Chard P.O.V.
"Huwag ka magagalit... Huwag ka magagalit... Malapit na ako mahal ko." Sambit ko sa sarili, habang humahangos sa kakaripas sa pagtakbo. May usapan kasi kami ng mahal ko na magkikita sa school ground.
Ako si Richard. 3rd year college. Tourism Management student. simpleng nagmamahal, 2 years na kami ng girlfriend ko, Si Patricia.
Masaya ako sa'kanya, Masaya kami sa isa't isa.Malayo pa lang tanaw ko na siya. Nangingibabaw kasi ang ganda niya sa mga tao na nakapaligid sa'kanya, maputi, naka make-up pero hindi halata, unti-unti nitong tinatanggal ang pagkakatali ng kanyang buhok. Para akong nanunuod ng advertisement sa TV. Slow motion na winawagayway ng babaeng model ang buhok niya.
"Aray!" May biglang tumama sa akin na nagpabalik sa'kin sa realidad.
"Tumingin ka naman pre sa dinadaanan mo!" Galit na sabi ng estudyanteng nabunggo ko, habang pinupulot nito ang tila project na tumilapon ng magkabanggaan kami.
"Pasensiya na pre, nagmamadali lang" paghingi ko ng tawad sa nangyari.
"Okay lang. Buti na lang hindi nasira." Inis pa rin niyang sagot, sabay lakad papalayo.
Ilang hakbang na lang ang layo ko kay Trish, nang mabatid kong may kasama ito. Si Charmaine. Business Admistration student. Kilala ko siya, minsan ko na rin kasi siyang nakasama sa isang outreach program noong first year kami. Pero matapos noon hindi na muli nag krus ang landas namin sa ibang school activities.
Bakit kaya magkasama sila? Hindi naman sila magkaklase. Tanong ko sa sarili.
Nang makita na nila akong papalapit, tumayo na si Charmaine.
"Sorry kanina ka pa?" Salubong na tanong ko kay Trish habang hinihingal pa.
"Hindi naman." Nakangiti nitong sagot. "Si Maine nga pala." Itinuro niya ang babaeng nasa kanang bahagi ng likuran niya.
Ngumiti lang ito at tumango sa akin, sabay alis ng wala man lamang sinasabing kahit na ano.
Bumalik ang tingin ko kay Trish. "So tara! saan tayo?" Tanong ko dito. Kumibit lang siya ng balikat na tila walang ideya. "Maaga pa eh, so movie?" Muli kong tanong habang pinagbubuksan siya ng pinto ng kotse.
"Parang wala akong matandaan na magandang showing ngayon eh." Sagot niya bago ko tuluyan isara ang pinto nito.
"Sige kain na lang tayo." Sabi ko habang nagmamaneobra papalabas ng parking lot ng University.
"Uwi na lang tayo." Simpleng sagot niya.
Ihinatid ko lang si Trish sa kanila. Hindi na ako bumaba pa doon at nagtagal, kapansin pansin kasi na masama ang pakiramdam ng mahal ko, kaya minarapat ko na lang na hayaan muna siyang magpahinga at dumiretso na rin ako ng uwi.
Sa bahay, maagang dumating ang kapatid ko. Si Dorizza. Iisa lang kame ng university na pinapasukan. Human Resources Management naman ang kinukuha niya. 11 months lang ang tanda ko sa kanya, kaya para lang kaming tropa. Hindi ko rin inda ang pagkawalay kay mommy dahil mahilig at masarap magluto itong kapatid kong ito. High school pa lang kami ng madistino si mommy sa Canada, habang si dad naman seaman, mas madalas namin siyang nakakasama kasi twice a year siya kung umuwi.
"Kuya paki naman ang door please." Pakiusap ni Riz sa'kin habang busy siya sa kusina. "Baka si Franco na yan." Nabaling bigla ang tingin ko sa'kanya na kanina lang tutok na tutok sa basketball na pinapanood ko sa TV. Who the hell is Franco? Ngayon lang yata ulit ako nakarinig ng lalaking pangalan sa bibig ng kapatid ko after niyang ma-broken hearted sa rumored boyfriend niya nung high school. "Kuyaaaa!" Natataranta niyang ulit habang sinesenyas ang pinto na dalawang beses ng may nag door bell.
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...