Tao's POVs
Kanina pa ko paikot ikot sa kama ko, nandito ako sa bahay ng parents ko, sabado naman bukas at naisipan kong bisitahin sila and then bukas pupunta kami dito ni Sooyoung gusto daw kasi nila ulit makita ung girlfriend ko.
Hindi ako mapakali kasi gawa nung isang araw simula nung may kumausap sa kanya sa phone parang naging bored na siya at naging cold na sakin, tinatanong ko naman siya pero ngingiti lang siya at iiling, hindi ako mapakali kasi baka mamaya may problema siya willing naman akong tumulong, as her boyfriend gampanin kong tulungan siya sa mga problema niya.
Kinuha ko ung phone ko at gusto kong tawagan si Sooyoung, hindi talaga ako mapakali pati miss ko na siya agad kahit parang kanina lang kami naghiwalay.
Nagriring ung phone pero walang sumasagot kaya binaba ko ulit baka busy sila.
Maya maya tinawagan ko ulit pero ganon ulit kaya naman parang nagalala na ko. Kaya tinawagan ko ng tinawagan pero wala talagang nasagot panay ring lang.
"Sooyoung sagutin mo naman oh." bulong ko dahil tiniry ko ulit tawagan pero wala talaga.
Sige, palilipasin ko pa ng ilang minuto siguro mga 30 minutes baka hindi na siya busy.
Pagkalipas ng 30 minutes na talaga namang hinintay ko, tinawagan ko na siya pero... Cannot be reach daw! Shit lang ah. Ano bang problema? Bakit ganito? Dati naman hindi siya ganito. Hindi! Wag muna akong mag conclude baka may ginagawa lang talaga siya.
Pero dati naman kahit busy siya ititigil niya ung ginagawa niya tapos ayun magdamag na kami hanggang sa hindi na niya nagawa pero bat ngayon... haist! Ewan bahala na basta ayokong mag conclude nang kung ano ano, may tiwala ako sa kanya.
Chen's POVs
Nakakarindi kanina phone ni Sooyoung mga may ginagawa kami ei, ung iba nagawa ng kung ano ano para sa mga assignment nila tas ung iba nagbabasa at ako nag rereview tapos biglang magriring ung phone kaya ayun lahat kami nadistruct at ang malala ayaw tumigil sa pagring.
Si Sooyoung naman hindi sinasagot para siyang nagdadalawang isip pang sumagot, sino kaya ung natawag? Posible namang si Tao un dahil kung si Tao un sagot agad yun.
"Guys nagtxt sakin si Tao." sigaw ni Luhan kaya napatigil kami sa mga ginagawa namin at si Sooyoung parang timang na natatakot ganon ewan basta ganon itsura niya.
"Ano daw sabi?" tanong ni Lay sabay lapit kay Luhan at tumingin sa phone.
"Ano daw ginagawa ni Sooyoung? Bat daw hindi nasagot?"
Hah? So si Tao nga ang natawag pero bakit nagdadalawang isip pang sumagot si Sooyoung? May LQ ba ang dalawang yun? Parang wala naman at ah.
Lahat tuloy kami napatingin kay Sooyoung at siya umiwas ng tingin at tumingin na lang sa book na hawak niya.
"Nagbabasa ako." dahilan niya.
"Nagbabasa? Meron bang nagbabasa na balikad ung book?" puna ni Yuri.
Kaya ayun napatingin siya sa book at mukhang nagulat siya.
"May LQ ba kayo?" tanong ni Taeyeon sa kanya.
Bigla naman sumama ang mukha ni Sooyoung at tumayo.
"Gawin niyo na lang yang ginagawa niyo." sabay irap niya at umakyat sa kwarto nila ni Tao.
"Ano bang nangyayari dun?" Chanyeol.
"Oo nga, parang kanina lang ansaya saya niya tapos ngayon mukhang badmood?" Seohyun.
BINABASA MO ANG
The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]
Roman pour AdolescentsNatapos ang awayan, natapos ang developan, natapos sa ligawan at natapos sa naging sila. Pero un ang akala nila.... dahil diyan pa lng magsisimula ang...