Third Person's POVs
Lahat sila ay naghahanda na para sa camping nila ngayon. Kanya kanya na silang hakot ng mga kakailanganin nila pero siyempre yung mga sinkshin na kasama nila eh inuna pang kumuha ng mga pagkain keysa mga gamit nila, kagaya na lang nila Yoona. Si Tiffany naman kumpleto ang kikay kit niyang dala kulang na nga lang buong bag niya laman ay panay make up. Yung iba naman simple lang ang mga dala yung tipong mga kailangan lang para sa camping nila.
"Ayos na ba ang lahat?" Tanong ni Taeyeon sa lahat at tumingin naman lahat sa kaniya. Except Yoona dahil wala naman siya sa sala. So nasan ang bruha?
"Yoona!" Tawag ni Taeyeon sa kanya at lumabas naman si Yoona sa kusina na punong puno ang bibig.
"Bokit?"
(ーー;) silang lahat.
"Maayos na ba ang mga gamit mo?" Tanong sa kanya ni Luhan.
"Ahh- hondo pu-"
"UBUSIN MO MUNA YANG NASA BIBIG MO!" Sabay sabay nilang sabi kay Yoona except Luhan and Sehun. Nginuya nguya muna ni Yoona at nilunok na niya sabay hinga ng malalim.
"Hindi pa."
"ANO!??" Sabay sabay nilang sigaw.
"Ahh guys. Tutulungan ko na lang siya para mapabilis." Prisinta ni Luhan sabay kamot niya sa ulo niya.
"Mabuti pa nga!" Sabay irap ni Hyohyeon. Umakyat na ang dalawa sa taas para maayos na ang mga gamit ni Yoona.
Umupo muna sila sa sahig at yung iba naman sa sofa habang hinihintay nila sila Yoona at Luhan. Napatingin naman sila sa bumaba si Yuri may dala itong maleta, tumingin lang ito sa kanila at umupo na lang sa may tabi. Ang sumunod namang bumaba ay si Sooyoung napatingin ito kay Yuri pero iniwasan lang niya ito. Si Tao naman snob na rin.
"Tingin mo mapagbabati namin yan?" Takang tanong ni Chen sabay kamot sa ulo niya.
"Magagawa natin yun." Confident na sabi ni Tiffany sabay nag gesture siya ng fighting. "Tiwala lang."
"Haay, sana nga." Sabay buntong hininga ni Sunny at hinawakan naman ni Xiumin ang kamay nito.
"Nga pala makakasama ba si Kai?" Tanong ni D.O
"Oo makakasama siya. Dun na mismo siya pupunta sa camping site natin." Sabay kindat ni Tiffany at inakbayan naman siya ni D.O
"Galing talaga ng baby ko." Sabay kiss niya sa cheeks ni Tiffany.
"WAG NGA KAYONG PDA!!" Sabay sabay na sigaw nila.
(ーー;)silang dalawa ni Tiffany.
Bumaba na sila Yoona at Luhan kaya tumayo na ang lahat. Hindi na sila nagusap usap pa dahil mga excited ata sa camping nila. Nagsilabasan na sila at sumakay na ng van. Dalawa ang van nila kaya nahati silang lahat. Ganito ang pwesto nila:
Sa unang van ang magkakasama ay sila Taeyeon-Baekhyun, Tiffany-D.O, Seohyun-Chanyeol, Sunny-Xiumin, Lay at ang driver nila ay si Lay.
Sa pangalawang van naman ay sila Jessica-Kris, Yoona-Luhan, Hyoyeon-Suho, Sooyoung, Yuri, Tao, Sehun at ang driver nila ay si Chen. Siyempre magkatabi ang mga couples and siyempre magkatabi rin ang magkakaaway. Sila Tao, Sooyoung and Yuri pero wala silang mga imik. Mahaba haba ang byahe kaya natulog na lang ang iba except Seohyun na dilat na dilat at hindi mapakali. Bakit kaya?
Seohyun's POVs
Waaaaaah! Hindi ako makakilos sa pwesto ko paano tulog si Chanyeol at ang malala napasandal pa sakin gusto ko sanang umayos ng upo dahil ngalay na pwet ko pero ayokong magising siya, ayokong maistorbo siya sa pagtulog kaya eto ako parang statwa na nakaupo dito. Waaah!! What to do! Pinagpapawisan na ko dito dahil sa init. Bat ba ang init? Todo naman yung aircon.
BINABASA MO ANG
The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]
Teen FictionNatapos ang awayan, natapos ang developan, natapos sa ligawan at natapos sa naging sila. Pero un ang akala nila.... dahil diyan pa lng magsisimula ang...