Dedic to: villapandovia
Maine P.O.V.
Past 1 na ng madaling araw, hindi pa rin ako dapuan ng antok, nakatitig lang ako sa kisame at tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. Yung long term crush ko nanliligaw na sa akin ngayon? Natuon ang tingin ko sa paper bag na nakapatong sa study table ko. Tumayo ako upang buksan ang ilaw at kinuha ang paper bag na naglalaman ng cellphone, mula kanina ay hindi ko pa rin ito nabubuksan.
Ikinagulat ko na lamang ng bigla itong mag-ring matapos ko mai-open.
"H-hello?" Sabi ko matapos sagutin ang tawag.
"Anong nangyari bakit ngayon lang kita na-contact?" Bungad ng tumawag na walang iba kundi ang taong bumili ng bago kong cellphone na ito. Si Chard.
"S-sorry. Ano kasi.. Uhmm ngayon ko lang siya naisipan tignan." Paliwanag ko.
"I see. Bakit gising ka pa? For sure may pasok ka pa mamaya, dahil nakapag-off ka na kahapon."
"Hindi ko rin alam, nakakarami na nga ako ng nabilang tupa di pa rin ako dalawin ng antok."
"Baka iniisip mo ko ha!" Dama ko ang pag-init ng mga pisngi ko dahil sa narinig ko mula sa kausap ko sa kabilang linya. "Maine? Uyy joke lang ha!" Pag-aalala nito dahil hindi agad ako nakasagot.
"Ah eh ewan ko sayo puro ka kalokohan." Nawawala na naman ako sa sarili.
"Sorry akala ko lang kasi mutual feeling eh." May problema yata ako halos hindi nagsi-sync in sa akin ang mga sinasabi niya.
"M-mutual?" Tanong ko na lang para makasigurado.
"Oo mutual. Iniisip kasi kita kaya hanggang ngayon gising pa ko."
"G-ganon ba? B-bakit naman? Kanina lang magkasama tayo, hindi ba?" Tanong ko.
"Hindi mo alam gaano mo ako napasaya today Maine."
"Ano pa ko? Tignan mo naman nagkaroon ako ng new phone instantly." Shocks! Parang may mali sa sinabi ko, hindi ko na kasi alam ang isasagot sa mga cheesy lines ng lalaking ito.
"Atleast napasaya kita, ako pa rin ang reason ng happiness mo." Sabi nito.
Okay wait ano mauuna? Ang matunaw ako o ang makunsensiya sa sinabi ko? Tanong ko sa sarili.
"Chard sobrang salamat sa araw na ito ah." Yun na lang ang nasabi ko.
"Ano ka ba. Ako nga dapat magpasalamat pinaunlakan mo invitation ko."
"Sige pahinga na tayo."
"Good night Maine."
"Good night din sayo Chard."
Akma ko na sana pipindutin ang end call ng bigla na naman itong nagsalita. "Uhmm Maine?" Aniya.
"Hmmmm?" Tila parang may nagtatambol sa dibdib ko habang inaabangan ang susunod na sasabihin ni Chard.
"Uhmm~~wala I Love You Maine. Good night ulit."
"S-sweet d-dreams Chard." Ayun lang at tuluyan ko na ibinaba ang tawag.
BINABASA MO ANG
Beginning of the End | on-going |
RandomCharmaine secretly loving Richard for years, but unfortunately he's already taken and loving someone else. Until Charmaine found out something... Would she take advantage of it? And watch the BEGINNING OF THE END of Richard and his girlfriend love s...