Chard P. O. V."Chard?" Bigkas ni Maine sa pangalan ko ng makita niya akong pumasok sa ice cream parlor na pinagtatrabahuan niya. "What are you doing here?" Madali itong lumapit sa akin at hinila ako sa isang bakanteng table.
"N-nagkasakit kasi ako, just wanted to check on you kung ikaw ba okay naman." Sagot ko sa kanya.
"O-okay naman ako, ikaw pala tong nagkasakit bakit ako ang kinakamusta mo?" Nagtatakang tugon nito. Sa totoo lang hindi ko rin alam ano ang pumasok sa isip ko bakit ako narito ngayon, kung bakit ko siya pinuntahan. marahil ay hindi naging maganda noong huli kaming magusap dalawang araw na ang nakararaan mula ngayon. "You know what Chard umuwi ka na, baka kung mapano ka pa eh!" Alam kong hindi pagtataboy ang ginagawa ng dalagang ito sa akin ngayon, ramdam ko ang pagaalala sa mga tinig niya.
"H-hindi ko kasi ma-contact yung cellphone mo, kaya lalo ako nagalala." Wala na akong ibang maibigay na dahilan sa kanya sa puntong ito.
"G-ganun ba?" Napayuko ito bigla. "Sira kasi ang phone ko ngayon eh!"
I knew it! Sabi ng isang bahagi ng utak ko. Kapalaran nga ba ito o pagkakataon para sa akin upang makagawa ng hakbang para mapagusapan namin ang mga dapat pagusapan? "Actually yung akin din sira, nakigamit lang ako kay Riz kanina ng ph---"
"Maine excuse!" Hindi ko natapos ang sasabihin ng bigla itong tawagin ng kasama niya at iwinawagayway ang landline phone nila, nangangahulugan sigurong may phone call siya.
"Excuse lang Chard ah!" Paalam nito hanggang sa tuluyan na ngang tumayo at sinagot ang tawag.
Hindi na rin ako nagtagal, matapos maibaba ni Maine ang phone ay nagpaalam na rin ako dito.
- - - - -
"Kuya surprise!" Nakangiting sabi ng kapatid kong si Riz pagkapasok ko ng bahay, katabi nito ang mommy namin sa may sofa sa sala.
"Anak." Tumayo si mommy at sinalubong ako ng yakap.
"Bakit hindi ko alam 'to?" Tanong ko sa kanila, ang tinutukoy ko ay ang biglaang pag-uwi ng mommy.
"Actually noong isang araw pa ako nandito, kaso may conference akong pinuntahan, pauuwiin ko sana kayo sa bahay kaso ng makausap ko kahapon si Riz sabi niya may sakit ka daw, that's why I decided to come over." Paliwanag ni mommy. "Pero you seem okay naman na."
"Syempre mahusay yata ang naging nurse niyan mom." Sabat ni Riz. Inabot ko na lang ang ulo nito sabay gulo sa buhok niya. "Kuya naman!"
"Kayo talaga, buti hindi kayo nagrarambulan dalawa dito?"
"So far hindi naman mom, mature enough naman na yang baby mo." Sagot ko sa tanong ni mommy. "You should meet her boyfriend."
"Yeah yeah! He's on his way na." Confident na sagot ng kapatid ko.
Umakyat ako sandali para magpahinga, oras din ang binilang bago ako muling tinawag nila mommy upang bumaba, matapos kong magmadaling bumaba ay nadatnan ko si Franco nakaupo sa may sala kasama si Maine.
"Oh ayan na pala ang kuya mo." Sabi ni mommy kay Riz habang busy sila sa pag-aayos ng dinning table.
"Kuya c'mon." Pagyaya ng kapatid ko ng makita ako at sunod nitong tinawag ang boyfriend niya. "Babe! Maine! C'mon let's eat!"
![](https://img.wattpad.com/cover/50726618-288-k20174.jpg)
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...