Chapter 27: The Plan

54 10 0
                                    




May 2 weeks na ang nakalilipas since maging official boyfriend-girlfriend kami ni Franco and tulad ng mga usual na pausbong pa lang na relationship ay very smooth pa ang flow ng relasyon namin nito and since hindi na ako nagpaligaw pa sa kanya noon, napagpasyahan niyang ligawan ako kahit kami na, halos araw-araw may narereceive akong something from him, flowers, chocolates, stuffs etc.





Finals week na ilang kembot na lang at makakapagpahinga rin ng matagal tagal.




"Kuya you don't have any plans naman sa sembreak ayt?" Tanong ko sa kapatid habang kumakain kami ng dinner.



Umiling ito. "Wala naman. Why?"




"Cooley! I'm going to Bacolod and I want you to come with me." Ipinakita ko ang printed e-ticket namin.




"What? Nag-decide ka without asking me?"




"Sige na kuya ang tagal na natin hindi nagtatravel together, I wanted to experience maskara festival." Paglalambing ko dito.




"Eh bakit ako pa? Hindi na lang yung boyfriend mo niyaya mo."




Ngumiti ako sa kanya. "Actually kasama nga siya, pero.. I want you to be there please! Pababayaan mo ba ako alone with my bf?"




"May tiwala ako sayo!" Poker face na sabi niya.




Touch man ako sa sinabi nito nagpumilit pa rin akong isama ito dahil nga hindi ko na nagugustuhan ang pagiging loner niya lately. "Kuya naman eh hindi ako papayagan nila mommy please!" Grabe na ang pagdadrama ko.




"Fine! Fine! Ang kulit mo!" Naaasar na sabi nito.




Kasalukuyan na akong nasa kwarto, panandaliang huminto sa pagrereview upang kausapin ang napaka gwapo kong boyfriend na si Franco.




"What?! Ako talaga ang dinahilan mo?" Gulat na sabi nito.




"Sorry na! Nanghihinayang ako sa ticket eh."




"Okay fine may choice pa ba ako hehe, so tuloy na tuloy na yan ha!"




Hanggang nagdaan na ang finals at dumating na ang takdang araw ng flight namin pa-bacolod, first flight kami kaya nama'y madaling araw pa lamang ay sinundo na kami ni Franco may family driver naman kasi sila na pwedeng magbalik ng sasakyan after kaming maihatid sa airport, habang ang kotse ni kuya ay iniwan naman nito sa pinsan namin dahil nga wala namang parking space ang town house na siyang tinitirhan namin ngayon.




Mag-iisang oras bago ang flight ay dumating na kami sa terminal 3, nakapag web check-in naman na kasi kami kagabi ni Franco kaya hindi na kailangan pang pumunta ng mas maaga, habang nasa waiting area pansin kong malalim na naman ang iniisip ng kapatid ko, since madaling araw pa lang dito maaga aga pa kanila mommy sa canada kaya naisipan kong maki connect sa wifi ng terminal at tawagan ito via skype.




"Hi mom!" Kumakaway-kaway kong bungad ng sagutin nito ang video call ko.




"O nasaan ka niyan?" Tanong ni mommy.




"Nasa airport mi bound to BCD kami ni kuya." Flight attendant si mommy kaya familiar siya sa sinabi ko. Hinarap ko ang cam ng iPad ko kay Franco. "Si Franco nga pala mi." Pakilala ko sa kanya hindi ko pa muna sa ngayon nalagyan ng label kung ano ko si Franco naiintindihan naman niya iyon. "Tapos ito si kuya." Iniabot ko na sa kapatid ko ang iPad para sila na bahala magusap.




Maya maya'y naramdaman ko ang haplos ni Franco sa mukha ko at paglapat ng napakalambot nitong bibig sa noo ko.




"Gising na Babe proceed na tayo sa boarding." Nakatulog pala ako sa balikat nito ng hindi ko namamalayan.




Dahil nakakuha ako ng saglitang tulog kanina ay hindi na ako nakatulog pa sa byahe. Si kuya naman ngayon ang nagpasyang matulog, nilagyan nito ng earphones ang tenga at nakinig ng music hanggang sa tuluyan na nga itong nakatulog, kasalukuyan itong nakapwesto sa window side, ako nama'y sa middle at si Franco ang nasa aisle. 45 minutes lang ang byahe namin kaya naman ay nagkwentuhan at lambingan lang kami ni Franco buong flight.




Nagising na rin si kuya ng maramdaman nitong pa-landing na kami, kitang-kita mula sa himpapawid ang green na green na kabuuan ng probinsiya, napakalayo mula sa samutsaring kulay ng mga bubong ng bahay na makikita mo mula sa itaas ng metro manila. I'm starting to love this place nasabi ko sa sarili ng sobra akong mamangha sa natatanaw ng mata ko.




Pagdating namin sa bacolod-silay airport ay may nakaabang na sa aming lalaki at iyon ang magdadala kung saan kami manunuluyan buong stay namin dito sa city of smile, si Franco ang nag-asikaso ng lahat kaya wala na kaming pinoblema pang magkapatid. Napaka sariwa ng hangin, ni hindi na nga namin kinailangan magbukas ng aircon ng van na kasalukuyan naming sinasakyan na siya namang nagpadali sa akin upang kaliwa't kanang makuhanan ng litrato ang paligid kahit wala namang ibang makikita kundi nagtataasang damo na hindi ko mawari kung palay ba o kung ano man iyon. Ilang saglit lamang ay may mga sinaunang bahay na rin kaming nakikita patuloy pa rin ang pagkuha ko ng pictures sa mga ito.





Magkasama kami ni kuya sa ikalawang row ng van habang si Franco ay naroon pumwesto sa tabi ng driver. Hindi nagtagal ay pumasok kami sa isang malaking gate binaybay pa namin ang napakahabang daan na kung saan ay may napakalaking bahay na nagaabang sa dulo nito bagama't luma na ay bakas dito na name-maintain pa rin ang ganda nito kaya naman ay karangya rangya pa rin itong masdan.




"Magandang umaga!" Salubong ng isang matandang babae sa amin.



"Morning po!" Sabay sabay na sagot naming tatlo nina kuya at Franco.



"Napagod ba kayo sa byahe?" Malawak na malawak ang ngiti nitong nagtanong. Ginantihan din namin siya ng ngiti hangang sa may tinawag ito. "Joey hija!!! Ang mga kaibigan mo!!!"




Maya maya'y lumabas na nga ito mula sa loob ng bahay, napakapit ako sa bisig ni Franco habang tinitignan ko ang kapatid ko at hindi nga ako nagkamali sa maaaring maging reaksiyon niya ng makita na nito si Maine na nakasunod kay Joey. Sunod ko namang tinignan ang bestfriend ng boyfriend ko na napahinto sa paghakbang pababa sa kinaroroonan namin at naglalakihan ang mata ng matanaw nito kung sino ang ikatlong kasama namin ni Franco.




Si Franco ang nakaisip ng lahat ng ito, minsan kasi kaming magkausap nito I'm so worried sa pagiging distracted ng kapatid ko, gayon din siya kay Maine kaya we decided humingi ng tulong kay Joey. Tamang tama uuwi pala ito ng province nila sa sembreak and she invited us to come with her and dun namin isasagawa ang plan na pagbatiin ang dalawa.




At ngayon ngang nagkaharap na si kuya at Maine sana ay hindi ako patayin ng kapatid ko dahil sa pagset-up ko sa kanya.



Author's note: lame chapter :( Sorry po.. Na-hook ako sa pagbabasa ng dun sa fina-follow ko ring story and because I'm done reading it matututukan ko na muli itong story ko.. Bawi po me sa mga next chapters! Suggest kayo pwedeng mangyari kay Chard and Maine during their vacation. ALDUByou!

Twitter/Instagram:
@officiaLEIGH
#BOTEonwattpad

Beginning of the End | on-going |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon