Babala! Asawa ni Babalu hehe
Wag niyo po ako isumpa sa mga magaganap ha! Kapit po!Chard's P.O.V.
Bigla na lang akong naalimpungatan, agad kong tinignan ang oras sa may alarm clock sa lamesa sa gilid ng kama ko, 5:41. Napapikit ako hindi dahil sa antok sabay hampas ng palad sa may noo ko, nakatulog ako kagabi sa gitna ng usapan namin ni Maine. Hinanap ko ang cellphone ko, ngunit wala ito sa madalas kong pagpatungan, sinubukan ko sa kama at nakita ko nga itong natabunan ng isa sa mga unan, agad kong tinignan at nakita ko ngang may unread message ako mula kay Maine.
Naligo na ako, nagbihis at nag-ayos, ilang minuto bago mag alas 7 ng bumaba na ako para umalis, wala pa rin si Riz sa baba marahil ay tulog pa ito. Sumakay na ako ng kotse at umalis. Dahil katabing village lang naman ang kanila Maine, 5 minuto lang ay naroon na ako sa may guard house nila, doon ko na siya inabangan at hindi ako nabigo, ilang minuto pa lang ako naghihintay ay natanaw ko na siyang naglalakad palabas, binusinahan ko siya ng malapit na ito sa pinagpaparadahan ko.
Lumapit ito at sumilip sa nakababang bintana ng passenger side. "Chard? Anong---?"
"Sakay na!" Utos ko dito na siya namang sinunod niya.
"Sinasabi ko sayo may pasok ako ha!" Babala niya.
"What time?"
"8!"
"Still have 1 hour to attend the mass."
"What? Baka ma-late ako!"
"Pababayaan ka ba ni Lord?" Hikayat ko.
Hindi na ito umangal pa, sinigurado ko naman na ang pinakamalapit na Church sa Ice cream parlor na pinapasukan niya ang pupuntahan namin.
"Subdivision to' nila Franco eh." Saad niya pagpasok namin sa isang neighborhood.
"What? Kanila to?" Biro ko.
"Loko! Ibig ko sabihin dito sila nakatira, hindi mo na ba matandaan?" Paliwanag nito. Oo nga pala kung saan niya ako dinala ng magpaka-as***le ako sa bar noon.
Tamang tama lang ang dating namin at nagsisimula pa lang ang seremonya, tutok na tutok talaga si Maine kaya naman nagseryoso na rin ako. Matapos ang misa ay dali dali ko na itong hinatid sa trabaho.
"Thank you Maine huh! See you tomorrow!"
"To-tomorrow? Ano meron?"
"Sa school di'ba?"
"Ah oo sa school, sige thanks!" Nagmadali na itong pumasok.
- - - - -
Isang linggo na ang makalipas ng magsimba kami dalawa ni Maine, halos araw-araw rin ay nakakasama ko na ito kahit panandalian lang dahil sa schedule niya, ngunit ang palitan namin ng text ay walang humpay, may kung anong saya sa akin kapag nangyayari iyon, halos hindi ko na nga naiisip at naaalala pa si Trish, si Maine na ang bumubuo ng araw ko. Day-off niya ngayong araw sa trabaho kaya naman nagplano kaming magsimba muli ng magkasama, sa pagkakataong ito 2nd mass ang inattendan namin dahil hindi naman na kailangan pang magmadali tulad noong nakaraan. Paglabas namin matapos ang misa tumungo si Maine sa isa sa mga nagtitinda ng kakanin.
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...