Chapter 70: Behind Sooyoung's Lies

1K 35 7
                                    

Seohyun's POVs

Isang linggo na ang nakalipas mula nung nangyari yung sa party nila Dara at Chanyeol. Hindi ko parin nalilimutan ang nangyaring yun hanggang ngayon ramdam ko parin yung sakit lalo na nun sinabi sakin ni Lay na hindi ako mahal ni Chanyeol. Nang marinig ko yun sobra akong nasaktan at hindi ako makapaniwala na kasinungalingan lang pala ang sinabi niyang yun. Hindi naman pala talaga niya ko mahal.

Hindi niya ko mahal, pinaasa lang niya ko.

Siguro wala nang dahilan para umasa pa na may pagasa pa ko kay Chanyeol, yung magiging kami pa at malaman niya ang katotohanan. Hahayaan ko na lang siya sa gusto niya tutal masaya na naman siya. Hindi ko na ipagpipilitan ang sarili ko sa kanya.

Kakalimutan ko na siya kahit mahirap.

"Seohyun, punta ka munang sala may sasabihin daw si Baekhyun." Rinig kong sabi ni Sunny sakin at narinig kong bumaba na siya dahil rinig ko yung yabag ng paa niya.

Lumabas na ko ng kwarto at kagaya ng sinabi ni Sunny pumunta akong sala at naupo sa sofa. Nakatayo si Baekhyun at hindi ko maintindihan yung muka niya kung malungkot ba o masaya parehas ko kasi nakikita sa muka niya. Ano kaya ang sasabihin niya?

"Good news and bad news." Sabay buntong hininga niya at lahat naman kami nagtaka. "Bad news, tuloy ang kasal ni Chanyeol." Malungkot na sabi niya.

Napayuko naman ako at napahawak sa dibdib ko dahil sa totoo niyan parang may kung anong sumaksak sa puso ko kaya nasasaktan siya. Tuloy ang kasal, ibig sabihin wala na talagang pagasa para saming dalawa. Tuluyan na siyang mawawala.

"Goodnews naman, dito na sila ikakasal ibig sabihin lang nun makakaatend tayo at ako ang bestman!" Masayang sabi niya at bigla siyang napatingin sakin kaya nawala agad yung ngiti sa mga labi niya. Ngumiti na lang ako sa kanya ng tipid.

"Ahh ayos." Masayang sabi ni Jessica pero halata sa boses niya ang lungkot.

"Ang tanong lahat ba kayo aattend? Gusto niyo ba?" Tanong ni Baekhyun at lahat sila napatingin sakin na pinagtaka ko. Bakit ako?

"Kung gusto ni Seohyun." Sabi ni Hyoyeon habang nakatingin sakin at ako? Hindi alam ang isasagot.

Hindi ko alam kasi dalawa lang naman ang pwedeng maging epekto. Una, pagumattend ako masasaktan ako dahil yung taong mahal ko ikakasal sa iba. Sa taong akala niyang ako. Pangalawa, kapag hindi ako umattend ganon parin naman mararamdaman ko kasi maiisip ko na ikinakasal na ang taong mahal ko kaya parehas lang.

"Seohyun, gusto mo bang umattend tayo?" Tanong ulit sakin ni Yoona at hindi ko talaga alam ang isasagot ko.

Nakakahiya naman sa kanila kung humindi ako dahil lahat sila hindi aattend pero ayoko naman ng ganon kasi ni isang kaibigan ni Chanyeol walang aattend kaya siguro papayag na lang ako.

"Sige aattend tayo." Sabay ngiti ko ng tipid at lahat sila parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"Sigurado ka?" Tanong sakin ni Yuri.

"Oo, wala namang mawawala kung aattend tayo tsaka kaibigan natin siya hindi pwedeng wala tayo. Wag niyo kong intindihin magiging ayos lang ako." Sabay ngiti ko pero pilit lang.

"Sige pero sure ka ba talaga?" Tanong ulit sakin ni Taeyeon.

"Seohyun, kung kami ang iniintindi mo ayos lang, hindi mo kailangan pilitin yung sarili mo." Sabi naman ni Lay.

"Hindi, ayos lang talaga. Dont worry." Sabay ngiti ko ulit at natahimik na sila. Mukang na satisfied na sila sa pagngiti ko kahit pilit.

Aattend ako sa kasal. Sa huling pagkakataon muli akong masasaktan pero i'll make sure na huli na yun dahil pagtapos ng kasal kakalimutan ko na siya. Siguro magpapakalayo layo na ko para tuluyan ko na talaga siya makalimutan.

The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon