Tao's POVs
"Mukang masaya ah. Pwedeng sumali?"
⊙﹏⊙
*dug dug dug*
"SOOYOUNG!!" sigaw nilang lahat at ngumiti siya.
Totoo ba toh? Hindi ba ko nananaginip? Totoo bang nandito na siya? Talaga bang nagbabalik na siya? Hindi niya alam kung gano niya ko pinasaya. Namiss ko siya, gusto ko na siyang yakapin.
Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Namiss kita. Sooyoung." Sabi ko sa kanya habang yakap ko siya pero hindi parin siya yumayakap sakin.
Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kanya at hinawakan ang balikat niya. Nakatingin lang ako sa mga mata niya at siya hindi makatingin sa mga mata ko.
"Sooyoung, matagal kong hinintay yung araw na makita at makasama kita ulit." Sabay yakap ko ulit sa kanya.
"Sobrang saya ko na nandito ka na." Tuwang tuwa na sabi ko at dahan dahan niya kong tinulak palayo at ngumiti.
"Ahh.. naiintindihan kita Tao." Sabay ngiti niya ng pilit at parang nagaalinlangan siya.
"Sooyoung! I cant believe na nandito ka na!" Manghang sabi ni Sunny at hinahawak hawakan ang katawan nito.
"Oo nga hindi mo ba alam na pinagalala mo kami!" Sabay lapit rin ni Jessica at hinawakan ang kamay nito.
"San ka ba nagpunta?" Tanong naman ni Taeyeon sa kanya.
Oo nga, san siya nagpunta nung panahon na wala siya dito? At ano ang dahilan niya bakit siya umalis?
"Guys, good question. May narealize ako nun na hindi ko kayang sabihin kaya umalis na lang ako."
Sagot niya at napataas ng kilay ang mga babae at kami namang mga boys napakunot ang noo. Ano ang ibig niyang sabihin? Hindi ko siya maintindihan? Anong na realize? Bakit bigla akong kinabahan?
"Deretsahin mo na nga kami! Pabitin pa eh." Reklamo ni Hyoyeon at ngumiti si Sooyoung.
"Guys may papakilala ako sa inyo." Sabay dungaw niya sa may pinto at parang may pinapapasok.
Lahat kami ay nakaabang sa papasok sa pinto. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
May biglang pumasok na kasing height ko na lalaki at nakangiti ito samin. Ewan ko pero biglang may naramdaman ang puso ko.
Lumapit si Sooyoung dun sa lalaki at kumapit sa braso. Yung lalaki naman inakbyan si Sooyoung na kinagulat ko at ng iba rin. Gusto kong suntukin yung lalaki at hilahin si Sooyoung palayo. Sino siya para akbayan ang girlfriend ko?
"Hoy-"
"Guys!" Naputol ang sasabihin ko dahil nagsalita ulit si Sooyoung at hindi ko na kaya dahil ngayon naman holding hands na sila.
"Siya nga pala si Luke, fiance ko."
⊙﹏⊙
Para akong nanigas, nabingi, hindi ko marinig yung sinasabi nila. Pakiramdam ko tumigil ang oras nang marinig ko yun.
Anong fiance ang sinasabi niya? Hindi siya pwedeng magkaroon ng fiance, boyfriend niya ko. Ako ang boyfriend niya at hindi sila pwedeng maging sila!
HINDI!!
Napakuyom ang kamay ko at sumugod dun sa lalaki at agad kong sinuntok sa muka na kinagulat lalo ng lahat.
"Tao!!" Sigaw nila at inawat ako ni Chanyeol at Kris.
BINABASA MO ANG
The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]
Teen FictionNatapos ang awayan, natapos ang developan, natapos sa ligawan at natapos sa naging sila. Pero un ang akala nila.... dahil diyan pa lng magsisimula ang...