Hyoyeon's POVs
"Teka! ano ba tong ginagawa mo Hyungsuk? bat may blindfold pa?" tanong ko kay Hyungsuk. Paano nilagayan ng takip ung mata ko tas parang ang hangin dito sa place ko ngayon.
"Okey eto na. 1 2 3!!" Sabay tanggal ng panyo sa mata ko.
(⊙o⊙)?
"Wow!!"
Ang ganda nasa rooftop kami tapos pinuno niya ang buong paligid ng roses tapos may upuan sa gitna na nasa ilalim ng arch na gawa rin sa roses. Ang ganda.
"Halika umupo ka doon." Pinaupo niya ko at pagkaupo, lumuhod siya sakin at inabot ang isang boquet na pink roses.
"Hyoyeon, please be my-"
"Hoy!" Napatingin ako sa biglang sumigaw at si Suho pala. Ewan ko ba para akong nabuhayan ng nakita ko siya.
"Anong ginagawa mo dito?" Sabay tayo niya at hinarap si Suho.
"Diba sabi ko, ipaglalaban ko siya at liligawan ko siya ulit."
"Ano ngayon? Pwede ba umalis ka na dito." Napatingin ako kay Hyungsuk ng sinabi niya yun kasi iba na ung tono ng pananalita niya.
"Sige aalis ako." Sabay lapit niya sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Kasama siya."Hindi na ko mapakali sa dalawang toh feeling ko parang may mangyayaring hindi maganda. What to do?!
"Huh! Tingin mo papayag ako. Sakin siya, iniwan mo na siya kaya akin na siya." Napatingin ako kay Hyungsuk.
"Bakit? Hindi ba pwedeng balikan-"
"Ano toh, laruan pwede mong balik balikan."
Bigla ako nanlambot sa sinabi ni Hyungsuk dahil may point siya, sinuko niya ko, sumuko siya tapos eto siya bumabalik.
"Bakit ikaw ganon karin naman ah
Iniwan mo siya at ang malala nanloko ka pa." Sumbat naman no Suho."Wag kang mandamay ng past. Past is past."
"Isasama ko siya sa ayaw at sa gusto mo, hindi mo siya pagaari."
"Huh! Suho! Hindi mo rin siya pagaari kaya wala kang karapatan!"
"anong walang karapatan, pwede ba hayaan mo na siya sakin!" Sabay hili ni Suho sa kamay ko.
"No way! Mamamatay muna ako." Sabay hila naman ni Hyung Suk.
"Huh! Matigas din mukha mo ah." Sabay bitaw niya sa kamay ko at sinuntok si Hyungsuk na kinagulat ko.
At ayun nag suntukan na ang dalawa. Puta! Anong gagawin ko? Bat kasi humantong sa agawan portion. Kasalanan ko rin toh ei, hindi kasi ako umiimik.
"Wala kang kwenta!!"
"Huh! Fuck you!"
Sigaw nila habang nagsusuntukan. Hindi ko na kaya tong nakikita ko. Nagaaway sila dahil sakin? Mga tanga talaga. Bwisit!
"Tamana!!!" Sigaw ko at napatigil naman sila.
Ayoko na nang ganto, panahon na siguro para itigil na ang kabaliwan na toh. Ayoko na. Mga baliw sila kasama na rin ako. Kasalanan ko toh. Kailangan ko nang ayusin toh.
"Hyungsuk, tayo na." Sabay hila ko kay Hyungsuk at iniwan ko si Suho.
Suho's POVs
"Hyungsuk, tayo na." Sabay hila niya kay Hyungsuk at umalis.
Hindi ako makapaniwala na gagawin niya yun. Ibig sabihin ba nun mas gusto na niya si Hyungsuk keysa sakin? Ayun ba yun? Mas mahal na niya si Hyungsuk?
BINABASA MO ANG
The Clash of EXO and Girls Generation [Book 2]
Teen FictionNatapos ang awayan, natapos ang developan, natapos sa ligawan at natapos sa naging sila. Pero un ang akala nila.... dahil diyan pa lng magsisimula ang...