Chapter 59: Welcome Home

1K 46 17
                                    

Yoona's POVs

Lahat ay naghahanda para sa welcome party para kala Yuri at Baekhyun kasi ngayong araw na sila uuwi. Gusto namin na maging special ito sa kanila.

Kasama ko si Luhan ngayon para mamili sa mall ng mga kailangan sa pagkain at sa ilang bagay sa party.

Pumunta kami sa supermarket para bumili ng mga kailangan sa pagkain at ilang mga bagay na kailangan pa. Pagkatapos namin mamili, nagpahinga muna kami sa isang coffee shop.

"Kompleto naman." Bulong ko habang tinitignan ko ang mga pinamili namin kung may kulang ba o wala.

Habang ginagawa ko yun pakiramdam ko may nakatingin sakin pero hindi ko na lang pinapansin.

"Yoona." Tawag sakin ni Luhan at tumingin ako sa kanya.

"Bakit?" Takang tanong ko sa kanya.

"im sorry, kasalanan ko." Sabay yuko niya.

Hah? Sorry? Bat siya nagsosorry? Wala naman siyang ginawa saking masama ah. Actually, ang bait bait niya parin sakin kahit na... na mas pinili ko si Sehun keysa sakanya.

"Yoona, kasalanan ko kung bakit ka nasaktan. Kung hindi ko sana hinayaan na agawin ka sakin ni Sehun."

Bigla akong napasimangot sa sinabi niya. Sinisisi niya ang sarili niya. Kasalanan ko naman talaga, ako ang may kasalanan. Hindi siya.

"Hindi mo kasalanan, wag mong sisihin ang sarili mo."

"im sorry Yoona, pinatawad ko na rin si Sehun dahil naaawa ako sa kanya hindi ko siya matiis kasi tinuring ko na siyang kapatid.

Medyo nagulat ako don pero naintindihan ko naman siya. Alam kong hindi niya matitiis si Sehun tsaka hindi dapat ako ang maging dahilan kung bakit masisira ang pagkakaibigan nila. Dumating ako sa buhay nila na magkaibigan na talaga sila.

"Ayos lang, i understand. Alam ko yang pakiramdam na yan." Sabay ngiti ko sa kanya at hinawakan niya ang kamay ko.

"Pero may sinabi ako sa kanya bago kami magkaayos, actually matagal ko nang sinabi sa kanya yun."

Bigla naman akong na curious sa sinabi niya. Ano un? Tungkol saan?

"Ano un?"

"Sinabi ko na kapag sinaktan ka niya babawiin kita. Yoona binabawi na kita."

Nagulat ako at napanganga as in nga nga talaga. ano?! Binabawi na niya ko? teka? Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam ang gagawin ko. Natataranta ako.

"Yoona, wag kang magalala. Hihintayin kita. Handa akong maghintay na mahalin mo ko ulit." At lalong humigpit yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Luhan."

"Tayo na, baka hinihintay na nila tayo." Sabay kuha niya ng pinamili namin at tumayo.

Sumunod na lang ako at hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi niya. Naguguluhan na nalilito na ko. Yung puso ko at utak ko nagtatalo. Wala akong maintindihan sa kanila. Di ko malaman kung sino ang papanigan ko kasi miski sila natataranta. Ano ba naman toh.

---------

Seohyun's POVs

Iwewelcome namin sila Baekhyun at Yuri kaya lahat kami dito ay naghahanda na ng bongga. Ang napatoka sakin ei, ang pagaayos ng table sa garden kaya eto ako ngayon nagaayos. Mabuti na rin na busy ako para di ko maiisip yung nangyari nung nakaraang linggo.

Yung sinabi ko sa kanya na wag siyang magpakasal. Grabe, hiyang hiya na kinakabahan ako nun. Teka? Kakasabi ko lang wag isipin iniisip ko naman. Tsk! Seohyun naman ei. Forget about it.

The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon