Riz P. O. V.Tuluyan na ngang nagwalk out si Franco, inalalayan ko naman si kuya hanggang makauwi kami ng bahay. Kumuha ako ng panggamot sa sugat niya at ginamot ko ito. Tila napuruhan ni Franco ang labi ng kapatid ko.
"A-aray aray!" Sabi nito ng dampian ko ng bulak ang ibabang bahagi ng labi niya.
"Galit ako kay Franco kuya sa ginawa niya, pero hindi ko siya masisisi." Sabi ko dito.
"Alam ko." Sang-ayon nito.
"Yang sugat na yan? Maghihilum agad yan kung araw-arawin mong aalagaan ng gamot, pero yung sakit ng kalooban na iniwan mo kay Maine hindi basta basta ganon kadaling pagalingin yun kuya." Sermon ko dito.
"I know and willing naman din ako to apologize and to make it up with her." Kita ko ang sincerity sa mukha ni kuya. "Kaso hindi ko alam paano, just give me a little time to think din naman." Aniya.
Tumayo na ako matapos gamutin ang nguso ng kapatid ko. "Kahit ako galit sa ginawa mo!"
"Ang OA ng kaibigan mo! Nung nakaraan pa nangyari yon ngayon lang nanugod!"
"FYI wala siyang alam! Tinanong niya nga ko kung may idea ako what's going on between the two of you ni Maine kaya napatanong din ako sayo!"
Hindi na ito nakasagot at nanahimik na lang habang iniinda ang sugat na natamo.
Kasalukuyan na kaming kumakain ng dinner. Hindi ko pa rin maiwasan iopen ang nangyari. "So ikaw pala ang secretly na ina-admire ni Maine?" Napatingin lang si kuya sa akin. "Kuya alam mo bang may gusto si Franco sa bestfriend niya?"
"What? How many times Kitang tinanong tungkol sa bagay na yan and you denied it." Sabi ni nito.
"I know! Pero labas na kasi tayo don kaya wala akong karapatan i-share sa iba."
"So ano nangyari sa dalawa?"
"Well obviously busted si Franco though alam naman talaga niya from the start na may ibang gusto si Maine, ikaw nga diba kuya... ikaw!" Muli hindi na naman ito kumibo. Bakit ba nagpapaapekto ako sa mga taong ito? Matapos naming kumain iniwan ko na siya.
Lalaki nga naman! Urgh! Nasabi ko sa sarili pagkapasok ko ng kwarto.
Tinignan ko ang cellphone ko, ni wala man lang text si Franco. Ano dahil galit siya sa kapatid ko damay damay na? Napaka unfair! Hindi pa nga kami tapos sa unang issue may panibago na naman.
Kinabukasan linggo its just another ordinary day, almost lunch when my friend asked me if I want to go with them sa mall syempre before I go I make sure may makakain na ang kapatid ko once na maisipan nitong bumaba para kumain.
Shopping here and there which is malimit kong ginagawa kahit my credit card kami ni kuya, ngayon lang ulit, kasi nga stressed ako sa mga ganap, then after a tiring stroll around the mall, sa isang cozy coffee shop na lang kami tumambay. While sitting with friends I felt my phone vibrate kaya kinuha ko ito sa slingbag na gamit ko, napataas ang kilay ko noong una, pero may narealize ako sarili ko na lang ay lolokohin ko pa ba? Pinilit kong ikubli ang ngiting gustong kumawala sa mga labi ko ng makita ko ang sender.

BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...