Chapter 51: Quarrel

1K 39 6
                                    

Tao's POVs

"Tao! Halika kakain na daw tayo!" yakad sakin ni Chen pero tumango na lang ako at humiga na lang ulit sa kama.

"Pre naman! Kailangan mong-"

"Ayoko!! Pwede ba iwan mo kong magisa!" sigaw ko sa kanya kaya dali dali siyang umalis sa kwarto.

Dalawang linggo na ang nakalipas pero pinapaasa ata ako ng kapalaran dahil hanggang ngayon, walang Sooyoung ang bumabalik. Asan na ba kasi siya? Bakit hindi siya bumabalik? May nagawa ba kong mali para iwan niya ko? Ayaw na ba niya sakin? Sino ba makakasagot sa mga tanong ko ha!!

Binato ko na ung vase sa may sahig at nabasag ito. Napahawak na lang ako sa ulo ko at hindi ko mapigilang umiyak.

"Tao!!!" sabay lapit sakin ni Chen at inawa-awat ako.

"Mahal na mahal ko si Sooyoung pero bakit niya ko iniwan?!" sigaw ko habang umiiyak.

"Tao, hindi ka niya iniwan." pagkakalma niya sakin.

"Hindi! Iniwan niya ko dahil kung hindi niya ko iniwan, magpapaalam siya o kaya naman kung hindi siya nakapag paalam nagiwan dapat siya ng sulat o kaya tumawag siya pero wala! Wala Chen!!!"

"Tamana Tao!" awat niya sakin dahil nag-wawala na talaga ako sa galit.

Oo nagagalit ako dahil kasalanan ko to siguro kulang pa ung effort ko para mapasaya siya sa feeling ko, siguro kulang pa kaya niya ko iniwan.

"Hindi ko na alam Chen!!! Hindi ko kaya na wala siya sa buhay ko!!!!" sabay tayo ko at kung ano mahawakan ko pinagbababato ko.

Nagsi-datingan na ang iba pang exo members para awatin ako samantala ung mga snsd nakatingin lang at para bang natatakot.

"Tamana!!! Tao!!" sigaw nila at hinawakan nila ako.

Pero hindi parin ako nagpaawat nag-papalag ako para mabitawan nila ako.

"IBALIK NIYO SAKIN SI SOOYOUNG!!!!" sigaw ko habang nagwawala ako at hawak nila ako.

"Tao! Tamana!!" Luhan.

"SOOYOUNG BUMALIK KA!!!! MAHAL NA MAHAL KITA!!" sigaw ko ulit at tuloy tuloy lang yung paglabas ng luha ko mula sa mga mata ko.

"Tao, tamana.. Walang magagawa yang pagsigaw at pagwawala mo!" Chanyeol.

"MAHAL NA MAHAL KO SIYA!!" sigaw ko.

Paulit ulit kong sinigaw yun hanggang sa mapagod at manghina ako. Napaupo na lang ako sa sahig pero ung mga luha ko patuloy parin sa pagpatak.

"Tao, may dahilan siguro kung bakit siya umalis." sabi sakin ni Jessica nung makalapit siya sakin.

"Dahilan? Ano? Sawa na siya sakin? Ayaw na niya sakin? May pagkukulang ba ko?" sunod sunod na sabi ko.

"Hindi tao, hindi natin alam pero may tiwala ako kay Sooyoung na may dahilan siyang iba, kilala ko siya, mahal na mahal ka talaga niya." Yoona.

"Tao, ang kailangan mo lang naman gawin, tanggapin na umalis siya at maniwala na babalik siya." Taeyeon.

"Wag ka laging nega! Babalik yun para ipagpatuloy ung love story niyo." Yuri.

"Tama sila, kaya sa ngayon tanggapin mo muna na wala siya sa tabi mo." Seohyun.

Hindi na ko naka-imik pa sa mga sinabi nila dahil sa tingin ko may point sila sa mga sinasabi nila. Unti unti na ko kumalma at naupo nang ayos sa kama.

The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon