Chard P. O. V."Seriously Dorizza?!? Ano to? Joke? Pinaglalaruan mo sarili mong kapatid?!" Nanggagalaiti kong sabi kay Riz matapos nitong maisarado ang pinto ng magiging kwarto namin. Dapat talaga ay si Franco ang makakasama ko sa kwarto subalit ipinaalam ko kay Nana Maryan, yoong matandang babaeng unang sumalubong sa amin kanina pagbaba namin ng van na siyang lola ni Joey, na kapatid ko nga si Riz at nais ko itong matutukan habang narito kami sa bacolod. Pero ang totoo talaga ay nais kong makausap ng sarilinan itong kapatid kong ito. "Baka gusto mong magpaliwanag!"
"Kuya kalma na! Sorry okay! Akala mo hindi ko napapansin? Napaka distracted mo mula noong nagkaproblema kayo ni Maine, palagi kitang nahuhuling ang lalim lalim sobra ng iniisip and it bothers me a lot! Sana naman maintindihan mo!" Paliwanag nito.
Padabog kong inilapag ang bitbit kong knapsack. "I'm flying back to manila bukas na bukas din! It's up to you if you'll stay here." Mataas pa rin ang boses ko.
"Kuya naman!" Lumapit ito sa akin at hinawakan ang magkabila kong kamay. "Kuya.. Nagkagalit kayo before pa maging kami ni Franco, eh turning 3 weeks na kami oh, don't you think it's time for you to apologize?"
"Kaya ikaw ang gumawa ng move para sa akin? Hindi mo man lang naisip if ready na ba ako or not?"
Nagtaas na rin ito ng boses. "Don't you hear yourself kuya? Ikaw ang may kasalanan sa tao pero bakit ikaw pa ang allergic na allergic makasama si Maine?"
Pasagot pa lang sana ako ng may kumatok sa pinto.
"Guys breakfast is ready!" Pinagbuksan ni Riz ang nasa labas ng pintuan namin. "Tara! Nauna na sila doon." Sabi nung Joey.
Doon kami dinala ni Joey sa isang napakalaking gazebo sa gilid ng malapalasyong ancient house nila, tulad ng binanggit niya kanina ng sunduin niya kami ni Riz sa kwarto ay naroon na nga't nakaupo sila Maine at Franco, maging si Nana Maryan at ang lalaking sumundo at nagdrive sa amin mula sa airport ay naroon na ri't kumakain. pumwesto na rin si Joey sa bakanteng upuan sa kabilang gilid ni Maine, bagama't napakahaba pa ng lamesa ay dalawang upuan na may nakahanda ng plato at kubyertos na lamang ang bakante, paupo na dapat ako sa pinakadulo subalit agad akong inunahan ni Riz upang siguro'y katapat nito ang nobyo niya, so wala na akong choice kundi maupo sa tapat ni Maine.
"Nana sasamahan na lang daw ni Maine si Franco sa kwarto." Sabi ni Joey sa kalagitnaan ng tahimik naming pagkain.
"Hija alam mo ang rules natin sa tuwing may mga bisita, pinagbigyan ko lang ang dalawang yan tutal ay magkapatid." Sagot ng matanda habang itinuturo kami ni Riz. "Isa pa ilan pa nga ang mga bakanteng kwarto diyan, bakit kailangan mag-share pa ng kwarto?" Pagpapatuloy nito.
"Nana hindi ko po nasabi na magkapatid din ho itong dalawa ampon nila Franco itong si Maine." Pangungumbinse nitong si Joey. Alam ko namang totoo ang sinasabi nito ngunit hindi naman na doon nakatira si Maine kanila Franco bakit kailangan pa ngayon magsama sa kwarto?
"Mga batang to' kayo na nga ang bahala." Nangungunsumeng sabi ni Nana Maryan. Maya maya pa ay ramdam kong maimtim akong pinagmamasdan ng matandang babae gayon din kay Franco. "Hija kay gwagwapo ng mga kaibigan mong lalaki, sino sa kanila ang nobyo mo?"
Halos mabilaukan ako sa itinanong ng matanda sa apo niya pero hindi ko naman iyon pinahalata. Kung tutuusin ngayon ko lang talaga nakasama si Joey at nakilala, nababanggit lang siya noon ni Maine sa mga kwento. Hindi ko maiwasan tumingin kay Maine, natawa rin ito sa narinig, ibang iba talaga ang mga ngiti ng taong ito na maging ang mga mata niya'y nakikigalak din. Alam kong dama niyang tinititigan ko siya ngunit hindi nito magawang tumingin sa akin.
"Nana! Nakakahiya! Wala po akong boyfriend alam niyo naman yan." Nahihiyang sita ng apong si Joey sa lola niya.
"Nana hindi niyo pa rin ho ba tanggap na tomboy yang apo niyo?" Tawang tawang sabi ng lalaking katabi ko. "A-aray!" Aniya sabay himas ng kamay sa tuhod nito. Marahil ay sinipa siya ni Joey mula sa ilalim ng mesa.
"Husto na na!" Sabi ng matanda na hindi ko alam ang ibig sabihin.
"Ah babe si kuya Joshua pala kapatid ni Joey." Sabi ni Franco sa kapatid ko.
"Hi po!" Dinungaw ni Riz ang lalaking nasa kabila ko.
"Hi! Babe!" Antipatikong bati nito sa kapatid ko.
"Wag kang flirt! Boyfriend niya oh!" Tinuro ni Joey si Franco gamit ang hawak nitong tinidor.
Hindi ko maiwasan muling mapasulyap kay Maine, nangingiti ito pero nakayuko naman at nang itaas niya ang mukha ay doon naman siya napatingin sa lalaking katabi ko kaya hindi ko rin napigilang tignan ang kapatid ni Joey, tsempong lingon ko ay kumindat ito kay Maine bagay na ikinasalubong ng kilay ko.
Hindi naalis ang tingin ko sa lalaki napansin kong may lumipad dito na bagamat maliit ay kitang kita pa rin na tumama sa mukha niya. "Tigilan mo na mga kaibigan ko!" Sabi ni Joey, ito siguro ang nangbato sa kapatid.
"Bakit may boyfriend ka na rin ba?" Tanong ng lalaki kay Maine.
Akma na sanang iiling ito ng bigla na naman nagsalita si Joey. "Magkakaroon pa lang! Kaya wag ka na diyan."
Napatingin ako kay Joey sandali dahil sa narinig ko, pero maya maya lang ay itinawid ko ang tingin papunta sa katabi nitong si Maine. Salamat sa Diyos at sa wakas ay nagtama rin ang paningin naming dalawa na siya namang binawi niya agad ng mahuli ko ang tingin niya.
Matapos kumain ng almusal ay kanya kanya muna kaming pahinga, pinagpatuloy namin magkapatid ang diskusyon na naudlot kanina. Nakumbinse naman ako nito na manatili at maging ako ay napagtanto na kailangan na ngang gumawa ng hakbang upang makahingi ng tawad dito. Kung paano ay hindi ko alam.
Nakarinig kami ni Riz ng ingay mula sa labas at nang lumabas kami ng kwarto upang tignan ay nakita namin ang mga bagong dating din na grupo ng kalalakihan na sa tantiya ko ay kaanak din nila Joey.
"Woooohw! Chicks pre." Sabi ng isang lalaking kabilang sa mga bagong dating. Nagtinginan naman ang mga kasama nito kanila Riz at Maine sa sinabi niya. Kitang kita ko kung paano tignan ng mga ito ang kapatid ko mula ulo hanggang paa na kasalukuyang nakasuot ng napakaikling maong shorts na mas mahaba pa ang bulsa kumpara sa laylayan nito na tastas tastas na tinernohan niya ng maluwang na sando na kung tawagin ng mga kababaihan ngayon ay Crop Top.
Pinagbabatukan ni Joey ang mga lalaki. "Mga manyak! Mga tropa ko yan!" Isa-isa kaming itinuro ni Joey. "Si Chard, kapatid niya si Riz, boyfriend ni Riz si Franco, bestfriend ni Franco si Maine." Lumingon naman si Joey sa amin. "Guys mga kolokoy ko na pinsan."
"Oy mga loko akin na to ha!" sabay turo nung Joshua kay Maine.
At dahil taken na ang kapatid ko, Malalagkit ang tingin ng mga ito kay Maine na tila binalewala ang sinabi ng pinsan nilang si Joshua, tama kaya ang naging desisyon ko to stay?
#BOTEonwattpad
on twitter and instagram
Follow me! Vote and Comment
ALDUByou!
God'bless!
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...