Chapter 29: Sweet Escape

54 10 1
                                    




Kauuwi lang namin mula sa pagiikot sa bacolod, never pa akong nakasubok na dumalo sa fiesta, kahit sa manila hindi ko pa naranasan iyon, kaya hindi man ako masyado umiimik at sunod lang ng sunod sa mga kasama ko ay sa loob loob ko sadya naman natutuwa, kaliwa't kanan ang paghahanda halos lahat ng major na kalye daw ay isinara para pagtayuan ng mga stage, sayang nga lang kasi kinakailangan na namin umuwi agad bago ang hapunan kaya hindi na namin inabutan pa ang mga activities na halos pasimula pa lang ng magpasya kaming umuwi.



Halos katatapos lang namin maghapunan, ngayon ay nasa likod bahay kami nila Joey nagpapahangin, parang mga batang naghaharutan ang magpipinsan nakikihalubilo na rin si Maine sa kanila, sila na nga halos ang nageentertain kanina buong pamamasyal namin habang tulad ko ay may sariling mundo ang kapatid ko at boyfriend niya.



Kasalukuyan akong nakaupo sa hagdan pababa sa garden ng bahay at pinagmamasdan lang si Maine na kasalukuyang masayang masayang nakikipagkulitan sa mga kalalakihan, bakit ko ba sinaktan ang isang napaka adorable na tulad niya?



"So nakapagusap na ba kayo ng kaibigan ko?" Nilingon ko ang nagsalita mula sa likuran, si Joey, tumabi na rin ito sa akin.




Umiling lang ako. "Hindi ko alam paano siya iaapproach." Sabi ko dito.




"Alam mo kahit magaling magtago yan ng nararamdaman, alam kong sobra siyang nasaktan." Napayuko na lamang ako sa narinig. "Nandun ako Chard nung panahong problemadong problemado siya paano pakikiusapan si Trish na tigilan na si Sam, nasasaktan siya para sayo." Hindi pa rin ako kumikibo.




"Gusto ko na nga sana siya makausap kaso iwas na iwas siya sa'kin ni tignan hindi ako magawang tignan niya."



"Ngayon ko lang yan nakitang nagtanim ng sama ng loob sa tao maliban sa parents niya, ibig sabihin ganun mo siya nasaktan, pero bilang kaibigan alam kong nagtatago lang yan ng feelings."




"Hey lovebirds masyadong seryoso! Sumali kayo dito!" Napatingin kami ni Joey sa sumigaw. Nakita na naming kumpleto na sila sa may gitna, maging sila Riz at Franco ay naroon na rin, lahat sila nakatingin sa amin hanggang sumenyas na nga si Joshua.




Agad kaming lumapit ni Joey, nagsimula ng mag-instruct si Joshua, simple lang ang laro, pipiringan lang ang taya at kailangan nitong makahawak mula sa mga nakapaligid sa kanya habang naglalakad ang mga ito paikot. Parang trip-to-jerusalem ikaw lang ang hahalili sa upuan. Nagsimula na ang laro wala kaming ginawa kundi humagalpak sa katatawa sa kaharutan ng magpipinsan tuwing may matataya at nang dumating na ang pagkakataong ako na ang taya ay inilagay na ni Joshua ang panyong pangpiring sa akin. Sh*t literal pala talagang blackout ang paningin mo. Itinaas ko ang aking dalawang kamay na parang zombie at nagsimulang maghanap ng mabibiktima, naririnig ko ang walang humpay nilang halakhak maya maya pa ay biglang may tumama sa katawan ko at nang maramdaman kong mahuhulog iyon ay agad kong sinalo, pagkakataon ko na rin para matapos na ang pagiging taya at kung sino man itong hawak ko ay siyang papalit sa akin, pagtanggal ko ng piring ay nakita ko si Maine, sapo pa rin ng kanang kamay ko ang batok niya habang ang kaliwa'y nasa tagiliran nito paikot sa likod.

Nagkatitigan kaming maigi, nangungusap ang mga mata nito, tila slow motion ang lahat, wala akong naririnig na hiyawan kung mayroon pa nga ba kaming kasama, siya lang at ako, kami lang dalawa, ayaw ko na sana itong itayo, napakagaan niya para ikangawit ko ngunit kailangan, nagsisimula na muling makarinig ang tenga ko ng mga ingay at nang tuluyan ko na nga itong itayo ay nagkadikit pa ang mga katawan namin halos dama ko na rin ang hininga nito sa sobrang lapit ng mukha naming dalawa, hindi nagpatinag ang mga mata ko at gayon din siya. Halos ganito na tayo noon bakit ko ba kasi hinayaan lamunin ako ng kapraningan?




Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon