XXXIV. I Fell So Deep
Nakaligtas na kaming lahat mula kay Klaus pero bakit hanggang ngayon pakiramdam ko ay may panganib na parating? I didn't doubt Klaus' words that he will never bother us again but I have a feeling that he's not the enemy here.
Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ba ako nag-aaksaya ng oras sa pag-iisip ng walang kwentang bagay? Payapa na ulit ang lahat dito sa syudad. Lahat ng nilalang ay normal na ulit sa dati. Mukhang ako lang yata ang nagbabago.
Ilang Linggo na lang kasi ay mapapasama na ako sa puno. It's the day where I'll sacrifice myself for this world that I learned to love. Ilang beses kong sinabi sa sarili ko na handa akong ibuwis ang buhay ko para dito pero habang papalapit ang araw ay nadadagdagan ang kaba ko.
Naputol ang aking pag-iisip nang marinig ko ang pagkatok mula sa pinto ng aking kwarto.
"Flavia,"
Kumabog ng mabilis ang aking puso nang marinig ko ang boses ni Nicolai. Simula nang makaligtas kami ay hindi pa kami nakakapag-usap nang maayos. Hindi ko magawang sabihin sa kanya na handa akong sumapi sa puno. Alam ko kasing ayaw niyang mangyari 'yon base sa sinabi niya kay Klaus noon na mas gugustuhin niyang sabay kaming mawala para walang maiiwan at mang-iiwan.
Hindi na niya hinintay pa na bigyan siya ng pahintulot na pumasok dahil binuksan na niya ang pinto. He looked fresh and handsome while wearing a black shirt and grey fitted jeans. His fringes were clipped back as usual. The wounds that he got from Klaus were all gone now.
"You've been locking yourself the whole day. Do you have a problem?" Umupo siya sa aking tabi. Pareho na kaming nakaupo ngayon sa gilid ng kama.
"W-wala naman akong problema. Wala lang talaga ako sa mood na lumabas," pagsisinungaling ko sa kanya. "Ikaw? Wala ka bang aasikasuhin na trabaho ngayon sa palasyo?"
Umiling siya. Hinawi niya ang buhok sa aking pisngi gamit ang kanyang kamay. He was staring intently at me. I felt like I'll melt in an instant. "Madami akong trabaho pero mas mahalaga ngayon na makita kita. Ilang araw na kitang hindi nakakasama nang matagal. I'm sorry if I don't have much time to spend with you."
I opened my mouth to speak but closed it again after thinking that this is not the right time to tell him about what will happen after three weeks. Ayokong sirain ang moment na ito. Gustong-gusto ko siyang makasama kaya hindi ko muna sasabihin sa kanya ang binabalak ko. Ayokong makita siyang malungkot. Sasabihin ko na lang sa kanya kapag wala kami sa ganitong sitwasyon.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako patayo. "Come, I'll show you something."
"E-eh? Pagbihisin mo muna ako," Nakapantulog pa rin kasi ako hanggang ngayon. Nakasuot lang ako ng pink pajama at white shirt. Isama pa na nakatapak lang ako.
"No need. You're still beautiful even though you wear a garbage bag." He smiled.
Uminit ang aking pisngi dahil sa kanyang sinabi. Ano bang nakain ni Nicolai at sinabi niyang maganda ako? Samantalang noong Acquiantance Party, sinabihan niya akong panget. Meh.
Lumabas kami ng kwarto. Napasigaw na lang ako nang buhatin niya ako na bridal style sabay tumakbo nang mabilis na halos hindi ko na makita ang paligid namin.
Wala pang ilang minuto ay tumigil na kami. Ibinaba na niya ako. Tumingin ako sa paligid. Halos wala akong makita dahil sobrang dilim. May kaunting sinag ng buwan na lumalagpas sa dikit-dikit na dahon at sanga ng puno pero hindi sapat 'yon para makita ko ang kabuuan ng paligid.
"Nasaan tayo?"
Hindi siya sumagot pero ramdam kong nasa harapan ko lang siya.
"Hey, Flavia," Kumabog ang aking dibdib dahil sa malumanay at malamig na boses ni Nicolai. He uttered two freaking words but it seems like it holds too much feelings. "I can't say it to you face to face so I wanted to be in the dark. I don't want you to see how flustered I am right now,"
BINABASA MO ANG
The Somnambulist
Vampire{Parallel World Series #1} Flavia is afraid to sleep. She'd rather keep herself awake than experience her worst nightmares. Bata pa lamang siya ay nakakaranas na siya ng sleepwalking pero mas lalo itong lumala nang tumungtong siya sa edad na labing...
