Kinabukasan, tama nga si Joey ikinapagod nga namin ang araw na ito. Pinaakyat lang naman niya kami ng pitong talon! Yeah! 7 falls! Pero sulit naman, matagal tagal na rin akong walang hiking eh, si Riz hindi kinaya sabi na nga ba at mahina ang katawan nito sa mga ganoong activities ikaapat na falls pa lang sumuko na siya, wala tuloy choice ang boyfriend niyang si Franco kundi samahan na lang siya doon, kaming tatlo na lang ni Joey at Maine ang tumuloy, matapos makaakyat sa pinakamataas na falls ay agad din kaming bumaba upang balikan ang dalawa, nangunguna si Joey sa pagbaba sunod ako at panghuli si Maine, maya't maya ko itong nililingon upang alalayan sa tuwing mahihirapan siya, yun lang ang mga pagkakataon nagkakadikit kami pero hindi niya ako kinakausap o tinitignan man lang. Sa huling pagkakataong lumingon ako ay hindi ko na ito nakita."Joey!" Sinubukan ko itong tawagin pero malayo layo na siya at baka hindi na ako narinig.
Bumalik ako upang hanapin si Maine hanggang sa inabutan ko itong nakaupo yakap ang dalawa niyang tuhod.
"O ano nangyari? Kasunod lang kita ah!" Tanong ko sa kanya.
Umiiling ito at kita ko ang mga mata niyang puno ng takot. "Hindi ko kaya." Naiiyak na ito.
Hindi ko man maintindihan dahil napakatapang at lakas naman nito habang pumapanik kami kanina, pero ngayong pababa na ay bigla siyang nagkaganito. "Nalulula ka ba?" Tanong ko. Subalit hindi na ito sumasagot at itinungtong pa niya ang noo sa magkadikit niyang tuhod. "Halika." Hinila ko siya. "Huwag ka matakot, wag ka na lang tumingin sa falls, sa dadaanan mo na lang." Hindi ko siya binitawan. Nais ko na nga sanang buhatin ito ngunit baka ikapahamak pa naming dalawang.
"Maine!" Napatayo si Franco ng makita kami nito tila kanina pa sila naghihintay at nagalala ng bumalik si Joey na hindi pa kami kasama.
Tumakbo si Maine sa kanya at yumakap ng napakahigpit.
"Shh tama na." Sabi ni Franco sa kaibigan.
"Kuya ano nangyari?" Takang takang tanong ni Riz.
"I don't know, bigla siya humin--"
"Acrophobic siya." Sabi ni Franco.
Nang mahimasmasan ay pinagpatuloy na namin ang pagswimming, aminado ako sa nangyari kanina ay buong akala ko na okay na ang lahat sa pagitan namin ni Maine, ngunit nakauwi na kami lahat lahat ay hindi pa rin ako kinikibo nito.
Pagdating namin kanila Joey ay nagkakasiyahan ang mag-anak, may videoke at nagiinuman ang mga ito sa may Gazebo kaya naman ay nakisaya na rin kami dito. Lumalalim na ang gabi, gumawa ako ng paraan para makausap sana si Maine, sinubukan kong abutan ito ng makakain, kinuha naman niya ito pero tinignan lang niya ako saglit sabay ibinaling muli sa ibang mga kasama ang atensiyon niya.
Kumakanta si Joshua pero hinila ni Joey ang mic sa kapatid. "Sagwa ng boses mo!" Sabi niya sabay inabot sa akin ang mic.
Una ay nagaalangan pa ako pero nilakasan ko na rin ang loob, napatingin ako kay Maine pero sa iba ito nakatingin, sunod kong sinulyapan ang kapatid ko. Sinenyasan niya ako na ang dating sa akin ay Go kuya! Chance mo na yan magpakitang gilas. I cleared my throat at tuluyan na ngang itinuloy ang kanta ni Joshua.
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...