Chapter 26: Acceptance

54 10 5
                                    



Pagpasok ko ng bahay ay doon lang ako nakahinga ng sobrang luwang as in napakaluwang! Napansin ko rin walang tao marahil ay nasa itaas na sa kanyang kwarto si kuya, kaya naman hindi ko na rin napigilang kiligin ng bongga!




"Iiiiiiiiiiiiiiihhhhhhhh!!!!" Sabi ko ng may panggigigil, pikit mata pa at close fist.




"Huy!" Napatigil ako ng marinig ang tinig ni kuya, pagmulat ko ng mga mata ay nakita ko ito sa may pinto ng banyo tuwalya lang ang nakapulupot sa pangbabang bahagi ng katawan nito na tila katatapos lang maligo.




"Ku-kuya! B-bakit diyan ka naligo?"




"Naisipan kong linisin tong c.r. sa baba kaya diretso ligo na rin. Anong nangyari sayo?" Tanong niya.




Isip Dorizza! Masyado pa bang maaga para sabihin o kailangan mo na ipagtapat ngayon din mismo? After all kuya mo dapat ang unang makaalam of all people.




Nakatingin ito sa akin tila naghihintay ng paliwanag ko. "Ano? Crush mo o boyfriend mo na?" Tanong niya. Pinadadali niya ba ang lahat sa akin o pinapahirap kasi natatakot ako sa magiging reaksiyon nito.




"H-ha?" Maang-maangan ko.




"Ewan ko sayo." Mahinang sabi nito habang umiiling iling at akma na sanang aakyat ito upang magbihis.




Wala na! hindi ko na napigilan ang sarili, napatakbo ako papunta sa kanya at napayakap dito. "Kuuuyaa." Lambing ko dito na may halong kilig. "May boyfriend na ko." Para akong batang paslit na nagsusumbong.




"Si Franco ba to?" Tanong niya.




Napatigil ako sa pagyakap upang tignan ang reaksiyon sa mukha nito. "Galit ka?" Tanong ko. Subalit ngumiti lang ito sa akin bilang tugon sabay hawak at haplos sa ulo ko na siyang bahagyang ikinagulo ng buhok ko hanggang tuluyan na nga itong pumanik sa kwarto niya.




Umakyat na rin ako para makapaglinis ng sarili at makapagpahinga, matapos maligo ay naalala kong tignan ang cellphone ko at may text ito mula kay Franco na may 30mins. Na rin ang nakakalipas.




Franco:
Bahay na po :) kain ka na! I love u!



Naalala kong hindi pa nga pala ako kumakain ng dinner. Si kuya ko kaya? Agad ko itong kinatok sa room niya para tanungin, nakakain na daw ito bago pa man ako makauwi.




Me:
Sorry! Now q p lang nacheck cp q
Kumain k na?





Maya maya lamang ay sa halip na magreply ito ay tumawag na siya ng diretso.



Isang gigil muna bago ko tuluyan sinagot ang tawag. "Hello?"





"Naninibago ka siguro noh?" Tanong ni Franco mula aa kabilang linya.




"Ha?" Hindi ko agad nakuha ang tinutukoy nito.




"Hindi ka pa sanay na may bf ka na kaya hindi mo na-check agad phone mo."




"Ah! Yun ba? Hehe oo eh at saka nagusap muna kami ni kuya and naligo ako."




"Wow! Mas lalo palang mabango girlfriend ko ngayon eh. So alam na ng kuya mo?" Aniya.




Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon