Chard P.O.V.Nakarating na kami sa bar na tinutukoy ni Riz, sa labas pa lang ay napakarami ng tao siguro'y marahil ay friday night ngayon at maging ang mga parking space ay punuan.
"Go ahead! Hanap lang ako ng mapaparadahan." Sabi ko sa kapatid.
"You sure? Sabay na tayo, okay lang naman." Sagot nito.
Pinagpatuloy namin ang paghahanap ng parking space sa paligid ng mga club. "Riz wala naman problema mag-boyfriend ka pero wag lang sa nakilala mo sa ganitong lugar ha!" Bigla kong nasabi dito.
"What? Okay ka lang ba kuya?" Confused na tanong nito.
Hindi pa rin kami makahanap ng mapaparadahan. "Sige na mauna ka na sunod ako." Utos ko dito. Sumunod rin naman ito at bumaba na.
Matapos kong makahanap ng paparadahan ay agad din akong sumunod kay Riz. Pagpasok ano pa nga ba ang aasahan kundi kaliwa't kanang party goers, hindi ko mahanap ang kapatid sa dami ng tao kaya naman dumiretso na lang ako at nagsolo sa may Bar.
"Oh my God Richard?" May katagalan na akong nag-iisa ng may nagsalita na babae sa tabi ko, nang tignan ko ito hindi ko matandaan kung kakilala ko ba siya. "Hi I'm Monica."
Nakipagkamay ako dito. "Hi.. So how.. I mean paano mo ko nakilala?"
Natawa ito ng bahagya. "You're too focus sa girlfriend mo kaya wala kang time kilalanin nasa paligid mo, we're actually in the same course ibang block nga lang ako." Aniya.
"I see." Yun lang ang nasabi ko. Hindi ko na gaanong naintindihan ang mga sumunod nitong nasabi, pagkat napatingin ako sa bandang likuran niya at natanaw ko si Riz nakapwesto sa isa sa mga couch at may kasama. "I'm sorry, would you mind to excuse me for a minute?" Agad kong pinuntahan ang kapatid.
"Riz!" Sabi ko ng makarating sa pinagpwepwestuhan niya.
"Kuya! Sorry I've been waiting for your call, kanina ka pa?" Paliwanag nito.
Napatingin naman ako sa mga kasama nito hindi nga ako nagkamali kanina kahit nasa malayo pa si Franco at si...
"Go kuya! Don't spoil the night have a seat." Sabi ni Riz.
"Join us po!" Ika naman ni Franco. Si Maine naman tahimik lang sa isang sulok. Umupo na rin ako.
"Hi Richard!" Bati ng apat na kababaihan.
"Uhmm girls.. Can't you see? He's with us oh! Now go to hell." Taas kilay na sabi ni Riz. Agad din namang nagalisan ang mga babae habang nakanguso ito sa sobrang upset.
"Dorizza!" Sita ko dito.
"Sorry! Freaking bitch kasi."
Napailing na lang ako at nagsimulang uminom. Matagal tagal na rin kaming nakaupo at umiinom pero si Riz at Franco lang ang nagkwekwento, nakikinig lamang ako sa mga ito, habang si Maine ay wala pa rin kibo.
Maya maya lang napansin kong kinakausap na ni Franco ang bestfriend na si Maine at mukhang masinsinan ang usapan ng mga ito sapagkat kahit anong ingay ng paligid ay mahinahon at pabulong itong naguusap, hindi tulad nung sila ni Riz ay halos nagsisigawan na magkarinigan lang.
"Tara let's dance!" Hinila ni Riz si Franco. "Kuya c'mon!" Tumango lang ako sa kanya.
Kami na lang ngayon ni Maine ang nasa table, hindi pa rin ito nagsasalita, may problema kaya ang taong ito sa akin? Ilang minuto rin kaming umiinom ng hindi nagkikibuan. Hindi ko natiis at napatingin ako dito at sa hindi inaasahang pagkakataon nagtama ang mga paningin namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/50726618-288-k20174.jpg)
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...