugustuhan mo na yan." Sabay abot niya sakin. Sinilip ko yung paper bag at mukhang maayos na nga.
"Oo nga maayos na dati kasi piyaot ang mukha, kulang ang mata. Muntanga lang. Hahaha!" Sabi ko sa kanya at tumawa lang siya.
"Salamat ah." Sabi ko at niyakap ko siya bilang pasasalamat walang other meaning.
"Wala yun basta ikaw, alam mo naman na mahal kita." Hinampas ko siya at inirapan ko. Grabe kasi! Alam niyang may boyfriend na ko, ang lakas ng loob sabihin yun.
"Basta salamat talaga ah." Sabay ngiti ko at laking gulat ko na halikan niya ko sa cheeks sabay ngiti niya.
"Bat mo ginawa yun?" Gulat na gulat na sabi ko kasi feeling ko nagkasala ako kay Kai.
BINABASA MO ANG
The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]
Ficção AdolescenteNatapos ang awayan, natapos ang developan, natapos sa ligawan at natapos sa naging sila. Pero un ang akala nila.... dahil diyan pa lng magsisimula ang...