Maine P.O.V.Halos mangiyak ngiyak na ko at napaupo na lang sa may veranda matapos makaalis ni Chard, hindi ako makapaniwala, ang taong punong puno ng pagmamahal sa mga nasa paligid niya ay biglang nagtransform into somebody na ni sa panaginip ay hindi ko inaasahang magiging ganoon.
Sinubukan akong lapitan ni Trish na kasalukuyan din nanginginig at umiiyak. "M-maine?" Bago pa man ito makalapit, itinaas ko ang kamay ko senyales na ayoko muna itong makausap. "Maine I'm sorry.." Pagpupumilit nito.
"Trish please not now." Mahina ang boses kong nakiusap dito, hindi ko rin siya magawang tignan.
"Please just let me explain." Dahil ayaw niyang tumigil napilitan akong iwanan ito at agad na tumakbo paakyat ng kwarto.
Pagpanik ko agad akong dumapa sa kama at doon na naibuhos ang sama ng loob na idinulot sa akin ng hapong ito. Ilang oras akong nagmukmok hanggang sa nakatulog na nga lang. Nagising ako ng lumagitnit ang pinto at may magbukas ng ilaw, napatingin ako kung sino iyon.
"Hi friend!" Si Joey pala tila kadarating lang nito. Tumango lang ako sa kanya. "Oh em! Ano nangyari ba't namamaga yang mata mo? Okay ka lang ba?" Usisa nito.
"Okay lang." Pagsisinungaling ko sabay kusot sa mga mata.
"Sigurado ka? Grabe oh! Parang galing iyak." bakas talaga sa mga mata nito na wala siyang ideya sa mga nangyari kanina.
"Bagong gising kamo." Pinilit kong daanin sa biro upang hindi na ito magduda pa. "Kauuwi mo lang?"
"Oo eh." Nakangiti niyang sagot. "Ay eto wait." May kinuha itong brown paper mula sa mga dala niya at iniabot sa akin. "Ayan pasalubong." Aniya.
"S-salamat!" Sabi ko.
"Actually galing yan sa bestfriend mo."
"Kay Franco?"
"Oo. Paano kino-contact ka namin para yayain hindi ka naman sumasagot."
Tinignan ko na rin ang cellphone ko, may ilang missed calls nga mula kay Franco at text kay Joey. "So magkasama kayo?"
Muli itong napangiti. "Oo. Sorry friend may film review kasi tayo sa PolSci."
"Film review?"
"Kanina lang nag-announce si miss, sakto yung yaya ni Franco lumabas kaya sabi ko nood na lang kame sine para makita ko rin yung movie at maaga masimulan yung paper. Hindi na kita nahintay sorry friend." Niyakap ako nito bilang paglambing.
Gumaan ang pakiramdam ko hindi lang dahil sa yakap ng kaibigan kundi pati na rin sa pagsunod ni Franco sa pinakiusap ko at maganda ang resulta dahil magkasundo naman sila ni Joey kahit paano. Atleast kahit isa sa amin ng bestfriend ko masaya at nageenjoy sa puntong ito.
"Bakit ba kasi hindi ka pumasok? May sakit ka ba? Pati sa trabaho kanina hindi ka rin nagreport hindi ba?" Muling paguusisa nito habang kinakain ko ang pasalubong na dala niya.
"Parang ganun na nga, medyo hindi maganda pakiramdam ko mula kanina pa paggising." Muli kong pagkubli sa nararamdaman.
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...