Chapter 67: Complete

958 39 7
                                    

Third Person's POVs

Nakalipas na ang maraming oras sa paghahanap pero wala parin ni isa ang nabalik sa kanila kaya ang mga naiwan na girls ay sobra nang nagaalala sa mga nawawala at ganon na rin sa mga hindi pa bumabalik. Naglabas si Sunny at Jessica nang makakain dahil mga nagugutom na sila. Nilapag nila ito sa lamesang ditiklop.

"Kumain muna tayo." Yakad ni Sunny sabay ngiti ng tipid, wala namang ni isang lumapit sa lamesa.

"Ayaw niyong kumain? Di ba kayo nagugutom?" Tanong ni Jessica sa mga nanahimik na kaibigan nila.

"Tingin mo sa ganitong sitwasyon makakain kami." Cold na sabi ni Yuri. Nalungkot naman si Jessica sa narinig niya mula kay Yuri.

"Ako na lang ang kakain para hindi masayang." Singit ni Yoona habang papalapit sa lamesa at ngumiti kala Jessica. Ngumiti na lang din yung dalawa.

Habang kumakain si Yoona natahimik ang lahat at lahat sila nakatingin lang sa may gubat dahil nagaabang sila na may lumabas doon na isa sa mga kasamahan nila. Hindi na rin sila mapakali dahil sobrang tagal nilang bumalik. Minsan nga naisip nilang sundan na ang mga boys pero hindi nila matuloy dahil baka maligaw rin sila at maging dagdagin pa sila sa mga iintindihin.

"Asan na kaya sila? Bakit antagal nila?" Basag ni Hyoyeon sa katahimikan.

"Sana maayos lang sila sa loob ng gubat." Malungkot na sabi ni Jessica at hinawakan naman ni Sunny ang kamay nito para hindi ito magalala ng sobra.

"Wag kayong magalala dahil mahahanap rin nila ang mga kaibigan natin." Singit ni Taeyeon para hindi na magalala ang lahat. Tumingin naman si Yuri kay Tiffany.

"Alam niyo kasalanan lahat toh ni Tiffany eh, kundi dahil sa kanya wala sanang mawawala." Inis na sabi niya habang nakatingin siya ng masama kay Tiffany, napatingin naman si Tiffany dito.

"Yuri, nananahimik na ko dito." Inis ring sabi ni Tiffany at masama rin siyang tumitig kay Yuri.

"Nanahimik?" Sabay tayo ni Yuri at lumapit kay Tiffany. "Ikaw ang may kasalanan tas nanahimik ka lang diyan? Hindi ka ba nakokinsensya sa ginawa mo ah." Mataray na dagdag pa ni Yuri.

"Sumosobra ka na ah!" Sigaw ni Tiffany at napatayo na siya kaya yung iba napatayo rin. "Parang sinasabi mo na pinalano ko talagang iwala sila at sinadya kong gawin lahat yun!"

"Bakit totoo naman ah? Diba nga sabi mo plano mo yun kaya sinadya mo yun!"

"Nakakainis ka na!" Sabay tulak ni Tiffany kay Yuri at hindi naman nagpatalo si Yuri kaya nagsabunutan silang dalawa.

"Ano ah!"

"Bwisit ka!"

Sigaw nila habang nagsasabunutan kanya kanya namang awat ang mga kaibigan nila. Si Sunny pilit na pumapagitna, sila Taeyeon at Yoona naman pilit na inaawat si Tiffany, sila Jessica at Hyoyeon naman pilit ring inaawat si Yuri.

"Tamana!" Sigaw ni Yoona habang inaawat nila ni Taeyeon si Tiffany.

"Ano ba Yuri!!!" Sigaw rin ni Hyoyeon.

"Tumigil na kayo!!!" Sigaw ni Sunny at pilit na pumapagitna pero tinulak siya ni Yuri kaya napatalsik siya at napaupo sa lupa.

"Ano ha!!! Kapag may nangyari sa kanilang masama! Kasalanan mo lahat yun!!" Sabay sabunot ulit ni Yuri.

Tumayo ulit si Sunny para pumagitna. Pilit nilang inaawat ang dalawa pero tuloy tuloy parin ito sa pagsasabunutan. Tinulak ni Tiffany si Yoona kaya napatalsik ito sa lupa.

The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon