2 weeks na si Charmaine nakatira kanila Trish? Malalim kong iniisip habang nakatitig sa kisame ng aking kwarto. Napabalikwas ako. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at sinubukang tawagan si Trish. Walang sumasagot. Tanging boses lang ni John Legend na kinakanta ang theme song namin dalawa ng mahal ko, ang naririnig ko sa ring back tone niya. Hindi ako tumigil sa pag-dial hanggang sa ikatlong beses ay sinagot na ito ni Trish.
"Hello? Sino to'?" Nagulat ako sa sinabi niya.
"First time lang yata mahal na tinanong mo kung sino ako?" Iritable man, kalmado pa rin ako na nagtanong dito.
"Chard? Pasensya na. Hindi ko na tinignan ang caller eh" Rason naman niya sa'kin.
"Hon! Sino ba yan?" May nagsalita sa background niya na sigurado akong hindi boses ng lalaki.
"Ssshh. Si Chard to' wag ka magulo diyan" tinatakpan man ang mouth piece ng phone rinig ko pa rin ang pabulong niyang pagsita dito.
"Sino yan?!!" Napataas na ang boses ko.
"Aahh ehh--" hindi pa siya tapos magsalita, nakarinig ako ng commotion sa kabilang linya. Tila pinagaagawan ang hawak na cellphone ni Trish.
"Hello! Ano bang nangyayare?" Sumisigaw na ako sa sobrang pagka irita. Hanggang sa may nagsalita sa kabilang linya.
"Ikaw ha! Hindi ka na gusto nitong mahal mo! Ayaw na niya sa'yo! Iba na ang gusto niya! Kaya tigil tigilan mo na siya! Pwede?!"
"Hell! Sino ka ba? Ibigay mo nga ang telepono kay Trish!" pasigaw kong utos dito.
Natawa ito na lalong nagpairita sa'kin, sabay sabi "hindi mo ko kilala? Edi si Maine!"
"What the..?" Parang gumuho ang mundo ko. Kaya pala iba ang pakiramdam ko sa napapadalas na pagsasama nilang dalawa at kahit alam kong boarding house ang bahay nila Trish, may kung anong gumugulo sa'kin kung bakit hindi ko alam na doon nakatira si Charmaine sa kanila. Kung bakit hindi man lamang nabanggit ni Trish gayong araw-araw naman kaming magkasama.
"Hello? Hello Chard? Chard are you there?" Boses na ni Trish ang naririnig ko. "Chard I'm sor--" hindi ko na pinatapos pa ang pagsasalita niya at agad kong naitapon ang hawak kong cellphone.
"Aray!" Narinig ko ang boses ni Riz. Tinamaan yata siya ng hinagis ko. "Okay ka lang? Anong nangyayare?" Mababatid mo ang pagaalala sa boses niya. "Huy! Ano? Okay ka lang?" Hindi pa rin ako sumasagot sa tanong niya. "Hay nako! Nananaginip ka lang" sabi nito habang pinupulot ang unan na kanina'y tumama sa'kanya.
Hinanap ko ang cellphone ko. Naroon pa rin ito sa ibabaw ng lamesa kung saan madalas nakapatong.
"Hay! Tara! Bumaba ka na ng makapag-kape" ipinatong nito ang unan sa kama at lumabas na ng kwarto ko.
- - - - -
Habang naghihintay muli ako sa meeting place namin ni Trish nilapitan ako ni Charmaine.
"Hi!" Bati nito sa'kin. Tumango lang ako. Naalala ko na naman ang masamang panaginip ko kaninang umaga. "Uhmm thank you nga pala kahapon." Pasasalamat niya sa pagsabay ko sa'kanya kahapon. "Hinihintay mo ba si Trish?" Matagal bago ako sumagot kaya sumenyas na lang siya na mauuna na.
"Bakit dun ka nakatira?" Hindi ko na napigilan ang sarili.
Napatingin ito pabalik sa akin at tuluyan nang pumwesto sa tabi ko. "Nagkaproblema kasi ako dun sa dati kong tinutuluyan, nagkataon naman may pa-bed space sila Trish kaya ayun" nakumbinse naman niya ako sa paliwanag niya. "Bakit? May problema ba?" Siya naman ang nagtanong sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/50726618-288-k20174.jpg)
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...