Dedicate ko po tong chapter na toh kay @CHRISHYRUEINCBR16. Siya po yung silent reader natin. Thanks sa pagbabasa. 😊
Third Person's POVs
Lahat nagkakainan na ng pananghalian pero si Tao nandun lang sa loob ng kwarto niya, nakahiga at iniisip niya si Sooyoung. Hindi parin siya makapaniwala sa ginawa sa kanya ni Sooyoung. Minahal niya si Sooyoung pero iniwan at pinagpalit lang siya sa iba.
Bigla namang may kumatok sa pinto pero hindi niya pinansin, tumalikod lang siya at pinikit ang mga mata niya.
Naramdaman niyang bumukas ung pinto kaya humarap na siya at nakita niya si Yuri nakangiti at may dalang pagkain.
"Kumain ka na." Nakangiti niyang sabi.
"Salamat." Matipid na sabi ni Tao at bumangon sa kinahihigaan niya.
Nilapag ni Yuri ung pagkain sa kama ni Tao at tumingin ito sa mga mata ni Tao ng seryoso na kinagulat naman ni Tao. Nagtataka si Tao kung bakit ganon makatitig sa kanya si Yuri kaya medyo napalayo siya.
"Mahal mo si Sooyoung diba?" Taas kilay na tanong ni Yuri kay Tao at napakunot noo si Tao.
"O-o mahal ko siya." Nauutal na sagot ni Tao at kinakabahan na siya kay Yuri.
"Tingin mo ba mahal ka parin ni Sooyoung? Hindi totoo ung mga dahilan niya?" Tanong pa nito.
"Hindi ko alam." Kabadong sagot ni Tao at nilapit ni Yuri ung muka niya kay Tao habang nakataas ang kilay nito.
"Huh! Wala kang kwenta." Sabay layo ni Yuri at napabuntong hininga.
Nagtaka naman si Tao kaya tumingin siya ng deretso kay Yuri na kinagulat ni Yuri kaya napakunot ang noo nito.
"Yuri, may gusto ka ba sakin?"
*POK!*
"Aray!" Sigaw ni Tao dahil pinalo siya ng tinidor sa ulo ni Yuri.
"Wag ka ngang assuming. Gusto lang kitang tulungan para mapatunayan natin na mahal ka parin ni Sooyoung. Did you get my point?" Mataray na paliwanag ni Yuri.
"Paano?"
Napangise si Yuri at tumingin na naman sa mga mata ni Tao na parang may pinapahiwatig.
"Basic! Pagseselosin natin siya!" nakangiting sabi ni Yuri at napakunot ng noo si Tao.
"Hah? Effective ba yun? baka lalo lang magkagulo niyan? Tsaka si Kai."
"Dont worry, ung nga gusto kong mangyari ang magkagulo para mapaamin natin si Sooyoung at si Kai naman mararanasan niya ang sakit na naranasan ko." Sabay ngiti nito na akala mong kay galing galing na.
"Nakakatakot naman yang plano mo."
"Haay ewan sayo! Ikaw na nga ang tutulungan ayaw mo pa!" Sabay irap nito.
"Bahala na!" Sabay higa ni Tao sa kama niya at si Yuri nakangiti lang sa kanya.
---
"Asan naman kaya si Sunny?" bulong ni Yoona sa sarili niya habang nilalakad ang hallway ng mga kwarto.
Habang naglalakad may narinig siyang mga nagsasalita at yung mga boses na yun ay mula sa kwarto nila Jessica at Kris. Lumapit siya at dinikit ang tenga niya sa pinto."Ipapasok ko na ba?" Rinig niyang tanong ni Kris kay Jessica at nanlaki ang mata niya.
"Sige, dahan dahan baka dumugo."
Napahawak na si Yoona sa mga bibig niya at lalong dinikit ang tenga sa pinto kaya muntuleg tuloy ang itsura niya.
"Ayan, masarap."
BINABASA MO ANG
The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]
Novela JuvenilNatapos ang awayan, natapos ang developan, natapos sa ligawan at natapos sa naging sila. Pero un ang akala nila.... dahil diyan pa lng magsisimula ang...