Sunny's POVs
Nandito kami ngayon ni Xiumin sa hospital, actually ako lang dapat pero guto niya kong samahan magpa-kimo at hindi na ko tumaggi dahil gusto ko rin naman siyang makasama sa mga bagay na ganto. Sana lagi na lang siyang ganyan, sana hindi siya magbago lalo na kung lumala na yung sakit ko at kailangan na niya kong alagaan. Sana hindi siya magsawa na alagaan ako hanggang sa mawala na ko.
"Ayos ka lang?" Sabay hawak niya kamay ko ng sobrang higpit. Ngumiti lang ako sa kanya at tumango. "Ikaw na ang susunod. Sunny kung kailangan mo ko andito lang ako sa labas ah. Dont worry." Sabay kiss niya sa noo ko.
Inalalayan niya tumayo hanggang sa papasok ng isang room kung saan isasagawa ang kemo, pwede naman siyang pumasok ako lang ang may ayaw. Ayoko kasing pagdating pa sa pagkekemo ko siya parin tsaka kaya ko naman may kasama naman akong doctor at nurse kaya kaya ko na.
Naupo na ko sa isang upuan at may ipinasok na sila sa punso ko na dextrose. Sa dextrose nakalagay yung gamot para mamatay yung mga cancer cell sa dugo ko at aaminin ko masakit toh pero sanay na naman ako kaya parang manhid na lang ako.
"Okey maam, sisimulan na po. Relax lang po kayo." Sabi sakin ng nurse at nagflow na sa ugat ko yung gamot at sobrang sakit pero kaya kong tiisin.
Kung eto yung paraan para gumaling ako gagawin ko. Ayoko iwan si Xiumin pero kung eto na talaga ang huling sandali ko nakahanda na rin ako. Kahit ayokong iwan siya pero kung wala na talagang magagawa kailangan niyang tanggapin na mawawala ako sa tabi niya ng matagal.
Mahal na mahal ko si Xiumin.
Xiumin's POVs
Nakasilip ako sa may maliit na bintana sa pinto at nakikita ko siya nakapikit habang kinikemo. Gusto ko sana pumasok para hawakan ang kamay niya pero baka magalit siya kasi ayaw niya kong pumasok eh.
Naupo na lang ako sa may bench sa may gilid habang hinihintay kong matapos ang kemo niya. Buwan buwan siyang ikekemo at kahit kailan hindi ako magsasawang samahan siya o kahit alagaan pa siya. Mahal na maha ko si Sunny, lagi lang ako nandito para sa kanya, aalagaan ko siya hanggat kaya ko. Hinding hindi ko siya iiwan kahit- kahit siya iiwan niya ko balang araw.
Alam kong iiwan niya ko, isang himala na lang kung gumaling siya leukemia pero lagi kong pinagdadasal na gumaling siya at naniniwala akong gagaling pa siya, hindi ako nawawalan ng pagasa para sa kanya. Lahat gagawin ko para sa kanya. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko.
Siya yung nagbigay ng saya sa buhay ko, siya yung dahilan kung bakit ako nangiti at hindi ko hahayaan na mawala siya sakin.
Tumayo muna ako at umalis para bumili ng pagkain namin si Sunny baka mamaya pagtapos ng kemo niya gutom siya mabuti na yung ready ako. Ibibili ko siya ng masustansyang pagkain.
Paglabas ko ng hospital tumigil ako sa may gilid ng kalsada. Hinihintay kong magstop kasi tatawid ako, nandun kasi yung bibilhan ko ng pagkain para saming dalawa. Nagred na ang stoplight, tatawid na sana ako pero nakita ko si Sooyoung na nagmamadaling naglalakad papasok sa hospital.
Anong gagawin niya sa hospital? Hindi kaya alam na niya ang tungkol kay Sunny?
"Oy! Tatawid ka ba o hindi! Go na oh!" Sigaw sakin ng isang driver ng truck kaya agad akong tumakbo papunta sa kabilang kalye.
Pagtawid ko tumingin ako sa entrance ng hospital at hindi ko na nakita si Sooyoung. Imposible naman na alam niya yung tungkol kay Sunny kami lang naman ang nakakaalam nun the rest wala nang alam tungkol dun. Ano kaya ang gagawin niya sa hospital?
Nagpunta na lang ako sa bibilhan ko ng pagkain.
-
Tao's POVs
BINABASA MO ANG
The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]
Roman pour AdolescentsNatapos ang awayan, natapos ang developan, natapos sa ligawan at natapos sa naging sila. Pero un ang akala nila.... dahil diyan pa lng magsisimula ang...